Chapter 18

1K 34 2
                                    

Poison POV

"Ano yun?" Seryoso at nakaka takot na tanong ni Death saakin pagka pasok namin sa kuta namin. Agad na napa tingin sakin sila Danger at Kill na nag aabang ng sagot. Umupo ako sa sofa at napa lunok.

Pakiramdam ko may kasalanan akong nagawa.

"Bakit magkasama kayo ni Gun?" Dagdag na tanong ni Death sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong wala siyang emosyon. Deretso siyang naka tingin sa akin na parang tigreng nag aabang ng pagkain. Rawr!

"Poison sa tingin ko kailangan mong sagutin ang tanong niya, nakakatakot siya. Kawawa yung papel." Bulong ni Kill sa akin. Napa tingin ako sa kamay ni Death. May hawak siyang papel na lukos lukos na.

Huminga ako ng malalim.
Tingin ko kailangan na nilang malaman ang totoo.

"Okay fine." Sabi ko at tinignan silang tatlo.

"May past kami ni Gun." Sabi ko kaya natigilan sila at napa tingin sa akin..

"Past?" Sabay sabay nilang tanong. Tumango ako.

"Oo.... Ex boyfriend ko siya." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Paano?"tanong ni Kill na parang naguguluhan. "I mean... Paanong naging Ex mo siya eh kinakatakutan ka nga ng lahat ng lalaki dito." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim.

"Boyfriend ko siya nong di pa kami nakapasok dito." Sagot ko

"What?" Tanong ni Danger.

"Tapos?" Kill.

"Sobrang saya namin non... As in lagi ko siyang kasama sa factory ng gum namin... Alam niya din lahat ng secret ingredients na nilalagay namin don... Until one day nag away kami dahil may nakita akong picture sa social media na may kasama siyang ibang babae...syempre nag selos ako dahil nakita ko yung boyfriend ko na may kasamang iba.... Ilang linggo ang lumipas di siya nag paramdam sakin...halos mabaliw ako dahil lagi kong iniisip kong ayus lang ba siya kung nasaan siya..." Agad na tumulo ang luha ko sa sinabi ko.

".... Hanggang isang araw may nakapag sabi sakin na naaksedente daw siya.... Sa sobrang pag aalala ko nag madali akong mag punta sa hospital kung saan siya na confine.... Pero pag dating ko don.... Nakita ko yung babae niya hinahalikan siya..." Agad na bumalik sakin lahat ng masasakit na ala-alang matagal ko ng kinalimutan.

"Pero binalewala ko yun... Pumalakpak pa nga ako non eh kasi ang gandang view ng nakita ko..." Sabi ko at agad na pinahid ang luha ko.

"Nakita nila ako syempre nagulat sila... Lalo na siya... Kahit nakita ko na yung pag tataksil niya...kahit nakita ko kung pano niya halikan yung babae .... Hindi ko iyon pinansin...sa halip lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit kasi namiss ko siya." Sabi ko at halos kapusin na ako sa hininga habang kinukwento yun.

"Pero bigla niyang sinabi sakin na umalis na ako...hindi niya ako kailangan..... Matagal na daw niya akong kinalimutan.... Matagal na daw kaming break... May bago na daw siya hindi na daw niya ako mahal..." Sabi ko at napa pikit dahil sa huling sinabi ko.

"Poison.."

"Akala ko nag bibiro lang siya... Akala ko prank niya lang yun pero totoo....totoo kasi matapos niya sabihin yun... Bigla siyang nag bitaw ng mga salitang sobrang sakit para sakin." Sabi ko at muling pinunasan ang luha ko

"Nong araw na yun sobrang lutang ako sa sarili ko to the point na gusto ko ng mag pakamatay." Sabi ko at tumingin sa ibang dereksyon.

"Hanggang sa pinatawag ako ni papa kasi kailangan daw ako sa factory.... Agad naman akong pumunta sa factory at sabi ni papa may project daw sya, kailangan niya daw ng gum na pwedeng ibigay sa mga batang nasa lansangan... Gum na makaka busog daw sa mga bata kahit hindi na daw sila kumain ng kanin." Sabi ko at napa ngiti

"Nong araw na yun gumawa ako ng gum... Successful yung pag gawa ko pero ng tanungin sakin ni papa kung nasan yung boyfriend ko... Bigla kong nabitawan yung chemical na hawak ko at ako lang naka kita non dahil si papa naka talikod siya sa akin... Sa sobrang pagka lutang ko hindi na ako nag abalang alisin yung chemical sa gum sa halip pinabayaan ko nalang yun." Sabi ko at tumingin sa kanila.

"Kinabukasan ang daming media ang nag hahanap saakin at dahil nga sa menorde edad pa ako... Hinuli nila ako at dinala dito." Sabi ko at napangiti.

"Poison..... Ayus ka lang ba?" Tanong ni Kill sa akin kaya napa tingin ako sa kanya at ngumiti.

"Sobrang ayus lang." Sabi ko at huminga ng malalim.

"Gago siya." Napa tingin ako kay Death na sobrang seryoso ng mukha.

"Dapat sa kanya pinapatay." Sabi naman ni Danger na may hawak na kutsilyo at agad na binato sa may pintuan dahilan para tumurok iyon sa pinto.

"Alam mo kung ako sayo  kailangang maka ganti ka sa kanya." Sabi ni Kill at hinaplos ang likod ko.

"Tama.... Dapat sa kanya pinapatay." Sabi ni Danger.

"Bayaan niyo nalang." Sabi ko

"Hindi pwede... Sinira niya ang buhay mo." Sabi ni Kill

"Akala ko nga baliw ka talaga pero sa kinuwento mo ngayun sya pala ang dahilan kung bakit ka napunta dito." Sabi ni Danger.

"Pero pano siya napunta dito?" Tanong ni Death. Tinignan ko siya.

"Hindi ko alam" sagot ko.

"May plano ako" sabi ni Danger at napa ngisi.

"Dudurugin natin ang puso niya" sabi niya at pinisa ang hawak niyang mansanas.

"Mas masakit pa sa ginawa niya sayo ang gagawin natin." Sabi ni Kill.

"Babaliwin natin siya." Sabi ni Death at sumandal sa upuan.

"Pero bago yan.... Panuorin muna nating uminom ng lason si 69" singit ko

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon