Epilogue

2.2K 57 14
                                    

Thank u bibeh's  💖
~~~

Knife POV

(Play Tagpuan by Moira Della Tore.)

Hindi ako perpektong tao. Ang dami kong kasalanang nagawa at alam ko yun.
Pumatay ako ng tao at naging siga sa loob ng UGS.

Nong bata ako... Lagi kong hinihiling na sana kapag  nasa harap na ako ng altar at hinihintay ang babaeng mahal ko, sana hindi ako umiyak kasi nakaka bakla yun.

Pero ngayun... Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa tuwa.

Sobrang makasalanan ko pero kahit na ganon ibinigay parin siya sakin ng Dyos. Kahit na sobrang makasalanan ko ay tinupad parin ng Dyos ang  hiling ko na bigyan ako ng isang babae na makakasama ko habang buhay.

At oo... Ibinigay niya sakin ang isang babaeng mamahalin ko habang buhay, babaeng kahit kailan hindi ko naisip na saktan.

Ngayun ang araw ng kasal namin ni Hope
Inbitado lahat ng mga kaibigan namin. Sila Blood, Kill, Poison,Danger, Bone at Gun.
Nasabi ko na bang nagkaayus na silang apat?

Pero nasan na ba sila Danger at Kill? Wala parin sila.

"Congrats pre." Wika ni Blood at siniko ako. Natawa ako na pinunasan ang luha ko.

Naka tingin lang ako sa babaeng naka suot ng kulay puting wedding gown, may hawak na bulaklak at walang emosyong nag lalakad palapit sakin.

"Wala talaga siyang emosyon no?" Natatawang tanong ni Gun sakin.

"Hindi na ko mag tataka kung pati sa pag gawa niyo ng anak niyo eh wala siyang emosyon." Natatawang sabi ni Bone na tinignan ko ng masama.

Ngumiti ako at muling pinunasan ang luha ko.
Tingin ko saming dalawa ako ang babae. Sobrang iyakin ko tangina ilang beses na ba ako umiyak?

Kasama niya ang mama niya at si papa, sila ang mag hahatid sa kanya papunta sakin.

Ng makalapit na sila sakin. Nakipag beso si Tita sakin at niyakap ako.

"Please take care of my precious gem ....Son." Wika ni Tita kaya napa ngiti ako.

"I will... Mom." Wika ko saka niya ko muling niyakap.

"Pa..." Wika ko at niyakap si papa

"Ang laki mo na... Parang dati may suot ka pang dayaper." Natatawang wika ni papa kaya nagtawanan ang lahat sa sinabi ni papa.

"Congrats anak... I'm so proud of you.. At alam kong pati ang mama mo ay maka ngiti sa langit ngayun." Wika ni papa kaya napa ngiti ako.

Tumingin ako kay Death or should i say.. Hope. Wala parin siyang emosyon.
Naka ngiti kong kinuha ang kanyang kamay saka bumulong.

"Ngiti ka naman." Wika ko. Lumingon siya sakin.

"Naiiyak ako." Bulong niya dahilan para matawa ako.

"Ehdi umiyak ka.. Kanina pa nga ako naiiyak dito."sabi ko. Ngumiti lang siya ng tipid saka huminga ng malalim

" this is it." Sabi ko ng nasa harap na kami ni Father. Tumingin ako kay Hope na ngayun ay umiiyak na.

Nakakatawa lang dahil napigilan niyabg umiyak kanina palapit sakin.

"My Dearest Brother and Sister in Christ, we are gathered here today to witness the unity of this man and woman in this Holy church. To be lawfully joined together in the will and in the grace of love by God." Nag umpisa ng mag salita si Father.

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon