Chapter 28

978 30 4
                                    

Danger POV

Tahimik naming nilalandas ang daan patungo sa Field.
Napa lingon ako sa kasama kong si Blood na seryoso ang aura.

"Tahimik mo ah." Panimula ko saka tumingin sa daanan.

Hindi siya sumagot sa halip ay huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin at huminto sa pag lalakad.

"Hindi ko na kaya." Sabi nya. Napa tingin ako sa paligid. Saktong walang tao sa paligid. Tahimik.

"Ako din naman ah." Sabi ko at napa pikit. "Nag reklamo ba ako?" Tanong ko.

"Danger hanggang kailan tayo ganito? Hindi ko kaya." Sabi niya at lumapit sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa CR ng mga babae kung saan out of order

Tinitigan ko sya saka agad na hinalikan sa labi. Agad naman siyang tumugon sa aking pag kakahalik. Naging malalim ito hanggang sa ako na mismo ang kumalas

"Kayanin mo muna please.... Malapit na tayong maka alis dito." Sabi ko at hinalikan ulit siya.

"Sa paanong paraan? Danger hindi ko na kaya na itago pa ang relasyong meron tayo. Kada oras at segundo na mimiss kita sa tuwing di tayo magkasama." Sabi niya saka hinalikan ako. Tumugon ako ulit sa kanyang halik saka humiwalay.

"Pangako. Sa araw ng laro natin aalis tayo dito." Sabi ko at niyakap siya.

"Mahal na mahal kita Ella." Sabi nya at hinalikan ako sa labi.

Isang malalim na halik ang aking iginawad saka pabulong na sumagot.

"Mas mahal na mahal kita Acaz." Sabi ko at niyakap siya.

Ilang minuto pa ang aming tinagal sa loob ng CR upang namnamin ang sandali ng aming pag sasama saka nag punta sa Field

Tama. May relasyon kami ni Blood at ito ay isang secret relationship. Kaming dalawa lang ang nakaka alam at dapat wala ng iba.

Patago ang aming relasyon dahil ayaw naming malaman ng mga kaibigan namin ang tungkol sa aming dalawa. Lalo na si Death na kapatid ni Blood.

Oo kapatid ni Blood si Death. Napunta dito si Blood para sana kunin si Death ang kaso na trap siya. Na kulong sya dito at di na nakalabas pa. Ayaw naming malaman ni Death ang tungkol sa aming dalawa dahil tutol ito. Nong kinausap kasi ni Blood si Death tungkol sa relasyon ang sabi ni Death ay puputulin nito ang kaugnayan na meron sila at magiging kaaway nito si Blood.

Nong isang araw naman na kinausap ko si Death tungkol kay Blood at sinabing crush ko si Blood ang sabi ni Death ay habang maaga pa alisin na ang nararamdaman ko para kay Blood dahil masasaktan lang daw ako.

Hindi ko alam kung bakit. Ayaw nilang sabihin sakin kaya mas pinili kong manahimik.
Sa tagal namin dito sa empyernong ito mahigit 3 taon na kami ni Blood na nasa isang secret relationship. Nag kakasama lamang kamu sa oras ng activity minsan sapilitan lang.

"Magandang araw sa inyong lahat. Marahil ay kayo na ang napili upang mag laro sa maze na magaganap sa Arena." Natigilan ako at napatitig kay Admiral.

Sa labas magaganap ang laro.
Ibig sabihin ilalabas kami. Napa ngisi ako sa loob loob ko.

"Pinatawag ko kayo upang sabihin na sa March 5 ay aalis na kayo upang pumunta sa arena. Iisang eroplano lamang ang inyong sasakyan papunta don. Ipina move ng taga supreme ang laban dahil sa gaganaping event bukas." Sabi niya saka may inilabas na isang kwintas na yari sa bakal.

"Itong hawak kong ito ay inyong susuotin bago kayo sumakay sa eroplano. Isa itong kwintas na nakamamatay. Dahil sa oras na tangkain nyong tumakas. Itong hawak kong device na ito ay aking pipindutin upang mautusan ang kwintas na patayin kayo. Parang ganito." Sabi niya at mula sa likod niya may isang askal na aso kung saan may suot na kwintas na hawak niya.

Naka titiglang kami sa aso ng gumalaw si Admiral at pinindot ang device. Napatingin kami sa aso at nakitang sumabog ang ulo non.

Napa pikit ako ng makita ko kung pano umagus ang dugo ng aso.

Nakaramdam ako ng paghawak sa aking mga kamay kaya napalingon ako sa humawak sakin at nakita si Blood na naka tingin sa harap. Napatingin ako sa kamay  namin na mag kahawak habang may takip na panyo

"Nakita niyo naman kung pano sumabog ang ulo ng aso right? Ganon ang mangyayare sa inyo kapag tumakas kayo." Sabi nito saka ibinigay sa alalay niya ang hawak hawak.

"Ang event na magaganap bukas ay isang Royal Bloody Ball." Sabi nito kaya kumunot ang nuo ko.

"Isang ball muna ang magaganap bago kayo umalis. Nasa mga room niyo na ang inyong susuotin bukas. 6:00 PM hanggang 4:30 AM ang Ball. Lahat ng nag aaral dito sa UGS ay kasali sa ball." Sabi nito saka ngumiti ng malapad.

"Yun lang maaari niyo ng ikalat ang balita." Sabi niya sabay talikod.

Napatingin ako kay Blood na naka tingin sakin.

"Handa ka na?" Tanong ko kaya kumunot ang nuo niya. Ngumisi lang ako dahil sa namumuong plano sa aking isipan.

"May pinaplano ka bang isang kademonyohan?"tanong niya kaya natawa ako.

" isang mabuting plano ang akimg gagawin...."sabi ko at ngumisi "para sating dalawa." Dagdag ko

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon