Chapter 22

1.1K 36 10
                                    

Kill POV

Isang lingo na ang nakalipas simula ng saksakin si Poison. Usap usapan parin ngayun ang tungkol sa kaparusahang ibinigay kay 69. Di din nawala sa usap usapan ang nangyare kay Poison.

Nag lalakad lakad kami ngayun ni Danger at Death patungo sa hospital kung nasan si Poison. Hindi pa daw kasi magaling yung sugat niya kaya doon daw muna sya.

Habang nag lalakad kami. Napansin namin ang kumpulan ng mga studyante sa isang sulok.

"Anong meron?" Tanong ni Danger sakin.

"Tsismosa lang ako pero minsan nahuhuli din sa update." Sagot ko

"Puntahan natin?" Tanong samin ni Danger
Tumango lang si Death kaya naman pinuntahan namin.

Agad na umalingasaw ang isang mabahong amoy di pa man kami nakakalapit sa mismong kumpulan.

May isang studyante ang papalapit sa amin galing sa mismong kumpulan kaya naman agad ko syang hinarangan

"Queen Kill." Sabi niya at nag bigay galang

"Anong meron don?" Tanong ko.

"May natag puan po kasing katawan ng isang babae don. Hindi na ho makilala kung sino dahil sa nabubulok na po iyon." Sagot niya.

Agad akong tumango at pinaalia siya. Tumingin ako kay Death na walang emosyon at parang walang alam sa mga nangyayare.

Kung hindi ako nag kakamali si Sex ang katawan na iyon.

"Tara na." Sabi ni Danger at nauna ng tumalikod. Sumunod kami ni Death ngunit agad ding napa tigil ng makita namin ang grupo nila Porn na nag mamadaling mag punta sa kumpulan. Natawa nalang ako sa itsura nila lalo na si Porn.

Nag simula kaming mag punta sa hospital para dalawin si Poison ng mapatigil kami sa pintuan ng room ni Poison.

Nakita kasi namin si Gun at Poison na masayang nag uusap.
Napa tingin kami kay Death na parang walang nakikita.

"Kailangan natin silang bigyan ng space." Sabi ni Danger.

"Hindi pwede." Sagot naman ni Death kaya napatingin kami sa kanya

"Bakit naman?"

"Kaaway parin natin si Gun." Sabi niya.

"Death tignan mo.... Baka ito na yung pagkakataon para masagawa yung plano." Sabi ko. Hindi kumibo si Death. Nanatili siyang tahimik at naka tingin don sa dalawa sa loob.

Muling isinarado ni Danger ang pintuan ng room ni Poison at tumingin kay Death.

"Kailangan nating mag adjust para magawa niya ang plano." Sabi ni Danger kay Death at naupo sa isa sa mga upuan dito sa labas ng room ni Poison.

Sumandal si Death sa pader saka pinikit ang mga mata.

"Death,Kill,Danger." Napatingin kami sa tumawag sa pangalan namin at nakita si Blood na palapit sa amin.

"Pinapatawag kayo ni Admiral sa office niya." Sabi niya kaya nag katinginan kami ni Danger at napatingin kay Death na parang walang pake alam.

"Bakit daw?" Tanong ni Danger.

"Hindi ko alam... Pati nga din kami ay pinapatawag niya." Sagot ni Blood kaya mas lalo kaming nag taka.

"Tara nandon na sila Knife at Bone." Sabi niya.

Naunang mag lakad si Death kaya naman sinundan namin siya.

Pag pasok namin sa office ni admiral agad na bumungad samin ang mukha nila Porn,Bold at Possessive kasama sila Knife at Bone.

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon