Chapter 30

983 29 13
                                    

Kill POV

Matapos ang nakakahiyang pangyayare, kinalimutan ko nalang iyon at nag ayus. Syempre inayus ko muna ang buhok ko at nag suot ng robe.

Ng nailagay ko na ang pang kulot sa buhok ko, nag tungo ako sa baba at doon nakita ko si Bone na walang malay na naka higa sa sofa habang si Poison at Death naman ay naka tingin kay Bone.

"Nasan si Danger?" Tanong ko

"Andon sa CR." Sagot ni Poison.

"Wala paring malay yan?" Tanong ko.

"Halata naman diba?" Sagot ni Poison. Nag tungo sa kusina si Death at kumuha ng isang basong malamig na tubig saka binuhos kay Bone na walang malay.

Agad na nagising sa gulat si Bone at napa linga linga sa paligid.

"Nasan ang nakahubad?" Gulat niyang tanong kaya kumunot ang nuo ko.

"Bastos!" Sigaw ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Poison.

Hinilamos muna ni Bone ang kamay niya sa palad saka sumagot.

"Nag punta ako dito para sabihing susunduin namin kayo mamaya. Eh kaso ito." Turo sa akin "binato ako."dagdag niya.

"Wow ha eh kong di ka namboso sana di ka nabato." Sabi ko at inirapan siya.

"Eh kung nag takip ka kasi ng towel sana di ka mabubusohan." Banat niya kaya kumunot ang nuo ko.

"So kasalanan ko?" Tanong ko.

"Alangan namang ako? So kasalanan ko ba na naka hubad ka? Katawan ko yan?" Tanong niya saka tumayo at kunot nuong tumingin kay Death.

"Salamat sa pag papaligo sakin na appreciate ko buset." Sabi nya at nag lakad papunta sa pinto saka lumabas. Napatingin ako sa dalawa na naka tingin sakin. Tinaasan ko sila ng kilay kaya umiling sila. Saktong lumabas si Danger mula sa CR.

"Moral lesson, mag dala ng towel bago maligo." Pag paparinig ni Poison bago pumasok sa CR.

So kasalanan ko talaga yun! Wow ha kasalanan to lahat ng memorya ko! Kung naalala ko lang na wala akong dalang towel sana di muna ako pumasok sa cr!

Ng matapos na silang maligo, sinimulan ko na silang ayusan. Well sa aming apat, ako lang naman ang marunong gumamit ng make up. Thanks to my personal make up artist sa labas. Natutunan ko kung pano mag make up. Pag ako talaga naka labas sa lugar na ito, ipag papatuloy ko ang pagiging make up blogger ko.

Una kong inayusan si Poison natural and fresh look lang ang ginawa ko sa kanya since maganda siya foundation at unting highlight saka contour lang ang nilagay ko with pink rose lipstick. Since curly naman ang buhok niya, mas lalo ko lang pinakulot yung sa may dulo ng hair niya para mas lalong gumanda at bumagay sa kanya.

Next naman ay si Danger, medyo nahirapan pa akong ayusan siya kasi panay reklamo niya. Ginawa ko lang light ang make up niya, nilagyan ko din sya ng eye lashes na medyo mahaba, eye shadow saka foundation. Nilagyan ko lang din sya ng blush at red lipstick. Since medyo maiksi ang buhok niya at kulot ginamitan ko ng plantsa ang buhok niya saka pina straight saka inipitan ng tirintas ang ilang parte ng hair niya na babagay sa kanya.

At sumunod naman si Death. Si Death ang pinaka matagal kong na make upan kasi heavy make up ang ginawa ko.
Pinatungan ko ng eye lashes ang lashes nya saka nilagyan ng maskara. Nilagyan ko din ng contour, foundation, blush, highlight at eye shadow si gaga. Dark red lipstick naman ang nilagay ko sa lips nya at dahil mahaba naman ang buhok niya at straight na hanggang pwet niya, tinirintas ko lang ang magkabilaan saka ginawang fish tail ang ilan and then vuala. I'm done.

At ang pinaka huli sa lahat syempre ako. Ginawa ko na ang pinaka babagay sakin na make up, syempre di ako papakabog no.

Matapos pa ang ilang minuto ay natapos na ako. Nag  tungo na ako sa kwarto ko para suotin ang gown ko. Napa tingin ako sa orasan at 5:50 PM na, 10 minutes nalang 6 na. I'm so excited.

Binuksan ko yung box kung saan nakalagay yung gown ko at halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda

(Picture in multimedia. )

Isa itong gown na glow in the dark. Sa unang tingin parang pure white siya pero sa oras na mawala ang ilaw sa buong paligid, nagiging sky blue ito. May pares na itong blue glass shoe na babagay sa gown ko.

Excited ko itong sinuot saka tumingin sa full size body mirror ko.
Para akong si Juliet sa Romeo and Juliet, bagay na bagay sakin.

I'm so very pretty talaga!

Nag suot ako ng ilang accessories saka muling tumingin sa salamin.
Whow tiara nalang ang kulang para na akong prinsesa sa lagay na to.

Dahil sa sinabi ni Danger kanina, nag lagay ako ng ilang secret weapon sa ilalim ng gown ko at sa may bra ko. Kumuha din ako ng isang kutsilyo na nakatago sa relo.

Napa ngiti ako ng makita ko ang orasan.
6 na! And its Royal Bloody Ball time!

Narinig ko ang katok sa pinto ng mga kasama ko kaya naman binuksan ko ang pinto ngunit nagkamali ata ako ng akala.

"You're so gorgeous lady, may kasalanan ka pa sakin so para sa pambawi mo, i will be you're escort today." Seryoso niyang sabi saka ngumiti dahilan para malaglag ang panga ko

Shit. He's so handsome!

Damn this guy hiding in the name BONE.
He's so fucking handsome!
Can somebody slapped me right now? His driving me crazy.

Wait what the hell? Am i talking english right now? Oh thank you alam ko namang wrong grammar nag try lang buset.

"Shall we?" Tanong nya at nilahad ang kamay niya sa harap ko. Tinignan ko ang kamay nya saka ngumiti.

"I'm sorry, i can handle my self." Pag tataray ko.

Akala mo nakalimutan ko na ginawa mong pag wawalk out kanina?!

"What the.... Choosy ka pa nakita ko naman na." Agad uminit ang ulo ko sa sinabi niya at tinulak sya dahilan para mapasandal siya sa pader. Agad ko siyang kinulong gamit ang kamay ko saka lumapit sa kanya.

"Hoy lalaki, kung inaakala mong tapos na ang away natin, nag kakamali ka. Hindi ko malilimutan kong pano mo ko bosohan at---"

0___0

Natahimik ako at kinabahan ng mas lalo niyang idikit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mag lapat ang mga labi namin.

Ilang minuto pa ay humiwalay siya at naka ngising tumingin sa akin.

"Yan ang mabilis at mabisang paraan para patigilin ang maingay na babae." Sabi niya at kinurot ang nuo ko.

"You're blushing babe, i love it." Bulong niya na naging dahilan para mas kabahan ako.

Tangina! Babe daw!
~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Tweet me @redious_inFb: Arline Laure llIg: rediousinpaper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yan po ang suot ni Bone

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon