Chapter 43

884 32 4
                                    

Knife POV

Dahil sa aming narinig na balita. Agad kaming nag tungo sa court upang sunduin sila Death at Blood.

Sa wakas... Makikita kong muli ang pinaka mamahal ko. Sobrang miss na miss ko siya kahit na nag tatampo ako sa kanya.

Demonyo ako pero pinag dasal ko na sana ayus lang siya. Na sana gabayan siya sa laro at wag pabayaan. Na sana maka balik siya dito samin ng buhay.

Madaming studyante ang agad na nakapunta sa court upang salubungin ang kanilang mga kaibigan.

Pagkarating namin don... Nakita namin ang apat na eroplano na papalapag na sa lapag.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at excited na kong makita at mahalikan ang kanyang labi.

Sobrang miss na miss ko ang Death ko.

Sa pinaka harap kami pumwesto para kung sakaling makalabas na sila Death at Blood sa Sasakyan nila ay agad kong susugurin ng yakap si Death.

Successful ang pagkakalapag ng eroplano at ilang minuto lang ay nag bukas na ang pinto ng apat na eroplano. Agad na nag silabasan ang mga studyante na naruon.

Nasan ka na Death? Sobrang miss na miss na kita.

Nakalabas na ang mga studyante na naka sakay sa Plane 1 pero walang death ang nandoon. Baka nasa plane 2?

Tinitigan ko ang mga bumababang studyante galing sa Plane 2 pero wala din siya don. Sa plane 3 siguro?

Muli ay pinag masdan ko ang mga studyanteng lumalabas sa plane 3 pero wala din si Death don. Nasa plane 4 siya sigurado ako jan dahil yan nalang ang eroplano na...

Napatigil ako ng makitang wala ng lumalabas na mga studyante mula sa plane 4.

"Nasan sila Death?" Tanong ni Poison at nilibot ang paningin.

Nilibot ko rin ang paningin ko dahil baka naka labas na si Death ng di lang namin namamalayan.

Nag simula ng bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa excited ako kundi dahil sa kinakabahan na ako.

Imposibleng wala sila Death at Blood jan sa apat na eroplano.

"Students" naagaw ang atensyon namin ng mag salita mula sa harapan si Admiral. Hindi ko tinignan si Admiral. Sa halip ay ginagala ko lang ang paningin ko sa buong area nag babakasakaling makita si Death.

'Baby.... Nasan ka na?' Tanong ko sa sarili ko.

"Meron akong... Mahalagang sasabihin sa inyo." Sabi ni Admiral kaya napa tingin na ko sa harap.

"Habang papunta kami sa lugar kung saan gaganapin ang laro ay.... May dalawang studyante ang nag wala at nag tangkang tumakas." Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"At dahil nilabag nila ang utos ko...napilitan kaming i access ang data ng kwintas na  suot ng dalawang studyante at yun ang tumapos sa buhay nilang dalawa." Naiyokom ko ang kamao ko at parang ayokong malaman kong sino ang dalawang tinutukoy ni admiral

"I'm sorry but... Death and Blood are gone"

.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

.
.

.

.

"Hindi namin alam kong nasan ang katawan nila dahil ng tumalon sila plane na sinasakyan nila ay saka nag access ang suot nilang data at ito..." Ipinakita nya samin ang isang device na may nakalagay na pangalan nila Death at Blood na may kulay Green at Access successful.

Hindi...

Baby...

"Sinungaling" wika ko sapat para marinig ng mga katabi ko.

"BUHAY PA SILA ALAM KO YAN!" sigaw ko at akmang susugurin si Admiral ng pigilan ako nila Bone at Gun.

"BITIWAN NIYO KO! NAG SISINUNGALING KA!" sigaw ko at tinuro si Admiral.

"Hindi pa patay si Death! Hindi niya gagawin yun hindi siya mamamatay!" Sigaw ko nag pilit na nag pupumiglas.

"Nasa loob lang sila ng eroplano na yan... Bitiwan niyo ko!" Sigaw ko at tinulak ng malakas sila Bone at Gun saka tumakbo palapit sa apat na eroplano para tignan kong nasa loob sila Death at Blood.

At halos mang hina ako at mawalan ng hininga ng halos lahat ng eroplano ay nahalughog ko na ngunit wala siya....

Wala ang babaeng mahal ko..

Hindi pwede to.

Agad na tumulo ang luha ko napa upo ng makalabas ako sa pinaka huling eroplano. Nakita kong nasakin lahat ang tingin ng mga tao. Nakita kong pinag mamasdan nila ako.

Death... Nasan ka.. Lumabas ka please hindi totoo na wala ka na alam ko yan...

Tinignan ko si Admiral at agad na tumayo saka nag lakad palapit kay Admiral. Ng nasa harap niya na ako... Lumuhod ako at  doon umiyak.

"Admiral.... Please... Pl-please ba-bawiin mo yung sinabi mo..." Umiiyak kong wika at tinignan si Admiral na walang expression ang mukha.

"Admiral... Nag mamakaawa ako... Bu-buhay pa sila ... Bu-buhay pa si Death di-diba?!" Umiiyak kong wika.

Tumingin siya sa mga taong nasa likod ko.

"Mag si balik na kayo sa mga hide out niyo.... Congratulations sa mga nanalo at... Condolence sa mga nawalan..." Wika ni Admiral at tinalikuran ako.

"ADMIRAL PLEASE...  BA-BAWIIN MO!" sigaw ko. Naramdaman kong may yumakap sa likod ko at alam kong si Danger yun.

Umiiyak din sya gaya ko.

Hindi. Alam kong buhay pa si Death nag bibiro lang si Admiral dahil may galit siya kay Death.

"Buhay pa siya di-diba Danger?" Umiiyak kong tanong ngunit hindi siya sumagot.

No...

Baby.... Baby nasan ka alam kong buhay ka. Baby.. Wag mo namang gawin sakin to hindi ko kaya.

Part ba to ng april fools day? Tangina Death nasan ka?

"Baby.... "

"Bone si... Si Death diba buhay siya?" Tanong ko at tumayo saka tinignan sila.

Umiiyak sila.

"BAT KAYO UMIIYAK?! WALANG NAMATAY HINDI SILA PATAY ALAM KO YAN KASI.... KASI NANGAKO PA SAKIN SI DEATH... NANGAKO PA SIYA NA... NA PAG NAKALABAS KAMI DITO.... PAPAKASALAN NIYA AKO... MAG..  MAG PAPAKASAL KAMI" Sigaw ko at  halos kapusin na ko ng hininga.

"HINDI SILA PATAY KAYA.. WAG KAYING UMIYAK!" sigaw ko at nag tuloy tuloy sa pag bagsak ang luha ko.

"Knife tama na... Namumula ka na pre" wika ni Bone at akmang lalapit sakin pero umiling ako at pinigilan sya.

"ba-baka nasa hide out niyo lang si Death Kill tara... Ti-titignan natin sa hi-hide out niyo... Baka... Baka nasa hide out niyo siya nagka salisi lang... Lang tayo" sabi ko at nag simulang mag lakad patungo sa hideout nila Death.

Hindi pwedeng mamatay si Death kasi... Kasi may... Pangako siya sakin.

Nangako siya

Baby please don't do this to me.
~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon