Chapter 16

1.1K 40 4
                                    

Poison POV

Maaga akong nagising para mag exercise sa Gym ng school. Inagahan ko talaga para hindi ko makita ang tatlo.

Lumabas ako sa kwarto ko at agad na nag tungo sa kusina saka kumain at ginawa na ang morning rituals ko.

Ng matapos na, agad akong lumabas sa kuta namin at agad na nag tungo sa Gym.

Nag stretching muna ako bago mag simula.

Habang nag eexercise ako, nakaramdam ako ng presensya ng isang tao na nanunuod sakin kaya napa tigil ako at tumingin sa pinto ng Gym.

Mula don nakita ko si Gun na naka sandal sa pinto ng Gym at tahimik na nanunuod sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Umalis siya sa pagkaka sandal saka lumapit sakin.

"Mag eexercise sana  ako kaso bigla kitang nakita ang ganda mong panuorin." Sabi niya.

"Kanina ka pa jan?" Tanong ko.

"Oo" sagot niya. Inirapan ko siya at tumalikod.

"Ako ang nauna dito." Sabi ko

"Bakit, ayaw mo bang makasama ako?" Tanong niya.

"Sa tingin mo may isang taong gustong makasama ka?" Tanong ko at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata ko ng mag dikit ang mga ilong namin. Sobrang lapit namin sa isa't isa at halod lumabas na sa dibdib ko ang puso ko. Nakaka tunaw ang kanyang pagtitig saking mga mata. Agad na nanlambot ang aking mga tuhod at ano mang oras bibigay iyon.

"Dahil parin ba yun sa nakaraan?" Mababakas sa kanyang boses ang hinanakit, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at nakita ko ang sakit doon. Agad ko siyang naitulak palayo sakin.

Muntik na akong mapa mura ng maramdaman ko ang milyong milyong bultahe ng kuryente na dumaloy sa akin ng mahawakan ko sya.

Tinitigan ko lang siya at muling tumalikod para kunin ang mga gamit ko ng bigla niya akong hinigit paharap sa kanya at niyakap ng napaka higpit.

Agad na bumalik sakin lahat ng masasakit na ala-ala sa mga oras na iyon. Lahat ng sakit ay muli kong naramdaman.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sobrang higpit ng pagkaka yakap niya sakin na para bang ayaw niya akong mawala.

"I miss you" bulong niya dahilan para agad na tumulo ang mga luha ko.

"I miss anything about us." Puno ng hinanakit niyang sabi habang yakap ako.

"Alam kong galit ka parin at alam kong hindi na mawawala ang galit jan sa puso mo pero sana hayaan mo kong maka bawi sa lahat ng nagawa ko." Sabi niya

Pilit akong kumakalas sa pag kakayakap niya dahil baka may maka kita sa amin at ma tsismis pa kami.

"Bitawan mo ko." Malamig kong sabi pero di sya nakinig at mas lalong hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

"Bitiwan mo ko " muli kong utos at marahas na kumalas sa pagkakayakap niya. Ng maka kalas ako sa yakap niya ay tinitigan ko siya na puno ng hinanakit.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung magagalit ba ako.
Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Akmang lalapit pa siya sakin ng mag salita na ako..

"Nong araw na mangyare yun lahat...." Sabi ko at tinitigan sya "... Yun yung araw na sinabi kong kahit kailan hinding hindi ka na makakalapit sakin." Sabi ko at huminga ng malalim

"Don't bring the past." Dagdag ko at kinuha na ang mga gamit ko nag umpisa na akong mag lakad nag mag salita siya.

"Zhavia i still love you" halos buhusan ako ng malamig na tubig ng bigkasin niya ang pangalan ko. Ang tunay kong pangalan.

Napa lunok ako ng sunod sunod dahil sa sinabi niya.
Pero hindi ko na siya muling hinarap at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa nasa harap na ako ng pinto ng kuta namin.

Lutang ang aking pag iisip ng makarating ako sa harap ng kuta namin. Huminga muna ako ng malalim saka pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto.

Napatigil ako sa aking nakita.
Puno ng pagkain ang lamesa at may mga makukulay na mga ilaw ang nag kalat sa kuta namin. Nakita kong nasa gilit sila Death at Danger na naka tingin sakin mas naka agaw pansin ang hawak ni Danger na board na may naka lagay na Sorry.

Napa tingin ako sa tabi ko ng maramdaman ko si Kill na biglang sumulpot at gaya ko halatang nagulat siya sa nakita.

Anong pakulo nanaman to?

"Anong kagaguhan to?" Tanong ko. Huminga ng malalim si Danger at itinaas ang hawak na Board.

"Sorry" sabi niya kaya natigilan ako at si Kill ay halatang nagulat.

Ang isang Danger ay hindi humihingi ng sorry.

"Sorry kung lumaki ang ulo ko, sorry kung kinokontrol ko kayo, sorry kung natarayan ko kayo, sorry kung lahat ng gusto ko ang dapat masunod. Sorry." Seryosong sabi ni Danger.

Nagkatinginan kami ni Kill at sabay na napatingin kay Danger.

"Aaminin ko naging maka sarili ako dahil sa plano natin. Aaminin ko gustong gusto ko ng lumabas sa empyernong ito. Aaminin ko may mga salita akong nasabi sa inyo na di naman dapat. Sorry." Sabi ni Danger.

Tumingin ako kay Death na tahimik lang na naka tingin sa aming dalawa ni Kill.

"Kung di niyo matatanggap ang pag hingi ko ng tawad ayus lang nag kamali ako at naiintindihan ko yun" sabi ni Danger at halata sa kanyang boses ang lungkot.

"Pero sana kumain kayo kahit unti, ako nag luto niyan para sa inyo." Dagdag niya habang naka tingin sa lamesang puno ng pagkain.

"Ayoko" malamig kong sabi na kinagulat ni Kill at Danger halata namang nagulat din si Death.

Seryoso kong tinignan si Danger na maiiyak na.

"Ayokong kumain ng kunti..... Gusto ko ubusin yan lahat." Naka ngisi kong sabi dahilan para magulat si Danger. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Ganon din si Kill.

"Sorry." Sabay naming sabi at natawa

"Group hug!" Masiglang sabi ni Kill at napa tingin kay Death na naka tingin lang samin habang naka ngiti.

"Ano Death ayaw mong makisali samin?" Tanong ni Kill. Ngumisi lang si Death at may nilabas na confetti sa likod niya saka iyon pinaputok sa aming tatlo.

"Group Hug!" Naka ngiting sabi ni Death at niyakap kami. Nagulat kami sa pagngiti niya kaya naman natigilan kaming tatlo.

Ngayun lang kasi namin nakita si Death na ngumiti.

"B4ever!" Sabay sabay naming sabi at natawa.

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
IG: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon