Chapter 37

888 26 1
                                    

Death POV

Limang minuto nalang ang natitira bago matapos ang pangalawang laro.
Madami na akong napapatay na mga nag tatangkang patayin ako.

Ayokong gawin ang mga bagay na iyon. Ayoko ng pumatay ng tao simula ng makilala ko si Knife.

Kay Knife ko natutunan na ang pag patay ng tao ay isang malaking kasalanan.
Nakakatawa hindi ba? Dahil ang isang Death na demonyo at walang ibang ginawa noon kundi ang umagaw ng buhay ng isang indibidwal ay nag iba ang pananaw ng makilala ko si Knife.

Tama si Knife... Tama siya na ang isang tao ay madami pang pag dadaanan na hirap, pag subok at kasiyahan. Na ang isang tao ay marami pang dapat gawin sa mundong ito. Kaya dapat wag sayangin ang buhay na ibinigay satin dahil tayo ay mapalad na nabigyan ng pag kakataon upang mabuhay. Mapalad dahil maraming nilalang ang nais mabuhay sa mundo na hindi pinalad.

Ngunit heto ako.... Lumalaban at nakikipag patayan nanaman para sa buhay ko. Kung hindi lang sila binulag ng punyetang admiral na yan sana walang namamatay ngayun.

Kung hindi sana sila nabulag sa pabuya ni admiral kapalit ang pag patay samin ay sana ang mga nag kalat na katawan ngayun ay sisikatan pa ng araw bukas.

"Death sa likod mo!" Naalarma ako sa sinabi ni Poison. Agad akong lumingon sa likod ko at mula don nakita ko si Bold na papasugod sakin hawak ang kanyang spada.

Agad naman akong naka ilag ngunit nadaplisan ako sa braso.

"Talagang sobrang hirap mong patayin Death." Naka ngisi ngunit naiinis niyang wika.

"Death ang ngalan ko ba't nais mo pa akong patayin?" Ngising pang aasar ko. Pinag krus ko ang spada namin saka siya sinampal.

"Mamili ka buhay mo o kalayaan mo?" Tanong ko at tinutok sa kanya ang isa ko pang spada.

Ngumisi siya.
"Parehas." Sagot niya.

"Ba't hindi tayo mag tulungan?" Tanong ko na ikinatigil niya.

"Nililinlang mo ba ako?" Tanong niya.

"Mukha bang nililinlang kita?" Seryoso kong tanong.

"Tuso ka." Komento niya.

"Matalino ka." Wika ko.

"Anong nais mo?" Tanong niya.

Ibinaba ko ang isang spada na hawak ko saka tumayo ng tuwid.

"Ang grupo niyo..."

"At sa tingin mo ba makikipag tulungan kami sa inyo? Kalaban namin kayo." Sabi niya at akmang susuntukin ako ng muli ko siyang sinampal.

"Kaibigan niyo si Possessive hindi ba?" Tanong ko na nag patigil sa kanya.

"Anong ginawa niyo sa kanya?" Tanong niya agad na gumuhit sa kanyang mukha ang pag aalala.

"Wala na siya." Sabi ko na nag palaki sa mata niya.

"Anong ginawa niyo sa kanya?!" Sigaw niya at muli akong sinugod. Umiwas lang ako sa kanya at muli ay sinampal siya

"Makinig ka." Madiin kong sabi at tinignan siya ng masama.

"Wala kaming ginawa sa kanya... Niligtas niya ang kapatid niya sa kapahamakan at kilala ko kung sino ang gumawa non sa kanya." Sabi ko na nag palaki sa mata niya.

"Alam niyo na?" Tanong niya

"Alam mo?" Tanong ko.

"Sinong gumawa sa kanya non?" Tanong niya.

Tinignan ko ang  paligid saka siya tinignan ng seryoso.

"Mangako ka na wala ka munang pag sasabihan sa mga nalalaman mo... Mangako ka na wala kang gagawing hakbang na ika sisira ng planong bubuohin ko." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon