Kill POV
"Anong plano? Ayaw ni Poison sa planong naisip mo Death." Sabi ko at tumingin kay Death ng maka labas si Poison.
"Tss" tanging sabi ni Death at pinikit ang mga mata nya.
Wow grabe ah may kausap ako. -,-
"Wag mong pilitin ang ayaw, baka pumayag." Maangas na sabi ni Danger kaya napa tingin ako sa kanya. Naka lagay ang kanyang dalawang paa sa mesa habang naka sandal sa upuan ang likod at naka lagay ang dalawang kamay sa ulo niya bilang unan.
"Duh, kilala natin si Poison. Kahit anong pag pipilit ang gawin sa kanya di siya papayag." Sabi ko.
"Oh eh di wag natin siya sali sa plano. Basta pag sa oras na makalabas tayo dito di siya sasama sa atin. Ganon lang." Sabi ni Danger kaya napa kunot ang nuo ko.
"Di ka naman baliw para gawin yan diba?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at ngumisi.
"Sino naman nag sabi sayo na di natin yan gagawin? Kill sa lugar na't walang kaibi-kaibigan ang mahalaga lang sa lugar na ito ay ang rango. Mamatay man ang isa sa inyo walang pake alamanan. Bakit maililigtas ka ba ng pag kakaibigan na yan? Mailalabas ba tayo ng pagkakaibigan na yan? Trabaho lang walang personalan Kill. Kapag sinabing ranggo, ranggo lang. " sabi ni Danger kaya uminit ang ulo ko.
Relax Kill di ka pwedeng magalit. Di mo pwedeng kalabanin si Danger lalo na't ganyan siya mag isip ngayun.
"Ang sakin lang naman. Pano pag si Poison ang naging dahilan para bumaba ang rango natin? Pano pag si Poison ang maging dahilan para mabulok tayo dito?" Tanong ko.
Ngumisi si Danger at kinuha ang isang kutsilyo saka binato sa gawi ni Death na naka pikit. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nasalo ni Death ang kutsilyong paparating sa kanyang nuo ng naka pikit.
"Eh di patayin si Poison ng matapos ang problema." Sabi ni Danger at tumingin kay Death na binali ang kutsilyo.
Natahimik ako at napa tingin sa ibang gawi.
"Wag mong sabihing naaawa ka kay Poison purket may pinag samahan tayong apat." Sabi ni Danger dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Alam mo Kill. Walang lugar ang mga awa sa ganitong klaseng empyerno. Walang pagkakaibigan ang mabuboo sa ganitong lugar. Puro plastikan lang Kill." Sabi ni Danger at tumayo.
"Gagawin natin ang plano ni Death sa ayaw o sa gusto ni Poison. Di siya kawalan Kill. Pabayaan mo siya mag isang kumilos para tumaas ang ranggo niya. Kung ako nga lang ang masusunod eh madagal ko ng inalis yang bubblegum girl na yan sa grupo natin." Sabi ni Danger at nag tungo sa kwarto niya. Napa tingin ako kay Death na naka pikit parin.
Huminga ako ng malalim saka nahiga sa sofa.
"Wag mong sasabihin kay Poison lahat ng sinabi ng Danger na yun." Napa tingin ako kay Death ng mag salita siya. Naka pikit parin siya pero biglang nag bukas ang mga mata niya.
"Ayaw mo naman sigurong magkagulo ang dalawa diba?" Tanong niya. Tumango lang ako at tumingin sa kisame.
"Talaga bang hindi nyo tinuring na kaibigan si Poison?" Tanong ko. Tumingin ako kay Death ng di siya sagot. Napa buntong hininga ako at pumikit.
"Kapatid ang turing ko kay Poison." Sagot ni Death dahilan para mapa bukas muli ang mga mata ko at mapatingin sa kanya.
"Lahat kayo para sakin ay kapatid ang turing ko." Dagdag niya saka tumayo.
"Ayokong mag kakagulo o mawala ang isa sa atin. Dahil sa oras na mangyare yun--" tumigil siya at binitawan ang kutsilyong bali-bali na."---kayong tatlo isasama ko sa kamatayan ko." Sabi niya at nag punta sa kwarto niya.
Napa buntong hininga ako at napa tingin sa kisame.
Ang gulo, ang gulo gulo nila. Saan ba ako kakampi? Hayst bwisit naman na buhay to oh.
Poison POV
"Hinay hinay lang baka malasing ka na niyan." Napa lingon ako sa katabi ko.
"Pwede ba? Lumayas ka sa tabi ko? Baka pasabugin ko mukha mo." Irita kong sabi at tinungga ulit ang alak na hawak ko.
"Ano bang nangyare?" Tanong nito.
"At bakit intresado ka? " tanong ko at hinarap si Gun.
"Wala lang, kasi naman unang beses ata na ang isang myembro ng B4 ay nag punta sa lugar na ito para uminom." Sabi nya at ininom ang hawak niyang alak.
"Bakit bawal ba? Sa pag kakaalam ko isa ang grupo namin sa nag tatag ng lugar na ito." Sabi ko at tinignan siya ng masama.
"Iwan mo na nga ako pag ako di nakapag timpi baka pasabugin ko na ang mukha mo." Sabi ko.
"Himala atang wala kang bubble gum ngayun ah." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya at may nilabas sa bulsa. Ng tignan ko ito ay isang gum
"Sayo nalang. Marami pa ako niyan sa kwarto ko." Sabi niya sinamaan ko muna siya ng tingin bago tinanggap at muling uminom ng alak.
"Nag away ba kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong niya.
"Kaibigan? Sino yun?" Tanong ko
"Sila Danger,Death at Kill?" Sagot nya.
Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso niya.
"Patawa ka." Sabi ko at tumayo saka tinapik ang balikat niya.
"Salamat sa gum." Sabi ko at nag lakad palayo sa kanya.
"Kaibigan haha may ganon pala?" Bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad. Ngunit naka ramdam ako ng pagikot ng paningin ko dahilan para mapa hawak ako sa isa sa mga upuan at mapatigil.
Tangina kong mamalasin ka nga naman oh
"Poison ayus ka lang ba?" Napatingin ako sa mag salita at nakita si Gun na nasa tabi ko. Tumango tango lang ako at ngumiti.
"Ayush langsh--"
"Poison!"
Biglang nandilim ang paningin ko at namanhid ang katawan ko.
Tangina iba na toh ah~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...