Kill POV
Tahimik kong pinag mamasdan ang dalawang nag lalaro ng basketball sa court.
Talagang gagawin nila yung plano?
Nasan na ba si Poison? Umikot ako para sana umalis sa pinag tataguan ko ng mahagip ng mga mata ko si Blood na nag lalakad.Agad akong napa lunok ng mag tama ang mga paningin namin. Ngumiti siya sakin kaya naman ningitian ko din siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Nanunuod ako ng porn" sagot ko na nagpatawa sa kanya.
"Oh ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Actually hinahanap ko si Knife para yayain na mag laro ng basketball." Sabi niya at ngumiti.
"Nakita mo ba siya?" Tanong niya.
"Hindi." Sagot ko at umirap saka tumingin sa mga mata niya.
"Ah oo nga pala si Poison nasa kwarto ni Gun." Sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"ANO?!" tanong ko.
"Relax binabantayan lang ni Gun si--"
"Dalhin mo ko ngayun na don!" Sabi ko at hinila siya ako na mismo ang humila sa kanya papunta sa kuta nila ng makasalunong namin si Danger na naglalaro ng kutsilyo sa kamay.
Bahagya pa kaming napatigil ni Blood ng makita namin si Danger at ganon din si Danger napa titig siya sa kamay namin ni Blood saka binalik ang tingin saming dalawa.
Agad na kumurba ang mapanglarong ngisi sa labi niya.
"Biruin niyong magkasama kayo." Natatawang sabi ni Danger at tumingin sakin.
"Alalahanin mo sana" sabi niya at akmang lalampasan kami ng mag salita ako.
"Nasa kuta nila si Poison." Sabi ko dahilan para matigilan siya at tumingin sakin. Ngumiti lang siya at tinap ang balikat ko.
"Pauwiin mo sa kuta natin. Sabihino wag siya masyadong MALANDI." Sabi niya at nag patuloy sa pag lalakad.
Napa tingin nalang ako sa likod ni Danger at napa pikit
'Talagang nababaliw na sila ni Death'
"Ayus ka lang?" Napa tingin ako kay Blood na naka tingin sakin.
"Oo." Sagot ko at ngumiti ng pilit.
"Nag away ba kayong apat? Nasan si Death?" Tanong niya.
"Ewan tara." Sabi ko nalang at nag lakad.
"Sabi ni Gun nalasing daw si Poison, nag away ba kayo?" Tanong niya.
"Wala yun." Sabi ko
"Alam mo hindi naman iinom si Poison kung--"
"Don't act like you all nice cauze your so fake." Sabi ko at hinarap siya.
"You're acting like a nice guy huh stop it. Its not working." Sabi ko. Bahagya naman siyang nagulat at natawa.
"Sabi ko na nga ba may problema kayong apat." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay saka siya naman ang humila sakin.
"Wait! Where the hell--"
"Stop asking." Sabi niya habang hila hila ako.
"Bitawan mo ko." Sabi ko at pilit ba kinalas ang pagkaka hawak niya sakin pero hindi ko kaya dahil masyado siyang malakas.
"Tsk. Basta tara" sabi nya lang at patakbo niya akong kinaladkad.
Bone POV
" MALAS KA SA BUHAY KO! KAYONG LAHAT MALAS KAYO SA BUHAY KO!"
"SANA HINDI NALANG KITA SINILANG! MALAS KA! WALANG KWENTA!"
Napa pikit ako ng maalala ko ang mga salitang kailan'man ay hindi ko makakalimutan
Bahagya ko pang ninamnam ang simoy ng hangin dito sa taas ng building kung saan mas pinili kong tumambay kesa sa gumala sa baba.
Humiga ako sa lapag at pinag masdan ang kulay ng kalangitan.
"Nice view huh." Napa tingin ako sa nag salita sa may ulunan ko at nakita si Danger na naka ngisi habang nag lalaro ng kutsilyo.
Agad akong napa bangon at napatayo ng di oras dahil sa nakita ko.
Pangalan palang niya nakaka alarma na."Oh bakit?" Tanong niya
Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinalikuran ko siya at nag simula ng mag lakad palayo sa kanya.
Malas naman oh, bakit ba kasi nandito ang babaeng yan?
Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang tumarak ang kutsilyo sa gilid ng pinto malapit sa ulo ko. Napalunok ako sa nakita at naka ramdam ng kaba.
Tangina demonyo nga pala kasama ko.
"Tinatanung kita lalaki uso sumagot." Sabi niya. Hinarap ko siya at pinakitang wala akong pake alam sa kanya.
"Kailangan mo pa bang malaman? Sino ka ba?" Soplado kong tanong na nag patawa sa kanya.
Baliw anong nakakatawa don?
"Oo nga pala di tayo close pasenysa." Sabi niya at ngumisi.
Tumalikod ako muli at akmang bubuksan ang pinto ng mag salita nanaman siya.
"Napaka ganda ng langit no." Sabi niya. Napa tingin ako sa kanya at nakitang naka tingin siya sa langit.
"Maaliwalas, payapa at higit sa lahat MALAYA" sabi niya at tumingin sakin.
"Minsan ba sa buhay mo hiniling mo na sana maging malaya ka?" Tanong niya. Hindi ako sumagot pero sa isip isip ko ay OO ang sagot ko.
"Alam mo ba, hindi ako nag sising mapunta dito sa lugar na to" sabi niya.
Hindi ko siya kinibo.
"Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na sana hindi nalang ako gumawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagka kulong ko dito." Sabi niya.
Nanatili akong tahimik at naka tingin sa gawi nya.
"Pero alam mo kung anong naiisip ko ngayun?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot pero naka tingin siya sakin at hinihintay na sumagot ako.
"Ano?" Tanong ko.
Ngumiti siya at muling tumingin sa langit.
"Kung may babalikan pa ba ako sa labas ng lugar na ito?" Sagot nya at sa unang pag kakataon kahit malayo ako, kitang kita ko kung pano tumulo ang luha niya.
Ang luha ng isang tao na nag tatago sa pangalang Danger.
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...