Chapter 35

864 25 1
                                    

Kill POV

Saktong 11 ay nag tungo na kami sa lugar kung saan mag kikita kita. Ang kaso mukhang nag filipino time nanaman sila.

Ako lang mag isa dito ngayun. Nahiwalay ako kila Poison matapos kong makalaban yung isa sa mga myembro ng pumapang apat na grupo sa ranggo.

Umupo muna ako sa gilid saka pinunasan ang dala kong spada na punong puno na ng dugo.

Habang nag pupunas ako ay may naramdaman akong papunta sa dereksyon ko. Kaya agad akong naalerto at nag tago sa dilim.

Malas ko pag may dala tong night vision.
Mula dito sa pinag tataguan ko napa ngisi ako ng makita kong si Possessive ang nag lalakad.

Malas ka sa maling demonyo ka napunta.

Agad akong bumwelo at inayus ang puwesto ko ng malapit na siya sa akin ay agad ko siyang tinulak at tinangkang saksakin ng harangan ng dala nyang spada ang spada ko.

"Long time no see Kill." She said with het annoying look.

May night vision si gaga

"Oh hi ugly bitch nalalapit na ang kamatayan mo." I said.

"Haha wag kang mag biro ng ganyan dahil baka pag ako ang nag biro di mo magustuhan." Sabi niya kaya napa ngisi ako.

"Well for you to know walang bumebentang joke sakin." Sabi ko na siya namang nag pangisi.

"So gusto mo ng sample?" Tanong niya. Agad niya akong sinapak sa mukha ko dahilan para mapalayo ako sa kanya at mabitawan ko ang spada ko.

Bwisit!

Agad niya akong tinutukan ng spada niya at siya naman ngayun ang ngumisi.

"Let me tell you something..." She said saka nilayo sakin ang spada ko na nasa lapag.

The fudge!

"I know who you are." She said with her bitterly laugh

"Then i don't care." I said.

"Hahaha I'm not finish, let me finish first." She said and to my surprise, ibinaba nya ang spada niya at dumistansya sakin.

This is what i called stupid move. Nasa harap mo na at abot kamay mo na pero pinalagpas mo pa. This is my opportunity para mapatay siya.

Agad kung kinapa ang dala kong baril sa likod ko saka dahan dahan itong kinuha.

"I will tell you a story..." She said saka naging seryoso ang mukha.

"Year 2005 may batang kinuha sa piling ng mga magulang niya. Kinidnap siya at nilayo sa piling ng pamilya niya." Tinitigan ko lang siya na parang wala akong pake.

"Sobrang nakaka awa ang bata dahil yung kapatid niya mismo ang naging dahilan kung bakit siya kinidnap.... Gusto mo malaman kung pano?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot

"Yung kapatid niya kasi na yun is ingitera, malaki ang galit sa kanya kasi nakuha ng batang iyon ang atensyon ng mga magulang niya. At dahil sa ingit na nararamdaman ng kapatid ng batang yun.... Nong araw na dinukot yung bata walang ibang ginawa yung kapatid niya kundi ang tignan siya at pagmasdan ang kawawang batang humihingi ng tulong sa kanya." Natigilan ako sa sinabi niya at mas lalong tinitigan siya.

Bakas sa kanyang mukha ang galit, inis lungkot at pangungulila.

"Alam mo kung saan napunta  yung batang dinukot?" Tanong niya saka tumawa na parang baliw.

"Saan?" Tanong ko. Tumigil siya sa pag tawa at nag seryoso ang mukha.

"Dito sa UGS." Sagot niya dahilan para mabitawan ko ang baril na hawak ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at bumagsak ang mga luha ko.

"Biruin mo 5 years old lang ang batang yun pero nandito na siya agad sa impyernong ito. Ngayung 19 years old na yung batang iyon isipin mo ilang taon ang ginugol ng batang yun sa pesteng kulungan na to." Umiiyak niya sabi saka natawa.

"S-sammy..." Tawag ko na nag patigil sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras lang siya. Kitang kita ko ang sakit,galit, lungkot at pangungulila ng nasa harap ko ngayun.

Taong pinabayaan ko
Taong pinanuod ko na makidnap lang
Taong kinaiinggitan ko noon
Taong pinag darasal ko na mamatay na noon. Pero ng ma realize ko kung gano ko siya kamahal... Kung gano ko kamahal ang kapatid ko... Hinanap ko siya. Hindi ako tumigil sa pag hahanap non hanggang sa makulong ako dito.

"Ang.... Ang tagal kong nandito.." Umiiyak niyang sabi. "Ang tagal kong nakulong sa lugar na to... Ang tagal kong tiniis ang lugar na to... Umaasa ako na one day makakalabas ako... Umaasa ako na one day may makakahanap sakin may humahanap sakin at mahahanap ako... Umaasa ako na one day ikaw... Na mismong kapatid ko na syang walang ibang ginawa kundi ang tignan ako nong araw na dunukot ako ay hahanapin ako." Umiiyak niyang sabi

"Sammy... I'm--"

"Pero parang wala atang pinag bago... Makasarilo ka parin at inggit na inggit sakin"

"Sammy hindi totoo--"

"Talagang hindi ka na ba mag babago Aleishkra Bernadette Alonzo Y?"

Umiling iling ako at akmang lalapitan siya ng tutukan niya ko ng spada niya.

"Sammy please pakinggan mo si ate..."

"Wala akong ate.." Malamig niyang sabi saka pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mga mata.

"Ibaba mo yan." Napa tingin ako sa nag salita sa likod ni Sammy. Si Death. Naka tutok kay Sammy ang hawak niyang spada at ano mang oras alam kong papatayin niya ang kapatid ko.

Napa tingin ako sa kapatid ko na blangko ang expression at naka tingin sakin. Dahan dahan niyang binaba ang spada niya.

"Ibaba mo yan Death." Seryoso kong sabi dahilan para mapatingin sila sakin.

"Ano bang--"

"IBABA MO SABE!" sigaw ko dahilan para matigilan sila. Hindi natinag si Death sa sigaw ko kaya agad kong kinuha ang isa pang baril na naka tago sa likod ko at itinutok kay Death. Nakita ko kung pano sila magulat nakita ko kung pano sila ma alerto.

"Ibaba mo yan." Malamig kong paki usap kay Death na seryosong naka tingin sa akin. Dahan dahan niyang binaba ang hawak niyang spada. Agad akong tumingin kay Sammy na blangko ang awra habang naka tingin sa akin.

Gusto ko siyang yakapin... Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa mga kasalanang nagawa ko bilang naka tatandang kapatid niya.

"U-umalis ka na.." Nanginginig ang boses ko at pinipigilang umiyak ng sabihin ko ang mga linyang iyon.

"Kill ano bang nangyayare sayo?" Tanong ni Danger pero hindi ko siya pinansin.

"Umalis ka na!" Sigaw ko kay Sammy.

Dahan dahan niyang kinuha ang spadang dala niya saka tumalikod sakin. Akmang mag lalakad na siya ng bigla siyang tumigil na ipinag taka ko. Lumingon siya sakin na may umiiyak na mata.

Sorry kapatid ko...

Napatigil siya at napa tingin sa likoran ko. Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan ang hawak na spada saka dali daling lumapit sakin at niyakap ako saka ipinag palit ang pwesto naming dalawa dahilan para makita ko ang isang bulto ng babae na may hawak ng baril at naka tutok samin.

*BANGG

0__0

"Apologise accepted..... I....love you ate.."

0___0

"S-sammy"
~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon