Kill POV
Kinabukasan
"Wala pa ba sila Gun?" Tanong ni Poison sakin. Tumingin ako sa orasan.
"Wala pa." Sagot ko saka tumingin kay Poison.
"Napaka tagal naman nila. " wika niya saka umupo sa sofa. Sinilip ko muna si Knife sa kwarto ni Death. As usual naka tunganga nanaman siya don habang pinag mamasdan ang larawan nila.
"Wala bang progress sa buhay yang si knife? Di ba siya nag sasawang pag masdan ang larawan nila?" Tanong sakin ni Poison. Nilingon ko siya saka pinandilatan.
"Wag mo nalang paki alaman" sabi ko saka umupo sa tabi niya.
"We're back!" Sabay sabay kaming napa tingin sa pintuan mula don nakita namin sila Gun ay Bone na may dalang mga supot ng pagkain.
Ganyan ang set up lagi... Sila ang lumalabas para kumuha ng pagkain at kami ni Knife i mean ako lang pala ang taga bantay.
Sobrang iniingat ingatan namin si Poison lalo na't medyo malaki na din ang tyan niya.
Kambal siguro yan dang laki eh.
"Kain na tayo" yaya ko matapos kong ihanda ang mga dala nilang pagkain. Agad naman silang nag sipuntahan sa mesa. Lumabas na din si Knife sa kwarto ni Death.
Nag simula kaming kumain. Tahimik lang kami. Walang may nangahas na mag ingay.
Sa kalagitnaan ng pag kain namin. Natahimik kami ng mag bukas ang speaker sa hide out namin.
May announcement.
"Hell Day everyone... Its me admiral... Lahat ng studyante ng UGS ay inuutusang mag tungo sa court. Ngayun na." Nag katinginan kami maliban kay Poison na kain ng kain lang.
"Lason ko... Pupunta daw tayo sa court." Sabi ni Gun kay Poison.
"Tangina di pa ko tapos kumain eh." Wika ni Poison at kinain ang isang somai saka tumayo.
"Suotin mo to." Sabi ni Gun at ibinigay ang isang balabal kay Poison. Sinuot naman yun ni Poison.
"Mag dala na din kayo ng mga armas niyo para safe." Sabi ni Bone na nag kakasa ng baril.
Tama siya. Agad kong kinuha ang isang maliit na kutsilyo dalawang baril saka isang blade.
Ng nakahanda na ang lahat pinihit na ni Knife ang pintuan.
"Nag kakagulo sa labas" wika ni Knife kaya kumunot ang nuo namin at sumilip sa pinto. Nag tatakbuhan papunta sa court ang mga studyante... Bakit?
"Mag ingat tayo... Kill sa gilid ka ni Poison.. Knife sa kabilang gilid ka Gun sa unahan ka ako dito sa likod." Wika ni Bone. Sinunod namin sya.
Napapagitnaan namin si Poison para masiguradong ayus sya.
"Tangina daig ko pa artis ah." Wika ni Poison. Tinignan lang sya ng masama ni Gun saka nag patuloy sa pag lalakad.
Naka rating na kami sa court. Nakita naming nasa harap si Admiral kasama si Danger at si Bold?
"Sa harapan tayo." Sabi ni Poison kaya agad kaming nag tungo sa harapan.
Pinag masdan ko si Danger.
Anong meron?"Wala talagang maidulot na matino si Bold." Bulong ni Poison.
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...