Chapter 13

1.2K 37 11
                                    

Gun POV

Taimtim kong pinag mamasdan si Poison na naka higa sa aking kama habang wala siyang malay.

"Ano ba kasing kagagohan ang pumasok sa kokote mo para dalhin ang lason na yan dito sa kuta natin?!" Iritang tanong sakin ni Knife. Kanina niya pa ako pinapagalitan pero di ko siya kinikibo.

"Knife ano bang problema sa pag dala ni Gun kay Poison dito?" Singit ni Bone.

"Problema? Gago di ba kayo nag iisip? Malamang isa lang yan sa mga trap ng B4! Kunwari lasing pero ispiya lang pala!" Sabi ni Knife at padabog na umupo sa isang bakal na upuan.

"Knife hindi naman siguro ganon si Poison." Singit ni Blood

"Anong hindi? Tanga ba kayo? Kaaway natin ang B4 pag di tayo kumilos maaagaw nila ang trono natin at pag naagaw ang trono natin malamang back to zero nanaman tayo tangina ano bang--"

"BAKIT BA MASYADO KANG PAKE ALAMERO?!" di ko na napigilan ang sarili ko na sumagot. Kanina pa siya, napupuno na ako.

"PAKE-ALAMERO? TANGA KA BA? PRINOPROTEKTAHAN KO LANG ANG GRUPO NATIN!" sigaw niya sakin.

"KILALA KO SI POISON HINDI SIYA--"

*BLAG

Isang malakas na sapak ang nakuha ko kay Knife.

"GAANO MO SIYA KILALA? HA? GAANO?!" sigaw niya at tinuro si Poison.

"Pwedeng sya ang makaka sira sa grupo natin at makakapag baba sa rango natin. Gun may utak ka, gamitin mo tangina ayaw mo bang maka labas sa empyerno na ito? Ha!" Tanong niya sakin.

Umiling iling ako.

"Knife lahat tayo gustong maka labas sa lugar na ito. Pero di ibig sabihin na hindi na natin tutulungan ang isang tao na nangangailangan ng tulong." Sabi ko

Natawa naman siya sa sinabi ko at pumalakpak.

"Napaka gago." Sabi niya habang pumapalakpak.
"Tulong? Kelan ka pa tumulong ha? Kelan ka pa natutuong tumulong? Gun? Ikaw ba yan ha? Ikaw ba yan? Baka naman ay sumanib sayo kaya ka nag kakaganyan." Natatawa niyang sabi at nag seryoso.

"Gun tandaan mo, sa lugar na gaya nito hindi uso ang tulong o tiwala. Baka mamaya magulat ka tiwasay ka na at patay na." Makahulugang sabi ni Knife at tumayo.

"Ibalik niyo na yan sa kagrupo niyan, baka mamaya pag bintangan pa tayo ng kung ano ano." Sabi nya saka lumabas ng kwarto ko.

Naiwan kami nila Blood at Bone na tahimik. Nagkatinginan kaming tatlo saka sabay sabay na tumingin kay Poison.

"Bakit ba siya nag lasing?" Biglang tanong ni Blood.

"Hindi ko din alam." Sabi ko at lumapit kay Poison saka kinapa ang nuo nya.

"Mainit siya, kailangan niyang uminom ng gamot." Sabi ko.

"Gun wag na." Sabi ni Bone kaya napatingin ako sa kanya.

"Mga kaibigan niya na ang gagawa niyan, ibalik na natin siya sa grupo nila." Sabi ni Bone at tumingin kay Blood.

"Tama si Knife, kailangan natin siyang ibalik baka magkagulo pa." Sabi ni Bone at tumingin sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan si Poison

'Kung hindi ka ba naman baliw para uminom ng ganon ka tindi, tsk tsk lagot ka sakin pag gising mo.'

Knife POV

Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ni Gun saka huminga ng malalim.

"Mga bobo." Bulong ko saka lumabas sa kuta namin. Nag libot libot lang ako sa labas at napag pasyahang pumunta sa court.

Ng makarating na ako sa court nakita ko ang isang bola ng basketball na nasa isang upuan. Parang may galing na dito.

Lalapitan ko na sana ang bola ng may marinig ako.

"Sa bawat saglit, handang masaktan🎶🎶 kahit di mo alamnapa tigil ako at sa di ko alam na kadahilanan hinanap ko kung saan galing ang boses na narinig ko.

Ang ganda... Sobrang ganda ng boses niya.... Sino ba siya? Saan ba galing yun? Sigurado ako na maganda din ang nag mamay-ari ng boses na iyon.

" Subukang muli... At pag bigyan... Ang ating nakaraan 🎶🎶"

Fuck! Saan ba galing yun?!

Nag tungo ako sa isang parte ng court kung saan may dalawang pintuan, pintuan na para sa CR at Locker.
Una kong sinilip ang sa CR ngunit walang tao. Umikot ako para harapin ang pinto ng Locker ng manigas ako sa kinatatayuan ko.

Ang malamig niyang aura at ang nakaka kilabot niyang tingin... Tangina.

"B-bakit ka nandito?" Utal kong tanong kay Death na walang emosyon. Naka tingin lang siya sakin.

"Tss" yan lang ang lumabas sa bibig niya bago siya nag lakad palabas ng locker room.

Sumilip muna ako sa loob ng locker room at nakitang walang laman.

"Death! May nakita ka bang babae na kumakanta dito?" Tanong ko. Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman nag tungo ako sa harap niya at gaya ng pagkakakilala ko sa kanya. Wala parin siyang emosyon.

"Yung kumakanta baka may nakita ka?" Tanong ko ulit

"Wala -,-" sagot niya saka ako nilagpasan napa ngisi nalang ako at napa kunot nuong tumingin kay Death habang siya ay nag lalakad.

Imposible, alam kong may kumakanta kanina.
Muli kong sinulyapan ang dalawang pintuan na sinilip ko.

Napa iling nalang ako at nag lakad papunta sa gitna ng court.

Napa nganga ako ng makita ko si Death na binato ang bolang hawak niya sa ring ng basketball at pumasok iyon napa lunok ako dahil  kung bibigyan yun ng score ay 4 points yun. Nag patuloy lang siya sa paglalaro at pag hagis ng bola na para bang di niya nararamdaman ang presensya ko.

Puro 3 to 4 points ang tira niya at wala talagang sablay don.

Maya maya pa ay bigla niya nalang hinagis sa dereksyon ko ang bolang hawak niya at agad ko naman iyong nasalo.

Gaya kanina, wala parin siyang emosyon.

"B-bakit mo hinagis sakin to?" Tanong ko

Hindi siya sumagot sa halip ay lumapit siya sakin at tinignan ako ng deretso.

"Wag." Malamig niyang sabi kaya kumunot ang nuo ko.

"Wag mong sanayin ang sarili mo na tignan ako at panuorin, baka pang adikan mo." Malamig niyang sabi dahilan para mabigla ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa dami ng sinabi niya.

"Ang kapal mo naman." Sabi ko dahilan para bahagya siyang matawa na mas lalong kinagulat ko.

"Kung gusto mo makipag laro sakin sabihin mo, hindi yung hanggang tingin ka lang." Sabi nya kaya napalunok ako.

"Hinahamon mo ba ako?" Taas kilay kong tanong.

"Hinahamon ba kita?" Balik niyang tanong

Napa iling nalang ako at napa ngiti.

"Nag kamali ka ng hinamon, player to." Sabi ko

"Player ka lang Master ako" sabi niya at inagaw ang bola sakin.

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon