Chapter 36

885 28 6
                                    

Kill POV

"S-sammy..." Tawag ko sa kapatid kong yakap yakap ako. Naramdaman ko ang unti unting pag luwag ng kanyang pagkakayakap at dahan dahang pag tingin saking mukha.

Halos magunaw ang mundo ko ng makita ko ang kanyang mukha na naka ngiti sakin. Wala na ang puot, galit at hinanakit na kanyang nararamdaman. Tunay ang kanyang ngiti.

Agad na tumulo ang luha ko ng makita ko ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang bibig. Dahan dahang umangat ang kaliwang kamay niya at pinunasan ang luha ko.

Naramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan. Napa upo ako habang karga ang duguang katawan ng aking kapatid na nag ngangalang Sammy na matagal ng nag tatago sa pangalang Possessive.

"Sa...Sammy..." Hindi makapaniwalang turan ko habang naka tingin sa kanyang maamong mukha.

"Hi....hinihintay ko lang na...na malaman mo ang totoo..." Naka ngiti nyang banggit. Nakita ko kung pano mag landas ang kanyang luha.

"Ma...masaya na ako......Ate" at sa huling hininga niya... Tinawag niya na akong ate.
Halos madurog ang puso ko ng dahan dahang pumikit ang kanyang mga mata.

"Sammy gumising ka please.." Sabi ko at tinapik ang pisngi niya.

"Sammy... " muling tawag ko ngunit wala na... Hindi na siya humihinga.

*Toooot

Nanatili ang paningin ko sa kapatid ko.

Dahan dahang nag bukas ang mga ilaw sa buong paligid senyales na tapos na ang unang laro.

Time of Sammy's death...11:11 PM

Dahan dahan kong nilingon ang lugar kung saan ko nakita ang bulto ng isang babae na may hawak ng baril.

Wala na siya don.

Wala sa sariling niyakap ko ang katawan ni Sammy.

"Mag babayad siya.... Mag babayad ang pumatay sayo..." Bulong ko saka dahan dahang hinalikan ang nuo ni Sammy.

Death POV

Nakita namin lahat lahat ng nangyare. Nagulat din kami sa mga nalaman namin.
Kapatid ni Kill si Possessive? Paano? I mean bakit parang ngayun lang ata nalaman ni Kill ang lahat.

Ang gulo. Ang gulo gulo ng mga nangyayare ngayun. Hindi namin inaasahan na mangyayare ang lahat ng ito.
Hindi rin namin inaasahan o naimagine na maaaring maging mag kapatid sila Kill at Possessive.

Aaminin ko medyo may hawig si Kill kay Possessive. Pero kahit kailan ay di ko inisip na maaring mag kapatid sila dahil unang una sa lahat kaaway namin ang grupo nila at pangalawa ... Wala namang na ikwekwento sa amin si Kill na may kapatid siya. Ang alam lang namin eh anak siya mg dating presedente ng Pilipinas.

Aaminin ko, naaawa ako kay Kill ngayun. Unang beses lang naming makita si Kill na umiyak sa harap pa mismo namin.

Wala sa sarili kong tinignan ang lugar kung saan nanggaling ang pag putok ng baril at mula don nakita ko kung pano umalis ang babaeng kulay black ang gown habang hawak ang baril niya.

Agad na naningkit ang mga mata ko ng may maalala ako sa black na gown na nakita ko.

Napa iling ako sa isip ko. Imposible. Bakit niya naman papatayin si Possessive?

"Mag babayad siya.... Mag babayad ang pumatay sayo..." Napa tingin ako kay Kill na halos matulala na at walang humpay sa pag agus ang luha niya.

Naging maaliwalas na ang paligid doon nakita ko ang mga nag kalat na katawan ng mga nasawing istudyante ng UGS para lang mapapatay kami.

Napa tigil ako sa pag iisip ng may sumagi bigla sa isip ko.

Bakit nais nila kaming ipapatay?

Napa tingin ako kay Knife ng bigla niyang isinuot sa akin ang polo niya.

"Ako lang dapat makakakita sa katawan mo." Sabi niya at tumingin saking mga mata at ngumiti. "Ayokong mabastos ka." Dagdag niya na nag pangiti sakin.

Napalingon ako sa unahan ng stage ng tumunog ang mic. Si Admiral.
Napatigil ako at tinignan sya.

Imposible.

"Ang unang laro ay natapos na." Naka ngiting wika ni Admiral saka biglang nag seryoso.

"Pero wala ni isa sa inyo ang naka patay sa apat." Biglang nag karuon ng spotlight sa lugar kung saan kami naka tayo. Agad na nag lingunan ang mga studyante na nasa loob. May mga hawak parin silang mga gamit para pumatay.

"Kaya bilang parusa... Sampo sa inyong mga natira ang aking papatayin." Sabi niya at biglang nag karuon ng sampong spotlight na naka tutok sa bawat isang studyante.

May mga naka itim na lalaki ang lumapit sa mga studyante na natapatan ng spotlight at pwersahan silang hinila palapit sa unahan.

Naka tingin lang ang mga studyante sa sampong sapilitang inilalagay sa harap at umiiyak na nag mamakaawa. At ng mailagay na sila sa harap ay pinaluhod sila at ang mga naka itim na lalaki ay kumuha ng spada at sabay sabay na pinugutan ang sampong malas na studyante.

Pinanuod ko kung pano umagus ang dugo mula sa mga pinugutang studyante. Hanggang sa nabaling ang tingin ko sa demonyong tuwang tuwa sa mga nakikita.

Daan daan na ang sinayang na buhay ng pesteng admiral na ito. Hindi niya alam kung gano kahalaga ang buhay na meron para sa isang tao.

Isang beses lang nabubuhay ang tao at itong pesteng demonyo na ito ay pinapatay lamang ang mga taong walang ibang nais kundi ang makalabas sa lugar na ito.

Naiyukom ko ang aking mga kamao. Biglang nandilim ang paningin ko ng takpan ng isang kamay ang dalawang mata ko.

"Nagagalit ka." Bulong ng pamilyar na boses sakin. Si Knife.

"Huminahon ka." Bulong niya at dahan dahan akong iniikot saka inalis ang pagkakatakip sa mga mata ko.

Binuksan ko ang aking mga mata at agad na sumalubong sakin ang kanyang itim na itim na mga mata.

"Wag mong pairalin ang galit mo." Sabi niya saka ngumiti.

"Hindi ako galit." Sabi ko

"Pero galit ka." Pangungulit niya kaya inirapan ko siya.

"Para sa susunod na laro..." Napatingin kaming lahat kay Admiral na titig na titig sa pwesto namin.

"Ang kung sino mang makakapatay sa Malahtixks org at B4 ay bibigyang parangal na makalabas sa lugar na ito at bagong buhay na nag hihintay sa labas." Sabi ni Admiral kaya tumalim ang tingin samin ng ilang mga studyante na narito.

"Ito ang pinaka huling laro... Ang larong ito ay magtatagal lamang ng 30 minuto.... Pag natapos na ang laro tayo ay babalik sa dating set up." Sabi ni Admiral at ngumisi.

"Para mapadali ang inyong trabaho..." Wika ni Admiral.

"Ihanda nyo na ang mga sandata niyo." Bulong ko kay Knife na sinabi niya sa ilang kasamahan namin.

Agad kong nilabas ang dalawang spada ko at matalim na tumingin kay Admiral.

"Hindi na papatayin ang ilaw... Malaya niyong makikita ang inyong mga kalaban.... And your time starts.... Now."

"Oras na para makipag kasundo kay kamatayan." Sabi ko nag lakad para salubungin ang mga kalaban.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon