Danger POV
Nag simula na ang laro na ibinigay ng punyetang admiral. Nakakarinig na rin ako ng mga putok ng baril sa di kalayuan.
Lubusan na pag aalala naman ang nararamdaman ko at ni Blood para kila Death at Knife.
Kung sumama nalang kasi sila samin! Mas inuna pa kasi nila landian nila eh! Pano pag may nangyareng masama sa kanila?
"Manatili lang tayo sa madilim na side... Mas mahihirapan ang kalaban na mahanap tayo dahil wala silang night vision." Sabi ni Blood.
Napa tingin ako sa mga kasama namin.
"Alam niyo, boring ang pag tatago na ginagawa natin." Sabi ni Kill na pinupunasan ang spada na hawak."Ayaw niyo bang makipag laro? Tutal nasa laro naman na tayo... Bakit hindi tayo maki join sa mga uto utong studyante na hinahanap tayo?" Sabat naman ni Bone na naka ngisi
"Tangina perfect pair... Demonyo tas demonyo hulaan ko si satanas magiging anak niyo." Sabi ni Poison na agad binatukan ni Kill.
"Like duh guys matataas ang ranggong hawak natin. Bakit hindi natin gamitin yun?" Sabi ni Kill.
"Isa pa.. Sabi ni Admiral pwede daw kayong pumatay." Sabat naman ni Bone.
"Talagang nag kampihan kayong dalawa ha." Sabi ko
"Naman." Sabay nilang sabi.
"Sige... Kayong apat bahala na kayo kung anong gagawin niyo... Kami hahanapin namin sila Knife at Death." Sabi ko saka tinignan si Blood.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"10:35"
Tumingin ako sa apat.
"11:00 mag kita tayo ulit dito." Sabi ko na nag patungo sa kanila."Mag ingat kayo." Sabi ko
"Tangina? Baka sila ang mag ingat samin." Sabi ni Poison at kinuha ang gum na nasa bibig saka idinikit sa pader.
"It's evil time." Sabi nya saka kinasa ang baril.
Tumingin ako kay Blood saka tumango senya na aalis na kami.
Nag lakad kami para hanapin sila Knife at Death. Una kaming pumunta sa Taas kung saan sila kanina naka tambay pero wala sila."Nasan kaya sila?"
"Napaka pasaway talaga ni Death kahit kailan." Sabi ko saka tumingin sa baba. Doon nakita ko ang ilang studyante na nag papatayan na akala mo ika uunlad nila.
Mula din dito sa taas nakita ko sila Kill at Poison na pumapatay ng mga studyante.
"Si Death naka suot pa siguro sa kanya yung gown niya." Sabi ko saka tumingin kay Blood na masama ang tingin sakin.
Nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya ang spada niya at itutok sakin.
"Umalis ka na bata... Ako ng bahala sa kanya... Ibalato mo nalang to sakin." Sabi ni Blood habang naka tingin sa likod ko.
May tao sa likod ko?
"Nauna ako." Sabi ng tao sa likod ko.
Ngumisi si Blood saka lumapit sakin at hinigit ang bewang ko saka tinutok sa leeg ko ang spada niya. Sa posisyon namin ngayun nakikita ko na ang taong nasa likod ko.
Isa siya sa myembro ng nasa pang apat na ranggo.
"Hindi mo manlang ba pag bibigyan ang mas mataas na ranggo sayo?" Tanong ni Blood sa lalaki.
"Baby... I'm sorry kung natakot kita." Bulong niya sakin.
"Para patas... Sabay nalang natin siyang patayin." Sabi ng lalaki. Naramdaman ko ang pag higpit sa pagkakahawak ni Blood sa bewang ko.
"Hahahaha nag papatawa ka ba?" Tanong ni Blood at tinulak ako sa harapan niya dahilan para mapaupo ako.
"Sige... Sabay natin siyang patayin." Sabi ni Blood at ngumisi.
"Pag bilang ko ng tatlo." Sabi ni Blood. Agad kong hinanda ang baril na nasa likod ko.
"Isa..." Lumapit ang lalaki ng isang hakbang..
"Dalawa." Isa pang hakbang
"Tat--"
*bang
Agad kong binaril ang lalaki sa ulo niya sabay sa pag tusok ng spada ni Blood sa mata ng lalaki.
Ng masiguradong wala ng buhay ay hinugot ni Blood ang spada niya mula sa pag kakabaon sa mata ng lalaki saka tinulak ang katawan ng lalaki dahilan para mahulog ito sa baba.
Tumingin sakin si Blood saka binitawan ang spada na hawak at patakbong yumakap sakin.
"I'm sorry baby... Natakot ka ba? Nasaktan ka ba? Sorry sa pag tulak." Punong puno ng pag aalala ang kanyang boses.
"I'm okay... Thank you" sabi ko at niyakap siya. Humiwalay siya sa pag kakayakap sakin saka hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ang aking labi.
"I'm sorry." Pag uulit nya saka ako muling hinalikan. Nag tagal ang aming pag hahalikan ng ilang minuto. Ako na mismo ang kumalas dahil baka kung saan pa mag tungo ito.
"Tara na Blood... Hahanapin pa natin ang kapatid mo... Ayus lang ako salamat sa pag liligtas." Sabi ko at naka ngiting tumingin sa kanya
"My pleasure. Lets go?" Tanong niya. Tumango ako saka niya ko tinulungang tumayo.
Bumaba na kami. Habang pababa na kami ay may nakakasalubong kaming studyante. Agad ko namang binabaril ang mga nakakasalubong namin hanggang sa mapadpad kami sa isang booth kung saan may mga nag kalat ng katawan.
"Nasan ba sila?" Irita kong tanong. Ng makitang wala sila Knife at Death doon agad kaming umikot para lumabas ng may biglaang tumutok ng baril sa ulo ni Blood samantalang sakin ay isang kutsilyo.
"Shit." Bulaslas ko. Mula sa unting liwanag na nag mumula sa butas ng booth. Humakbang ang may hawak ng baril at kutsilyo. Doon nakita namin sila Knife at Death na may mga dugo sa mukha.
"Kayo lang pala." Sabi ni Knife at binaba ang hawak na kutsilyo. Ibinaba na din ni Death ang hawak na baril saka tumingin samin.
"Nasan sila Kill?" Tanong niya.
"Naki saya sa pag patay." Sagot ko.
"Nasan ang gown mo?" Tanong ni Blood kay Death.
"Hinubad ko." Sagot ni Death at nag lagay ng bala sa baril
"Ano?! Nag hubad ka kasama ang lalaking to?" Tanong ni Blood kay Death habang naka turo kay Knife ang kamay.
"Bakit may problema ba?" Tanong ni Knife.
"Hindi niya alam na mag kapatid kayo." Bulong ko kay Blood na agad tumango.
"Wala. " sagot ni Blood pero halata sa kanya ang pagka inis.
"Hoi aagawin mo ba sakin si Death dahil nakita mo ang kanyang sexy body?" Tanong ni Knife.
Agad naman akong ngumiwi ng maisip ko na magkakaruon ng family stroke.
Yuck!"Shut the fuck up dude." Iritang sabi ni Blood at umiling iling.
"Anong oras na?" Tanong ko. Tumingin si Blood sa relo niya.
"10:59."
"Kailangan na nating bumalik sa base natin." Sabi ko at tumingin kila Death at Knife.
"Shit bat wala kayong night vision?" Iritang tanong ko.
"Naka contact lens ako may night vision ang contact lens na suot ko." Sabi ni Knife. Tumingin ako kay Death na parang walang pake alam.
"Ikaw?" Tanong ko.
"No need" Sabi ni Death at nag simulang tumalikod.
"Magaling siya pag sa dilim" bulong ni Blood sakin saka sumunod sa kanila.
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...