Danger POV
Pasado 10:30 PM na, ilang oras na ang nalalaan namin kaka upo dito sa isang tabi. Syempre asahan natin na wala dito si Death dahil kasama niya si Knife.
"Nasayang ang ilang oras natin para lang umupo dito sa gilid kaka abang na may mangyareng patayan." Napa tingin ako kay Kill na halata ang pagka boring sa mukha.
"Kung nag enjoy nalang tayo sana may pakinabang ang mga oras na nasayang." Sabat naman ni Poison na ngumunguya ng gum.
Tinignan ko sila.
"Alam mo Danger paranoid ka lang siguro" sabi ni Kill at tumayo.
"Hindi ko na kaya. Sobrang boring na." Dagdag niya.
"Teka Kill" pigil ni Bone pero hindi siya pinakinggan ni Kill. Akmang hahakbang na si Kill ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw sa venue. Automatikong umilaw ang mga gown na suot namin.
Glow in the dark shit alam ko na. Kaya kami pinasuot ng ganitong gown para madali kaming mahanap at matarget. Halos kaming tatlo lang ang umilaw ang gown ang ibang mga studyante na babae ay hindi umilaw ang gown. Sure ako pati kay Death umilaw din ang gown.
"Good evening students. Are you ready for fun?" Boses ni Admiral yun. Napatayo na kami ng may marinig kaming kalas ng mga baril.
"Trap." Bulong ko kay Blood na nasa tabi ko.
"Tayo ang punterya." Sabat ni Poison at nag labas na ng baril.
Napa lingon ako kila Kill na papalapit sa gawi namin."Hindi na ko natutuwa." Seryosong sabi ni Kill at nag simulang mag labas ng spada na naka tago sa gown niya.
Agad na nag pop up ang picture naming apat sa harap ng stage.
Hinanap ng aking mga mata kung nasan si Death pero hindi ko talaga siya makita. Sobrang dilim!"Isuot mo to." Agad na sinuot saakin ni Blood ang isang salamin. Night vision. Nakita kong binigyan niya ang mga kasama namin.
"Alam mo na may mangyayareng ganito?" Tanong ko.
"Simula pa nong nag announced sila. Halata naman eh." Sagot niya saka muling binalik ang paningin sa harap.
"For our first game." Putang ina mong admiral ka makalabas lang kami sa lugar mo lagot ka sakin. Nakita ko kung pano ngumisi si Admiral.
"Nakikita niyo naman siguro ang larawan sa inyong harapan. Yan ang grupong B4. Ang unang laro natin ay.... Hanapin niyo sila at patayin." Tangina.
"Madali nila tayong mahahanap glow in the dark ang gown natin!" Bulong ni Kill na naiirita.
"Problema ba yan? Eh di hubarin natin." Sabi ni Poison kaya napa tingin ang lahat sa kanya.
"What? Ano huhubarin nyo o mamamatay kayo ng dahil sa punyetang ilaw ng gown na to?" Tanong niya.
"Wala akong suot na short." Sabat ko
"Eh di mag panty ka joskopo tayo tayo lang makakakita niyan wala silang night vision." Sabi ni Kill na nag sisimula ng mag hubad.
"Pano sila?" Turo ko sa mga lalaking kasama namin.
"Don't mind us di naman kami tinitigasan." Sabi ni Gun na agad na binatukan ni Poison.
"Saka mo yan problemahin. Maghubad ka na bago pa nila masabi na glow in the dark ang gown natin." Sabi ni Kill na ngayun ay nahubad na ang gown.
"Mahahalata nila na hindi natin suot ang gown." Sabi ko. nakita ko ang pag ngisi ni Poison.
"Probelema ba yun? Eh di ipasuot natin sa iba " sabi niya at hinanda ang mga gagamitin niyang sandata. Muli akong lumingon sa harap kung saan nakatuon lahat ng atensyon ng studyante
"Ang kung sino mang makakapatay sa apat...papalayain ko at papalabasin sa lugar na ito." Natigilan kaming lahat at napatingin sa mga kasama naming lalaki.
Hindi ko alam pero may part sakin na agad na natakot sa sinabi ni Admiral.
What if masilaw sila Gun, Bone at Blood sa pabuya ni admiral? What if patayin nila kami. What if sila ang pumatay sa amin?Naramdaman kong ginawakan ni Blood ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
"Nag aalala ka ba baka masilaw kami sa pabuya ni admiral?" Tanong niya. Hindi ako naka sagot.
"Kung nag aalala ka ng dahil don.." May kinuha siya sa likod niya at binigay sakin. Yung dala niyang spada. "Patayin mo na ako." Sabi niya dahilan para kumunot ang nuo ko. "Hindi ko kayang patayin ang babaeng mahal ko para lang maka labas sa lugar na ito." Sabi niya dahilan para maluha ako.
Ewan ko pero agad ko siyang niyakap at sa kanya umiyak.
"Mag hubad ka na ng gown Danger. Baka mamaya masabi nila na glow in the dark ang suot niyo mahahalata na nila." Sabi niya kaya agad akong kumalas sa yakap at nag simulang tanggalin ang gown ko.
Naka rinig ako ng isang tili malapit sa amin kaya napa tingin ako don at nakita ko si Poison na hila hila ang isang katawan ng patay na babae habang si Kill naman ay isinusuot ang kanyang gown sa babaeng may tama na din.
Napa tingin ako kay Blood na kinuha ang spada niya at lumapit sa isang babae saka sinaksak. Agad niyang sinalo ang katawan ng babae at hinala papunta sakin.
"Isuot mo sa kanya yung gown mo." Sabi ni Blood at pinaupo sa upuan ang katawan ng babae. Sinimulan ko ng isuot sa babae ang gown ko. Tinulungan naman ako ni Blood sa pag suot ng gown sa babae.
"Sila Death. Kailangan natin silang mahanap." Sabi ni Blood kaya napatingin ako sa kanya.
"Baka kung anong mangyare sa kapatid ko." Sabi niya.
Napa tingin ako sa mga kasama namin na handa na ang mga gamit.
Sabay sabay kaming tumango at akmang mag lalakad na ng mag salita si admiral.
"Ang unang laro ay mag tatagal hanggang 11:11 PM kapag kayo ay nabigo sampo sa inyo ang aking papatayin. Upang mapadali ang inyong trabaho.... Ang apat ay naka suot ng glow in the dark na gown." Sabi ni Admiral kaya agad na kaming umalis sa lugar kung saan iniwan namin ang tatlong babae na naka suot ng gown namin.
"Ayun sila!" Sigaw ng isa sa malapit samin habang naka turo sa dereksyon kung saan naka upo ang tatlong babae na naka suot ng gown namin.
"Pinapaalala ko ang ang B4 ay may karapatan ding pumatay kaya... Good luck. Your time starts now."
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...