Chapter 31

1K 28 7
                                    

Death POV

6 na. Napatingin ako muli sa salamin at pinagmasdan ang kakaiba kong repleksyon. Hindi ko lubos akalain na makakapag suot ako ng ganitong kagandang gown.

(Picture in multimedia)

Kulay white siya pero glow in the dark. Nagiging silver sa tuwing dumidilim ang paligid. Bago ako lumabas ay inilagay ko na sa aking katawan ang mga dadalhin kong weapon kung sakaling may maganap na kagimbal gimbal.

Binuksan ko na ang pinto ng aking kwarto at nanlaki ang aking mga mata ng makita ang una kong nakita.

Si Knife. Naka sandal sa pader habang hinihintay ako. Lumandas sa kanyang labi ang isang ngiti bago tumayo ng tuwid. Pinag masdan niya ang aking kabuohan at ganon din ang ginawa ko.

Sobrang gwapo niya. Aaminin kong hinahangaan ko ang kanyang panlabas na anyo pero mas hinahangaan ko ang kanyang ugali.

"Nong umulan ng kagandahan nasalo mo ata lahat." Sabi niya at lumapit sakin saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Maaari ko bang makasama buong magdamag ang isang napaka gandang binibini na nasa aking harapan ngayun?" Tanong niya. Napangisi ako ng mag tagalog siya.

"Para kang matanda sa sinabi mo." Pambabasag ko sa trip nya. Nag pout siya saka inirapan ako.

"Tinatry ko lang maging makata." Sabi niya.

"Pwede kang maging BAKA." Pang aasar ko.

"Napaka romantic naman ng baby ko." Sarkastiko niyang sabi at muli akong inirapan.

"Isang irap mo pa lalabas mata mo." Sabi ko kaya nag pout ulit siya at tinignan ako.

"Kailan ka kaya magiging romantic? Yung tipong hahawak ka sa braso ko tapos biglang hahalikan ang pisngi ko tas sasabihing 'Knife ikaw ang pinaka gwapong nilalang na nakilala ko. Sayo lang ako. Sayong sayo lang ako. Sayo lang aalog,papatong,gigiling at bubukaka.' " sabi nya kaya agad kong pinitik ang nuo niya saka nag umpisang mag lakad.

"Woi hintay naman nag jojoke lang ako eh." Sabi niya saka ako hinabol.

"Babe." Pangungulit niya pero hindi ko siya pinansin.

"Babe pansinin mo naman ako."

"May tayo?" Tanong ko kaya tumigil siya.

"Malapit na." Ngising sabi nya kaya nilagpasan ko siya at lumabas na kuta namin. Hindi ko na hinintay sila Poison alam ko namang may ibang susundo sa kanila.

"Babe wait lang." Sabi ni Knife at humarang sa harap ko at biglang may kinuha sa bulsa niya saka lumapit sakin at isinuot sa leeg ko.

"Dahil ikaw ang napaka unromantic woman na nakilala ko ngunit nag patibok ng puso ko, sayo ko ibibigay ang isang napaka halagang bagay para sa akin." Sabi niya at ngumiti matapos nitong ilagay sakin ang kwintas na may pendant na silver knife.

Tinignan ko ang pendant saka ibinaling ang paningin ko kay Knife na naka ngiti sa akin.

Hindi ko maexplain kong ano itong aking nararamdaman. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nag aalburoto ang tyan ko.

Hayop ka knife ikaw lang nakakagawa non sakin.

"Bigay yan sakin ng mama ko nong bata pa ako at bago siya mamatay. Sabi niya bigay daw yan ng papa ko sa kanya bago namatay si papa. Ang sabi ni mama ibigay ko daw yang kwintas sa babaeng papakasalan ko at makakasama ko habang buhay." Sabi niya at lumapit sakin saka hinawakan ang kamay ko.

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon