Chapter 19

1K 31 2
                                    

Poison POV

"BITIWAN NIYO KO!" Sigaw ni 69 at pilit na kumalas sa mga hawak ng mga humuli sa kanya. Pinaakyat sya sa stage at itinulak sa pinaka harapan. Halos lahat ng studyante dito ay papanuorin ang kaparusahang gagawin kay 69.

Nag tagpo ang mga mata naming dalawa. Napangisi ako bagay na kinayamot niya.

"HAYOP KA!" sigaw niya sakin at akmang susugod sa dereksyon ko ng hilahin ang buhok niya ng isa sa mga humuli sa kanya.

Napa luhod siya at biglang naiyak. Ang kaninang wild na 69 ay naging iyaking bata na parang nanakawan ng lollipop.

Dumating na sila Head admiral kasama ang ilang studyante na may hawak na baso at pitsil na may lamang tubig.

Ipinatong nila iyon sa mesa na nasa gilid saka humarap samin si Admiral.

"Bilang kaparusahan sa ginawang pag banggit ng maling pangalan ni 69... Siya ay papatayin gamit ang pag inom ng lason." Sabi ni Admiral at may nilabas na papel mula sa likod.

"Yaiñia Franzine De Guzman... Ikaw ay papatayin dahil sa pag labag sa pangalawang batas ng paaralan." Sabi ni Admiral.

Halos lahat ay nagulat ng banggitin ni Admiral ang buong pangalan ni 69. Sayang ang ganda pa naman ng pangalan niya.

Hinila si 69 palapit sa mesa kung saan naruon ang isang pitsil at isang baso. Halos lahat ay tahimik na nanunuod, tanging pag sigaw at pag iyak lang ni 69 ang madidinig.

"Bitawan niyo ako! Kasalanan ko bang nag banggit si Gun ng pangalan? Totoo ang narinig ko bakit ayaw nyong maniwala?!" Umiiyak na sabi ni 69

Pilit siyang pinaupo sa upuan kaharap ang mesa na may pitsil at baso.
Akmang tatayo pa siya ng sampalin siya ni admiral.

"Ang kabaong at bulaklak maging ang susuotin mo sa loob ng kabaong mo ay handa na... Ikaw nalang ang kulang." Sabi ni Admiral. Napa lingon ako kay Danger na natawa.

"Bakit?" Natatawang tanong ni Danger ng makita niya akong naka tingin sa kanya

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko

"Trip ko" sagot niya at natawa. Ibinalik ko nalamang ang paningin ko sa harap at nakitang umiiyak si 69 habang naka luhod sa harap ni admiral.

"Pag bigyan niyo pa po ako... Gusto ko pang mabuhay...patawarin niyo ako sa kasalanan ko.... Pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko." Sabi ni 69 habang naka yakap sa paa ni admiral.

"Ang batas ay batas ang kaparusahan ay mananatiling kaparusahan. Isang kataksilanan ang iyong ginawa at ang pinaka mataas na supreme ang nag utos ng kaparusahan." Sabi ni Admiral at inalis ang pagkakayakap ni 69.

Umiiyak na yumuko si 69 at napa ngiti. Kung titignan ay para siyang baliw dahil umiiyak siya habang naka ngiti.

Tumayo siya at humarap sa aming lahat. Tumingin siya sa amin saka ngumiti at lumapit sa pitsil na may tubig at nilagyan ng tubig ang nag iisang baso na nandoon saka kinuha at humarap sa aming lahat.

"Salamat sa lahat ng sakit.... Salamat sa lahat ng masasakit ba salita... Salamat sa lahat ng pampla-plastik sakin...salamat sa pangbabash sa akin...salamat sa lahat... Sana masaya na kayong mawala ako." Pagkasabi non ni 69 ay ininom niya ang tubig na nasa baso saka naka ngiting  tumingin sa aming lahat.

Umiiyak siya pero naka ngiti siya.
Unti unti naming nakikita ang sakit sa kanyang mukha pero nanatili ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa unti unting tumulo ang dugo mula sa kanyang labi at napa luhod siya pero naka ngiti parin siya.

Bigla akong kinonsyensya.
Biglang dumilim yung paligid ko, may nag takip sa mata ko.

"Naaalala mo yung araw na gumawa ka ng gum." Isang boses mula sa likod ko ang nag salita habang naka takip ang kanyang mga kamay sa aking mga mata.

"Ganyan ang sinapit ng mga bata sayo nong kinain nila ang ginawa mo." Sabi niya at dahan dahang inalis ang pagkaka takip sa mata ko. Nakita ko nalang si 69 na naka higa na sa harap at wala ng buhay.

Tinignan ko ang nag silita sa likod ko at nakita si Gun na nakatingin sa akin. Isang seryosong emosyon lamang ang aking pinakita sa kanya saka hinawi siya pagilid at naunang umalis sa lugar na iyon.

Pagkalabas ko ng court huminga ako ng malalim at napa tingin sa langit.

"Sorry." Isang salira limang letra yan ang lumabas sa bibig ko sa di ko alam na kadahilanan.

Death POV

Nakita ko kung pano lumabas si Poison sa court. Pinag mamasdan ko ngayun si Gun na naka tingin sa daan kung saan dumaan si Poison.

Lumapit ako sa kanya na kanya namang kinagulat. Pinag masdan ko ang  daan saka binalik sa kanya ang paningin.

"Gago ka." Yan lang ang sinabi ko pero halata sa kanya ang pagka gulat. Ningitian ko siya ng nakakaloko saka tinap ang balikat niya

"Tandaan mo." Sabi ko at hinila siya palapit sakin saka bumulong sa tenga niya.

"Dalawang sungay ang meron ako. Isang buntot at dalawang pakpak kulay pula ang nais ko at makita kang mamatay ang tagumpay ko." Bulong ko saka ngumisi.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya para makita ang reaction niya. Halata sa mukha niya ang naguguluhan kaya natawa ako

"Ingat ka." Sabi ko at tinalikuran sya saka lumabas sa court.

Pagka labas ko nakita ko si Poison na naka tingin sa langit hindi ko siya pinansin sa halip ay umiba ako ng daan at nag tungo sa isang payapang lugar kung saan ako lang ang nakaka alam.

Kill POV

Nakita ko kung pano mawalan ng buhay si 69. Naka ngiti parin siya kahit wala na siyang buhay.

"Tara"yaya saakin ni Danger.
Hinanap ko ang dalawa pero wala sila dito sa loob ng court

" yung dalawa?"tanong ko.

"Baka nauna ng lumabas." Sagot niya habang nag lalakad kami palabas mg court.

"Himalang sumabay si Poison kay Death." Komento ko.

"Hmm abnormal yung dalawang yun." Sabi niya saka kumuha ng bato at binato ang isang studyanteng malapit sa amin. Tumingin sa amin yung studyante ng masama pero agad ding nag iba ang expression niya ng makita kami.

"Bakit mo binato?" Tanong ko

"Trip ko lang" sagot niya at muling kumuha ng bato.

"Kawawa magiging anak mo." Sabi ko

"Bakit naman?" Tanong niya

"Baka mamaya mag tanong yun kung bakit mo siya pinanganak sa mundo tas sasagutin mo TRIP KO LANG." sabi ko

"Gago ka ba o Bobo ka?" Tanong niya.

"Tanga lang" sagot ko

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!"

Napalingon kami sa sumigaw at halos lumabas ang eye balls ko sa nakita.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon