Chapter 24

1K 33 4
                                    

Death POV

Nag lalakad na ako papunta sa hospital room ni Poison ng habulin ako ni Knife at inisin.

"Death tayo na diba?" Tanong niya pero di ko siya pinansin.

"Death babe tayo na?"

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa nasa tapat na ako ng kwarto ni Poison at inikot ang door knob.

"Osige liligawan nalang kita." Binuksan ko ang pinto at sumagot

"Hindi pwede." Seryoso kong sabi saka ko nakita sila Poison at Gun na nag iiyakan at naka tingin sa akin.

Oh? Anyare naman sa kanila?

"Death" sabay na sabi nila Poison at Gun.

"Death naman ihh sige na lili--- oh hi bro nanjan ka pala? Hi Poison" bati ni Knife sa dalawa. Pumasok na lang ako sa kwarto ni Poison at umupo sa sofa.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Poison sa amin ni Knife. Tinignan ko ng masama si Knife ng akmang uupo siya sa tabi ko at aakbayan ako. Nag pout siya at inirapan ako.

Bakla!

Walang sumagot sa amin ni Knife.

"Bakit kayo nandito?" Tanong naman ni Gun kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Dito kami gagawa ng baby bakit?"sarkastiko kong sabi. Agad na napatingin sakin si Knife.

" wag dito nakaka hiya don nalang tayo sa---" hindi niya napag patuloy ang sasabihin niya ng batuhin ko siya ng unan.

Muli kong ibinalik kay Gun ang paningin ko.

"Malamang dadalawin ko si Poison." Sabi ko at tumingin kay Poison.

"Bakit parang umiyak kayo?" Tanong ni Knife kaya mas lalo ko silang tinitigan.

"Wala ano kasi nag patawa si Gun tapos hindi ko na gets kaya ayun umiyak ako kasi ayaw niyang sabihin sakin kung anong ibig sabihin non." Sabi ni Poison.

Sinungaling!

Halata kasi sa mukha niya na nag sisinungaling sya.kilala ko si Poison. Pag nag sinungaling siya namumula ang ilong niya.

Rudolf bwahahahaha

Nag karuon ng unting katahimikan sa buong kwarto ni Poison. Nanatiling naka tingin ako kay Poison na hindi maka tingin sa akin.

"Fine." Sabi ni Poison at tumingin sa akin ng deretso.

"Humingi ng sorry sakin si Gun." Sabi niya at huminga ng malalim. "Pinatawad ko na sya at bibigyan ko sya ng isang pagkakataon." Sabi niya. Tumingin ako kay Gun saka binalik sa kanya ang tingin ko.

Hindi ako umimik. Sumandal lamang ako sa sofa at pinikita ang mga mata ko.

"Buti pa si Gun may pag asa ako wala." Ungot naman ng isang bakla na nasa tabi ko.

"Bakit ano bang meron sa inyo?" Tanong ni Gun kay Knife.

"Kasi naman ih." Parang batang sabi ni Knife kaya binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya ng masama.

"Liligawan lang naman kita eh. Isa pa pasalamat ka kasi isang knife na ang mangliligaw sayo. Isang gwapo,makisig,maginoo pero bastos in short padre damaso slash Knife." Sabi niya.

"Bakla." Sabi ko kaya napa tingin siya sakin.

"Hindi ako bakla ha! Lalaki ako straight pakita ko pa sayo 8 inch kong alaga" sabi niya.

"Gusto ko sa bakla ayoko ng straight." Sabi ko at tumayo saka sila iniwan.
Isa pang sunod ng mokong na yan papatayin ko na yan.

Knife POV

"Gusto ko sa bakla ayoko sa straight" sabi ni Death kaya nagulat ako ng tumayo siya at umalis.

Humalikipkip lang ako dito sa sofa saka kunot nuong tumingin sa dalawa na parang nanunuod ng koreanovela.

"Oh ano? Tatawanan niyo na ako? Sige Hahahaha nakakatawa no ayaw niya sa straight gusto niya sa bakla." Sarkastiko kong sabi saka sila inirapan.

Wait bakit ba ako umiirap? Bwisit na Death nababakla ata ako sa kanya ah.. Wait.

"Gusto ko sa bakla ayoko sa straightnapangisi ako ng may pumasok na idea sa mataba at matalino kong utak.

"Sabihin mo nga sakin Knife." Sabi ni Poison kaya napa tingin ako sa kanya "seryoso ka ba kay Death?" Tanong niya.

"Hmm oo" sagot ko.

"Anong nagustuhan mo sa kanya?" Tanong ni Gun kaya napa isip ako.

Ano nga ba?

"Hindi ko alam bro basta ang alam ko lang nong sinabihan nya akong BABE kanina lumakas yung pintig ng puso ko." Sabi ko saka napa sandal sa sofa.

"Isa pa matapos niya akong asar asarin noon at balian ng buto parang gusto ko ng makita siya araw araw na mainis at ma bwisit sakin." Sabi ko at napa tingin sa kisame

"Kung pano siya mainis, kung pano niya baliin buto ko hayst ewan basta ang alam ko lang gusto ko siya." Sabi ko saka tumingin sa kanila.

Naka tingin silamg dalawa sa akin na para bang manghang mangha.

"Love at first bone break" sabay nilang sabi at nag apir.

"Hayst ewan ko sa inyo" sabi ko at humiga sa sofa.

"Tulungan niyo naman ako oh" sabi ko at tumingin kay Poison.

"Woi Poison baka naman Ilagakad mo naman ako sa demonyo mong kaibigan." Sabi ko

"Hmm pag iisipan ko."

"Ihhh Poison dali na sige ka di kita ilalakad kay Gun." Sabi ko

"Gago ka ba? Di ko na kailangan lumakad sa utak palang niya tumatakbo na ako sa puso pa kaya." Sabi ni Poison at inakbayan si Gun.

"Sige mang inggit kayo" sabi ko at inirapan sila.

"Bakit ka ba irap ng irap ha?" Tanong ni Gun kaya natigilan ako

Umirap nanaman ako?

"Homayghad! Don't tell me...." Napatingin ako kay Poison ng tumigil siya sa pag sasalita.

"May naisip ako" sabi ko at umupo sa sofa saka tumingin kay Poison.

"At kailangan ko ng tulong mo" sabi ko saka ngumiti ng pagka pait pait

Humanda ka Death! Mapapasaakin ka at mahuhulog sa kagandahan ko. Bwahahaha

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon