Chapter 23

1.1K 34 20
                                    

Death POV

Pagkalabas namin ni Knife sa office ni admiral, agad siyang nag salita na sya namang kinainis ko.

"Babe pala huh." Naka ngisi niyang sabi habang naka tingin ng nakaka loko sakin. Tinignan ko lang siya at di kumibo.

"So.... Pinag nanasahan mo talaga ako?" Natatawa niyang sabi. Muli ay hindi ko siya pinansin.

"Gumawa pala ng baby..." Sabi nya at lumapit sakin saka bumulong. "Gusto mo bang.... Totohanin natin?"

*PAKKK

Isang malutong na sampal ang nakuha niya sakin saka ko sya sinuntok sa mukha.

"Gago ka ba?" Tanong ko. Namilipit naman sya sa sakit at napalayo sakin.

"Bakit ba napaka sadista mo babe?!" Tanong nya dahilan para manginit ang ulo ko.

"Wag... Mo akong tawagin na Babe." Sabi ko at akmang sasampalin sya ng hawakan niya ang pulso ko saka hinila palapit sa kanya... Nanlaki ang mga mata ko ng  halos magkadilit na ang aming mga ilong.

Bigla akong nakaramdam ng pag bilis ng aking tibok ng puso at parang kinabahan. May kung ano ding something sa tyan ko ang gumagalaw na baka uod?

"Tatawagin kitang Babe." Seryoso niyang sabi habang naka tingin sa mga mata ko pababa sa labi ko kaya napakagad ako sa labi ko. Napa pikit naman siya na parang pinipigilan ang sarili niya na gawin ang naiisip nya.

"Simula ngayun..." Sabi niya at dinilat ang mga mata saka tumingin sa akin.
"Akin ka na... Mula ulo hanggang baba sakin ka na.....BABE" sabi niya at....

0__0

A/n: Play Glass Bridge

Isang malambot na labi ang sumakop sa aking labi. Sobrang init non at halos matunaw ako, halos matunaw ang yelong inilagay ko sa puso ko. Halos magiba ang pader na ginawa ko.
Ang katawan ko ay nakaramdam ng isang milyong bultahe ng kuryente at mas lalo pang lumala ang tibok ng puso ko

Wala na.....
Wala na ang pride na pinapahalagahan ko.
Natunaw na yun sa isang halik lamang ng lalaking ito.

Nag simula ng gumalaw ang kanyang labi at para namang may sariling utak ang akin na sumasabay din sa kanya.

Blanko ang isipan ko hindi ko alam kung bakit.

Ang matamis niyang halik ay naudlot ng humiwalay siya sa akin. Nanatili akong naka pikit at pilit na iniisip kung anong nangyare?

"February 23 2019... Yan ang araw na naging akin ka na. Wala ng ibang pwedeng mag may ari sayo kundi ako lang. Sakin ka na Death." Bulong niya habang naka dikit ang kanyang ilong sa ilong ko.

Hindi ako maka sagot. Bakit? Nasan na yung Death na matapang? Tangina!

"Ngayun kung gusto mong gumawa na tayo ng baby..." Napamulat ako sa sinabi niya at akmang susuntukin siya ng saluhin niya ang kamao ko at umiling iling.

"No no no ...  Hindi na ako papayag na saktan mo ko ng ganyan." Sabi niya at natawa.

"Babe bawas bawasan mo naman ang pagiging sadista okay? Baka ma turn off ako mag break agad tayo." Natatawa niyang sabi

"Ang kapal." Sabi ko at tinulak siya sa pader at kinorner.

"Hoy Knife.." Seryoso kong sabi at sinakal siya. "Gusto kong kunin yang dila mo at ipalaman sa tinapay dahil tangina ka bigla mo akong hinalikan." Mas lalo kong diniinan ang pagkaka sakal ko sa kanya dahilan para simulan niyang tanggalin ang pagkakasakal ko sa kanya.

"Sa susunod na halikan mo ko hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka. At sa susunod na marinig ko pa sayo ang salitang BABE sinidigurado kong ililibing kita ng buhay." Pananakot ko saka mas lalong diniinan ang pagkakasakal sa kanya
Saka siya sinipa sa itlog niya.

Agad ko siyang binitawan at lumayo. Napa luhod naman siya at nag simulang mag habol ng hininga at indain ang sakit.

Pinagpag ko ang damit ko at dumura sa gilid. Isang matalim na tingin muna ang ginawa ko bago ko siya iwan don.

Tangina mo Knife... Kasalanan mo kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa oras na lumabas yan mula sa dibdib ko tignan mo lang ipapalamon ko sayo ang apdo mong gago ka.

Poison POV

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Gun ng maka pasok siya sa kwarto ko. Bumili kasi siya ng pagkain namin.

"Hmm medyo ayus na. Gusto ko na ngang lumabas dito eh." Sabi ko.

"Hindi pa pwede di pa magaling sugat mo." Sabi niya at pinatong ang  dala sa katabing mesa.

"Wow ha parang ikaw yung nasaksak"natatawa kong sabi at umupo mula sa pagkakahiga.

"Bakit hindi ba?" Natatawa niyang tanong.

"Tag landi ka ngayun no?" Tanong ko

"Sayo lang naman. Sayo lang kakalampag, papatong at papasok." Naka ngising sabi niya kaya napa irap ako.

"As far as i know di pa tayo okay." Sabi ko kaya natigilan siya at sumeryoso ang mukha.

"Galit ka parin ba sakin?" Tanong niya. Hindi ako kumibo.
Galit pa ba ako? Hindi ko alam. Marupok ako eh. Baka hindi na?

"Look Poison kung galit ka parin sakin na iintindihan ko. Ginago kita at iniwan na parang laruan. Sorry tungkol don pero Poison may dahilan ako kung bakit ko ginawa yun." Sabi niya at halata sa kanyang mga mata ang lungkot.

Hindi ako kumibo at tumingin sa ibang dereksyon.

"Yung babae na kasama ko sa hospital non.... Siya yung sinasabi ni papa na papakasalan ko. Nong una hindi ako pumayag dahil ikaw ang gusto kong pakasalan at hintayin sa harap ng altar. Pero nag bitaw ng salita yung papa nong babae na kapag hindi ko pinakasalan ang anak nila.... Papatayin nila si papa at ikaw." Kwento niya kaya napatingin ako sa kanya.

Sabay na tumulo ang luha niya at yumuko saka tumingin sa mga mata ko.

"Nong araw na mabalitaan mo na naaksedente ako..... Balak kong puntahan ka non at itanan at lumayo sa lugar na yun kaso..... Kaso naabutan nila ako." Agad na tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Nagulat ako. Nagulat ako sa mga sinabi niya.

"I-ibig sabihin.... Hindi ka talaga na aksedente? " tanong ko

Tumango siya

"Pinalabas nila na naaksedente ako at nong oras na yun nag punta ka sa hospital kung saan nila plinano na saktan ka. Dinala ako sa hospital at sinabi na hiwalayan ka." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry.... Sorry kung hindi kita naipag laban non. Sorry kung hindi kita nagawang ipaglaban sa kanila. Naduwag ako dahil ginamit nila ang kahinaan ko. Ginamit ka nila sakin." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

Agad kong pinunasan ang luha sa kanyang pisngi at umiling.

"Wala kang kasalanan....." Sabi ko at niyakap siya.

Ang rupok ko ba? Oo ako na ang pinaka marupok na tao sa mundo. Pero masisisi niyo ba ako? Wala eh, mahal ko. Sobra.

Sabihin na nating pwedeng embento niya lang yun pero iba. Iba ang sinasabi ng puso ko.

"Mapapatawad mo ba ako?" Humiwalay siya sa pagkakayakap at pinunasan niya ang luha ko. "Mapapatawad mo ba ang gagong tulad ko?" Tanong niya.

Agad akong tumango tango at niyakap sya ulit.

"Matagal na kitang pinatawad. Explanation mo lang ang hinihintay ko." Sabi ko at kumalas sa yakap saka naka ngiting tinignan sya.

"Pwede ba tayong mag simula ulit?" Tanong niya

Ngumiti ako at akmang sasagot na ng may ibang boses ang sumagot sa tanong niya.

"Hindi pwede." Napatingin kami sa pintuan ng room ko at nakita si Death na seryosong naka tingin sa amin.

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon