Poison POV
Putang ina talaga oh. Dobleng alagain ang peg ko nento.
Si Kill na tulala at halatang di pa naka move on sa pag kamatay ng kapatid niya.
Nakakaloka kasi kahit kanino naman ata mangyare yan eh mapapatulala ka at malulungkot.Kailangan kong gawing masaya tong kaibigan ko
Isa pa to'ng si Danger na may lagnat.
Tangina salamat kay Death na nag iwan ng note sa ref na siya na ang magiging representative namin. Buti hindi ko na proproblemahin yun.Tangina? Pano ko aalagaan tong dalawang to? Buti sana kung bubble gum sila sana naalagaan ko sila.
"Kill kain ka na nag luto ako ng paburito mong pagkain." Sabi ko at naka ngiting humarap sa kanya.
....
Wala manlang response. Joskopo ano ba ito di naman nila ako nanay ih! Masyado akong maganda para sa ganyan!Ma hahagard ako nento tangina.
"Kill naman ih. Mag kakasakit ka nyan, gusto mo bang maging katulad ni Danger? Tignan mo haggard na siya oh." Sabi ko at tumingin kay Danger.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nanginginig ang katawan niya. Agad akong lumapit sa kanya at kinapa ang nuo niya
"Josmio na Dengue ka ba ha? Bat sobrang taas ng lagnat mo? Ayus ka pa kagabi ih nakapatay ka pa nga." Sabi ko at agad na kinuha ang first aid kit na nasa tabing mesa.
Kinuha ko ang isang gamot don saka nag punta sa kusina para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig.
"Siguradohin lang nila na may bayad tong serbisyo ko sa kanila." Bulong ko sa sarili ko at napangiti dahil mukha talaga akong tanga.
Nakakainis.
"Kill kainin mo na yang pagkain mo bago pa yan lumamig sige ka papanget ka." Sabi ko saka umupo sa harap ni Danger. Agad kong pinunasan ang nuo niya saka kinapa ito.
"Danger pagaling ka na please aalagaan pa natin si Kill." Sabi ko at pinainom siya ng gamot.
Nilingon ko si Kill na naka tulala parin sa bintana.
Ng masiguradong ayus na si Danger. Niligpit ko na ang mga ginamit ko at nag punta sa harap ni Kill.Awang awa ako sa deputang to tangina.
"Kill.. Alam mo ba nangungulobot na katawan mo oh kailangan na nilang mag karuon ng energy at nutrients." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Alam kong sobrang hirap para sayo na tanggaping wala na ang kapatid mo pero Kill... Naiisip mo ba na masasayang ang pag sasakripisyo ni Possessive pag namatay ka ng dahil sa gutom? " tanong ko at kinuha ang sopas na nasa tabi niya saka hinipan hipan
"Ang sabi mo sa kapatid mo... Malalagot ang kung sino mang may gawa non sa kanya. Pano mo pag hihigantihan ang gumawa non sa kanya kung mamamatay ka ng dahil sa gutom?" Tanong ko at itinapat sa bibig niya ang isang kutsarang may laman ng sopas.
"Kumain ka na please.." Sabi ko at halos madurog ang putang inang puso ko kung meron man ako non. Ng makita ko kung pano tumulo ang luha niya.
Tangina.
"Kill naman ih." Sabi ko at binaba ang hawak ko saka niyakap siya
"Tangina di ako marunong mag comfort ng taong naiyak. Buti sana kung bubble gum ka." Sabi ko at hinaplos ang likod niya
"Wag ka ng umiyak please namamaga na mata mo tangina pag ikaw pumangit ako na ang pinaka maganda sa grupo natin."sabi ko at kumalas sa yakap saka pinunasan ang luha niya.
" namatay siya.... Ng dahil sakin." Sabi niya na nag pailing sakin
"Hindi Kill. Makinig ka ha, namatay siya kasi niligtas ka niya. Namatay siya kasi sinakripisyo niya ang buhay niya para sayo kasi ganon ka niya kamahal. Ngayun kung gusto mong maka ganti sa kung sino man ang may gawa non sa kapatid mo... Mag palakas ka kumain ka at ibalik ang dating Kill na kilala namin. Dahil pag yun bumalik tutulungan pa kitang huntingin ang putang inang pumatay sa kapatid mo." Sabi ko at ngumiti
"Putang ina isipin mo ha demonyo ako pero binibigyan ko ng mabuting payo kaibigan ko tangina." Sabi ko na nag pangiti sa kanya kaya napangiti ako
"Kumain ka na... Dahil baka maging lusyang ka. Tignan mo si Danger oh panget na nga pumanget pa." Sabi ko na nag patawa sa kanya.
"Pa-pakyu ka" rinig kong usal ni Danger kaya natawa ako.
Para akong nanay dito at sila Kill at Danger ang mga anak ko. Tangina napaka ganda ko naman atang nanay.
Tumayo ako at nag tungo sa kusina para ayusin ang mga gamit don ng may kumatok mula sa pinto namin.
Agad akong nag tungo don at binuksan ang pinto.Si Knife.
"Oh bakit ka naparito?" Tanong ko.
"Na-nanjan ba si Death?" Malungkot niyang tanong na nag pakunot sa nuo ko.
"Wala... Siya yung representative ng grupo namin kasi nagka sakit si Danger... Bakit di ba siya nag paalam sayo?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya ng pilit saka tumalikod sakinAba bastusan? Nag tatanong ako diba?
Pinag masdan ko lang kung pano siya mag lakad palayo sakin.
Kibit balikat kong sinara ang pinto at nag balik sa kusina. Sinilip ko muna yung dalawa at halos maka hinga ako ng maluwag ng makitang kumakain na si Kill pero matamlay parin siya.
Si Danger naman ay tulog na kaya naka hinga ako ng maluwag.Tatanda ata ako ng maaga nento tangina.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...