Chapter 44

917 27 5
                                    

Poison POV

Akala namin ayus na ang lahat.
Akala namin pag balik nila Death at Blood ay sasaya kaming lahat.
Pero tangina hindi sila bumalik.

Bakit? Bakit nila tinangkang tumakas?

Sobrang naaawa ako kila Danger at mas lalo na kay Knife.
Nakita namin kung pano siya lumuhod sa harap ni Admiral at mag makaawa na bawiin ang mga sinabi nito.

Sobrang awang awa ako dahil halos mawalan na ng tamang katinuan si Knife kanina. Sigaw siya ng sigaw at walang ibang sinasabi kundi ang BABY.

Aaminin ko pati ako, hindi ko tanggap ang balitang nalaman namin.sobrang sakit para sa amin na mawalan kami ng isang kaibigan. Kaibigan na parang kapatid na kung ituring namin.

Nasa point na kami ng buhay namin na handa ng bumangon ulit eh kaso biglang naudlot ng dahil sa mga nalaman namin.

Tangina Death anong utak ang meron ka? Bakit mo kami iniwan? Pano kami? Pano si Knife?

Speaking of Knife. Napa kalma na siya i mean natutulog si Knife ngayun dito sa Hideout namin.

Sinuntok siya ni Gub kanina para kumalma. Sobra kasi ang pag wawala nya as in pati kami ay natakot na sa kanya. Hindi namin makilala ang knife na nakasama namin kanina.

Sobrang ibang iba siya. Sobrang lungkot, galit at nangungulila siya kay Death.

Si Danger naman tangina ito naman ang pumalit kay Kill. Tahimik lang. Pinipigilang hindi umiyak pero naka tulala.

Awang awa na ko sa kanila. Sobrang awang awa ako dahil double kill yun nga brad o baka nga mas malala pa sa double kill dahil halos lahat kaming naririto sa Hideout namin ay nasasaktan sa balitang nalaman.

"Pano ba yan...." Napa tingin ako kay Kill na nag salita. Namumugto ang mga mata niya.
"..... Mukhang paunti tayo ng paunti." Natatawa niyang wika pero sa kabila non ang pait at sakit na nararamdaman ng lahat.

"Una si Sammy... Pangalawa sila Death at Blood." Wiks ni Kill.

"Tumahimik ka hindi pa patay su Blood." Malamig na wika ni Danger na naka tingin sa kawalan.

Natawa si Kill at umiling

"Hindi na ko mag tataka kong may isa pa satin ang sumunod sa hukay." Sabi niya saka huminga ng malalim

"Mukhang... Kailangan nating tanggapin na wala na sila--"

"SINABING MANAHIMIK KA!" sigaw ni Danger at matalim na tinignan si Kill.

"HINDI PA SILA PATAY! HINDI SILA MAMAMATAY DAHIL WALANG MAKAKAPATY SA KANILA!" sigaw ni Danger. Agad kaming pumagitna sa dalawa.

"BAKIT BA KAILANGAN NIYONG IPAG PILITAN NA BUHAY PA SILA? DANGER WALA NA SILA PATAY NA SILA! AT KAHIT PAG BAKIKBALIKTARIN PA ANG MUNDO HINDI NA SILA BABALIK!" sigaw ni Kill.

"Tama na yan" awat ko.

Nanlaki ang mga mata namin ng makita namin si Danger na may hawak ng baril at naka tutok kay Kill.

"bawiin mo ang sinabi mo." Madiin at nakakatakot na sabi ni Danger kay Kill.

Halos magliyab sa galit ang mga mata ni Danger. Samantalang si Kill ay natawa at napa ngisi lamang.

"Hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil totoo ang lahat ng iyon." Sabi ni Kill

*bang

Halos mapatalon kami sa gulat ng paputukin ni Danger ang baril sa taas.

"TAMA NA ANO BA?" sigaw ko pero parang walan naririnig ang dalawa.

"Bawiin mo!" Sigaw ni Danger kay Kill

"PATAY NA SILA! TANGGAPIN NALANG NATIN YUN AT MAG SIMULA NG PANIBANGONG BUHAY NG WALA SILA!" sigaw ni Kill.

Nanlaki ang mga mata namin ng ikasa ni Danger ang baril na hawak at paputukin sa gilid ni Kill.

Hindi natamaan si Kill... Tinakot lang siya ni Danger.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko kay Danger saka marahas na inagaw sa kanya ang baril.

"MGA PUTANG INANG TAO KAYO? ANO MAG PAPATAYAN KAYO NG DAHIL SA LAKA DEBATE KUNG BUHAY O PATAY SILA? HINDI PA BA MALINAW HA! SINABI NA SATIN NI ADMIRAL NA WALA NA SILA PATAY NA SILA KAYA TANGGAPIN NALANG NATIN ANG KATOTOHANAN!" sigaw ko at tinignan si Danger.

"Danger ano ba? Tangina papatayin mo kaibigan mo para lang sa lintik na debate nayan? Ano ha?tanginang yan kahit mag patayan pa kayo di sila mabubuhay sa gagawin niyo mga gago na nga kayo dang bobobo nyo pa." Sabi ko at hinarap si Kill.

"Ano Kill? Tangina respeto naman oh alam mo naman na mahirap at labag sa loob niya na tanggaping wala na yung mga tao. Intindihin mo nalang kill tangina napag daanan mo na din naman yun diba? At alam mo kung gano kahirap ang mawalan. Wag mo ng ipamukha sa kanya na wala na yung tao matik na alam niya na yun ." sabi ko at tinignan silang pareho.

"Oh ayan baril ipag patuloy niyo pag papatayan niyo ako ng bahala mag libing sa mga putang inang katawan niyo!" Sabi ko at nilapag ang dalawang baril sa mesa na pumapagitna sa kanila

"Oh ano pang hinihintay nyo? Mag patayan na kayo tangina kanina dang tatapang niyo ngayun ano pang hinihintay niyo?" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Poison tama na yan. Hindi makakabuti para sa magiging anak niyo ni Gun yan." Sita sakin ni Bone kaya napatingin ako kay Gun na tahimik lang habang seryosong naka tingin sakin.

Tangina yari ako nento mamaya.

"Palitan mo ko dito oh dito ka." Sabi ko kay Bone at nakipag palit ng pwesto. Ako ang umupo sa tabi ni Knife na gising na at walang pake alam sa mga nangyayare.

"Mag simula ng bagong buhay?" Biglang tanong ni Danger at natawa.

"Tutal wala na si Death... Wala ng dahilan para maki sama pa ko sa inyo." Malamig na sabi ni Danger at kinuha ang baril niya saka tinago sa likod niya.

"Simula ngayun..... Pinuputol ko na ang ugnayang meron tayo." Sabi ni Danger at tumingin kay Kill saka sakin.

Tangina.

Tumalikod siya. Agad kong kinuha ang baril na nasa harapan ko at kinasa saka pinaputakan ang gilid niya. Napa tigil siya at muling tumingin sakin pero naka tutok din sakin ang baril niya. Agad na naalerto si Gun at tinutukan din ng baril si Danger.

"Tang ina mo." Sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Ganon ganon na yun?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Gusto mong putulin yung ugnayang meron tayo ng dahil lang sa lintik na pride na yan?" Tanong ko sa kanya hindi parin siya sumagot sa halip ay tinignan nya lang ako ng  napaka lamig.

Binaba ko ang hawak kong baril saka ngumisi.

"Sige yan ang gusto ko eh. Umalis ka sa puder namin. Umalis ka at wag na wag kang babalik sa kinatatayuan mo ngayun. Kunin mo lahat ng gamit mo jan ayokong may maiwan jan. Sa oras na lumabas ka sa pintong yan" tinuro ko ang pintuan.

"Wala ka ng babalikan dahil sa oras na mag cross ang mga landas natin tangina ito ang tatandaan mo." Sabi ko saka tinignan sya ng malamig.

"Ikaw ang kumalas sa grupo. Wala kang karapatang bumalik balik pa samin dahil sa oras na bumalik ka. Di ako mag dadalawang isip na patayin ka." Sabi ko.

"Umalis ka na." Malamig na wika ni Gun kay Danger.

Binaba ni Danger ang naka tutok na baril sakin. Ganon din si Gun. Binaba nya ang baril nyang naka tutok kay Danger.

Tinignan muna ako ni Danger saka tumalikod. Hinila ako ni Gun para yakapin at doon bumuhos ang pinipigilan kong mga luha.
Luhang ayokong ipakita kay Danger habang tinataboy ko siya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon