Chapter 15

1.1K 37 9
                                    

Gun POV

Hinawi ko ang buhok na naka harang sa mukha ni Poison habang siya ay natutulog.

Unti unti siyang gumalaw ngunit nanatiling tulog.

"Dave..." Napa tingin ako sa kanya ng mag banggit siya ng pangalan.

"Dave wag mo kong iwan..." Pinag masdan ko lang siya at muling kinapa ang nuo niya.

Mainit siya, may sakit sya.

"Dave... Bumalik ka na sakin please..." Napa tigil ako ng hawakan niya ang kamay ko  nakita ko kung pano tumulo ang luha niya kahit siya ay tulog

"Dave...." Muli niyang tawag sa pangalan napa pikit ako hindi ko alam kung bakit pero biglang kumirot ang puso ko.

"Poison." Napa tingin ako sa nag salita sa likod ko at nakita si Kill kasama si Blood na naka tayo ss likod ko habang naka tingin ss dereksyon namin ni Poison.

"Bitawan mo siya." Sabi ni Kill sakin at tinabing ang kamay ko na hinawakan ni Poison saka niya kinapa ang kaibigan niya.

"Tsk ano bang kagaguhan ang ginawa mo?" Iritang tanong ni Kill sa walang malay na si Poison.

"May sakit siya." Sabi ko

"Alam ko." Iritang sabi niya sakin saka tumingin sakin.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong niya.

"Woi tumulong lang ako." Sabi ko pero inirapan niya lang ako tumingin siya sa orasan at agad nanamang nag panic.

"Shit, Poison wake up!" Sabi niya at niyogyog ang katawan ni Poison.

"Tsk 10 minutes pa please!" Sabi naman ni Poison at tinakip sa mukha ang unan ko.

"Poison naman! 5:45 PM na kapag 6 wala pa tayo sa kuta natin abay malamang bababa ranggo natin!" Sabi ni Kill at nag patuloy sa ginagawa. Napa tingin din ako sa orasan at tama nga si Kill.

May rules kasi na nag sasabing sa oras na pumatak ang alas sais ng gabi at wala ka pa sa kuta niyo o sariling lugar niyo. Bababa ang ranggo niyo.

"Poison, sa tingin ko kailangan niyo na talagang umalis. Baka bumaba pa ang ranggo niyo." Sabi ko. Napa tingin sakin si Kill at inirapan ako.

Umupo naman si Poison sa kama ko at kunot nuong tumingin samin ni Poison. Napa irap siya sa hangin at sinimulang bumangon.

"Tanginang ulo to napaka sakit." Daing niya at ng maka tayo na ay humarap sakin.

"Salamat ha kunin ka na sana ni Lord." Sabi niya at tinap ang balikat ko saka naunang lumabas sa kwarto ko. Sumunod naman sa kanya si Kill at napa ngiti nalang ako sa ginawa ni Poison.

'Kahit kailan talaga walang pinag bago.'

Poison POV

Napa pikit nalang ako ng sinimulan na akong bungangaan ni Kill.
Habang nag lalakad pabalik sa kuta namin ay dada siya ng dada na akala mo siya ang nanay ko.

"Poison sana naman sa susunod wag mo ng ulitin ang ginawa mo. Nag aalala kami sayo." Sabi niya na nag patigil sakin. Humarap siya sakin kaya naman ngumisi ako.

"Nag alala?" Tanong ko saka natawa.

"Panong alala ba yan? Alalang galing sa ilong o alalang galing sa pwet?" Tanong ko

"Poison naman."

"Masakit ang ulo ko kaya kung pwede lang? Wag ka munang kumuda jan? Dagdag pa sa sakit ng ulo ko ang boses mong nakakarindi." Pang iinsulto ko saka nag simulang mag lakad.

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon