Chapter 26

1K 37 6
                                    

Death POV

Matalim at taimtim kong pinag mamasdan ang lalaking bakla na nasa harap ko.

Napa pikit ako ng kung anong anong kalaswaan ang ginagawa niya sa harap ko. May pag pose ng kung ano ano tapos pinag mamayabang yung legs niya na maputi pero mabuhok. Gago ba sya?

"You know what." Sabi niya saka umupo ng nakaka akit sa harap ko.

"If we are to be angles, we sum up to 90 degrees." Sabi niya sabay ngisi.

"Bakit naman?" Irap kong tanong.

"Cause BABE we're so freakin' complementary. Boooom!" Banat niya sabay tayo at nag twerk sa harap ko.

Tangina. Paki balik to sa mental.

"Trivia." Sabi niya nong tumigil siya. Humarap nanaman siya sakin saka hinawakan ang pisngi ko.

"Sex reduces calories." Sabi niya sabay ngisi. "Tara! Bawas tayo calories?" Tanong niya napa hagalpak naman sa tawa si Danger na nakikinig sa kusina kasama si Kill.

Tangina.

Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya.

"Gusto mo?" Tanong ko

"Why not." Malanding sagot nito.
Putanginang bakla to.

"Gusto mo sumabog laman mo?" Tanong ko.

Nag pout siya saka umiling.

"Ayoko, peeo gusto kong sumabog ang pagmamahal mo para sakin. Boom!" Sabi nya sabay twerk.

Tangina. -,-

"Ang aga aga ang laswa na agad ng nakikita ko." Komento ko sabay tingin sa kanya ng masama.

"Sabihin mo nga sakin, ano ba talagang pakay mo ha?" Tanong ko.

"Pakay ko?" Tanong niya sabay nag seryoso ang mukha. "Isa lang naman ang pakay ko dito eh. Ang pumayag ka na ligawan kita." Sabi niya saka ngumiti ng mapakla.

"Aaminin ko hindi maganda ang una nating pag kikita. Halos mag patayan na tayo non pero Death masisisi mo ba ako kung na LOVE AT FIRST BONE BREAK ako sayo?" Tanong niya. Umirap ako. Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim

Pasimple ko syang tinignan.

"Kung sa tingin mo titigilan kita nag kakamali ka. Gagawin ko ang lahat masungkit lang yang puso mong bato." Sabi niya saka ngumiti ng pilit.

"Good morning na nga pala. Wag ka kasing mag puyat para hindi lumaki yang eye bugs mo. Pero kahit mukha kang panda ang cute mo parin." Sabi niya kaya natigilan ako.

Agad na kumalabog ang puso ko sa sinabi niya.

"Ang cute mo parin."

"Ang cute mo parin."

"Ang cute mo parin."

Nag paulit ulit sa aking tenga ang sinabi niya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pag bilis ng tibok ng aking puso.

Unang beses na may nagsabi non sakin... Unang beses kong marinig yun.

"Ayus ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito sakin. Tinignan ko lang siya saka tumango. Ngumiti siya saka pinisil ang pisngi ko.

"Mauna na ako ha mag bibihis na ako. Ang laswa kong tignan dito." Sabi niya at natawa.
Maya maya pa ay may nilabas siya mula sa likod niya.

Dalawang malaking tsokolate.

"Para sayo yan. Good morning Death ng buhay ko." Sabi niya at ngumiti.

Napatingin ako sa dalawang tsokolate.
Unang beses na may mag bigay sakin nito.

Tangina anong nangyayare sakin?

Napansin kung may note na naka lagay don.

'Dalawang malaking tsokolate para sa babaeng bumali ng buto ko hahaha magandang umaga binibini, pero mas maganda ka pa sa aking umaga. Ngumiti ka para mas lalo kang gumanda.~Knife.'

Napatingin ako sa nag lalakad na si Knife palapit sa pinto.

"Saglit." Pigil ko kaya napatigil ito at tumingin sakin.

"Bakit?" Tanong niya.

Bakit nga ba? Bat ko siya tinawag?

"A-ano... K-kumain... K-kumain k-ka na b-ba?" Utal kong tanong saka tumingin sa ibang dereksyon.

Tangina Death anong kalandian to?

Bumalik ang tingin ko kay Knife na naka ngiti.

"Hmm hindi pa. Maaga lang talaga ako nagising para mag ayus ng ganito hahaha." Sabi niya kaya nakunsensya ako.

Teka ano? Kunsensya? Kelan pa ko nakunsensya?

"D-dito k-kana kumain." Sabi ko at huminga ng malalim

Bat ba ako nauutal?!

"Ayieee! Ayan ha! May pag yaya!" Singit ni Kill na nag lagay ng isa pang plato para kay Knife. Tumingin si Knife sa akin na parang di maka paniwala

"Seryoso ako. Dito ka na kumain." Sabi ko saka inirapan siya.
"Wag mo ding tanggalin yang get up mo." Dagdag ko saka tinignan siya. "Mas gusto kong ganyan ka." Sabi ko

Nakita ko kung pano namula ang tenga niya.

"T-talaga?" Utal niyang tanong. Ngumisi ako

"Umupo ka na dito bago pa mag bago ang isip ko." Sabi ko sabay kuha ng chocolate na naka patong sa mesa. Ipinatong ko iyon sa hita ko.

Tinignan ko siya. Naka tingin siya sakin na may ngiti sa labi.

"Sabihin mo nga sakin. Unti unti ko na bang nakukuha ang puso mong bato?" Tanong nito.

-,- tinignan ko siya ng walang expression sa mukha.

"Niyaya lang kitang kumain wag kang assuming." Sabi ko at inirapan siya.
Nakita ko ang pag pout niya saka umupo sa harap ko. Naupo narin sila Danger at Kill sa upuan nila.

Kinuha ko ang kanin saka ko nilagyan ang plato niya.

"Yieee may pag sandok!" Sabi ni Kill kaya tinignan ko siya ng masama.

"A-ako na." Sabi niya at hinawakan ang lalagyan ng kanin. Aksedenteng nahawakan niya ang aking kamay na nag dulot ng pagkakaruon ng kuryente na dumaloy sa aking buong katawan.

Napa lunok ako ng lagyan niya ng kanin ang plato ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Kumain na tayo....babe."

Halos mawalan ako ng hininga sa sinabi niya.

Tangina anong kalandian to?
Itigil niyo na to bago pa ako mabaliw!

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon