Poison POV
Isang lingo na ang nakalipas, Magaling na si Danger at si Kill... Medyo bumabalik na sya sa dati.
Nakakusap na din namin si Kill hindi gaya nong dati na parang hangin ang putang ina.
Sila Bone,Gun at Knife ang madalas naming kasama at tinulungan pa nila kami para makalimutan ni Kill ang nangyari sa kapatid nya
Ito din isa pa tong Knife na ito. Kung dati na sobrang energetic at halos saniban ng sampong uod sa katawan eh biglang naging tahimik. Kakausapin ka lang niya pag may kaylangan siya sayo o di kaya kinakausap mo sya
Sa tingin namin nag tatampo si Knife kay Death. Di daw kasi nag paalam si Death kay Knife at ang tanging naiwan lang daw kay Knife is yung picture nila nong bloody ball may sulat daw yun sa likod na di sinabi samin ni Knife.
"Guys ang boring." Sabi ni Gun
"Pakamatay ka." Wika ni Danger at inirapan siya.
"Gago ka ba? Ehdi umiyak si Poison pag ginawa ko yun." Natatawang wika ni Gun dahilan para tignan ko siya ng masama.
"Anong magandang gawin?" Tanong naman ni Bone.
"Matulog." Sagot ni Knife at ipinikit ang mata.
Nandito kami ngayun sa hide out namin. Lagi silang napunta dito para i check kami.
"Tulog ulol di ka naman antokin hayop ka." Sabi ni Gun at binatukan si Knife.
"Babalik din yung mga yun" sabi naman ni Bone na kumakain ng popcorn
"Miss ko na siya." Sabi ni Knife at huminga ng malalim.
"Miss ka ba?" Sabay sabay naming tanong dahilan para matawa kami ng makita kung pano mayamot ang mukha niya
"Syempre mamimiss ka non abnormal yun eh." Sabi ko saka tumingin kay Kill na natutulog sa tabi ni Bone. Bali naka sandal si Kill sa balikat ni Bone samantalang si Bone naman naka akbay sa kanya.
"Woi kelan mo ba popurmahan yan?" Tanong ko kay Bone saka ninguso si Kill na tulog
"Ulol mag kaibigan lang kami nento." Sagot niya at hinaplos ang buhok ni Kill
Sabay sabay kaming nag taas ng middle finger kay Bone.
"Pakyu!" Sabay naming wika dahilan para gumalaw si Kill at tignan kami ng masama ni Bone. Nag patuloy lang siya sa pag haplos sa buhok ni Kill hanggang sa makatulog ito muli.
"Alam niyo ayus din no." Sabi ko saka ngumiti. "Lahat tayo may love life" sabi ko at natawa.
"Si Knife kay Death. Ako kay Gun. Si Kill kay Bone. Ikaw Danger kay Blood ka nalang." Sabi ko na nag papula sa kanya kaya natawa kami.
"Woi si Danger namumula!" Asar ni Gun
"Miss mo na si Blood no?" Tanong ko at ngumisi.
"Ayus napag kaisahan ako." Bulong niya at sinamaan kami ng tingin.
"Laro tayo! Tutal tayo tayo lang naman dito eh. Sasabihin natin yung tinatago nating sikreto." Suhistyon ni Bone na sinang ayunan naming lahat maliban kay Danger na tahimik lang.
"Mag simula tayo kay Knife." Sabi ni Gun kaya napatingin kaming lahat kay Knife na biglang ngumiti. Yung ngiting parang walang pinag dadaanan na problema.
"Sekreto ko?... Hm... Kami na ni Death." Sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata namin
"Seryoso?!" Sabay sabay naming tanong.
" kelan pa?!"napatingin kami kay Kill na gising na pala
"Nong matapos yung Blood ball.. Nag kita kami don sa may narra. Don niya ko sinagot at don kami natulog kaso pag gising ko wala na siya." Biglang sumimangot ang mukha niya sa huling sinabi.
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...