Death POV
Pinag mamasdan kong matulog sa aking tabi ang lalaking pinaka mamahal ko. Ang lalaking nag mulat ng aking mga mata at ang lalaking binago ang pananaw ko.
Hinawi ko ang buhok na humaharang sa kanyang mata saka muli siyang pinagmasdan.
"Sa oras na... Maging maayus na ang lahat. Pinapangako ko sayo... Hinding hindi kita iiwan." Sabi ko at dahan dahang inalis ang kamay niyang naka palibot saking katawan.
Ng maalis ko na ang kanyang kamay. Dahan dahan kong kinuha ang larawan na inipit ko sa bra ko. Oo iningatan ko talaga yan. Dalawa yan kaya yung isa ibibigay ko sa kanya.
Tinignan ko kung saan sa dalawa ang may sulat sa likod. Agad kong kinuha ang isa ng makita ko kung saan ang dalawa ang may sulat saka dahan dahang inilagay sa kamay niya.
Pinahid ko ang luhamg tumulo saking mga mata saka dahan dahang hinalikan ang kanyang nuo.
"Hanggang sa muli." Sabi ko at dahan dahang tumayo saka nag lakad palayo sa kanya.
Tinignan ko ang relo saking kamay at nakitang 2:45 am na. Agad akong nag tungo sa hide out namin saka ginawa ang isang plano ko. Ang turukan ng chemical si Danger para magkaruon siya ng sakit.
Pero bago yun.. Nag tungo muna ako sa main building kung saan nakalagay ang kwintas na ipapasuot samin bukas.
Bawat kwintas ay may pangalan. Dahan dahan kong kinuha ang kwintas na may pangalang Danger at Blood at pinalitan ng isang kwintas na hawig sa kwintas na dinesenyo para patayin ang mga tatakas.
Hindi agad nila mapapansin ang pagkakaiba ng kwintas na gagamitin ko at ni Blood sa ibang kwintas na gagamitin ng ilan dahil ang kwintas na ito ay nakuha ko mula sa stock room ng school kung saan nilalagay ang mga sirang gamit. At itong kwintas na ipapalit ko ay sira na at hindi naka base sa data.
Ng mapalitan ko na ang kwintas dahan dahan akong lumabas sa building. Ang maganda lang sa naging unang plano ko ay... Walang cctv o security system na naka palibot sa building kung saan nakalagay ang mga kwintas.
Kung hindi ba naman sila mga bobo.
Blood POV
5:30 AM
Oras na para mag handa para sa gaganaping laro sa labas. Agad akong bumangon mula sa higaan ko at lumabas sa kwarto ko. Chineck ko pa isa isa ang kwarto ng mga kasama ko at puro sila mga tulog maliban sa isa.
Wala sa kwarto nya si Knife. Baka maagang nagising?
Hindi ko nalang pinansin yun dahil ngayun gaganapin ang laro at ngayung araw ding ito gagawin namin ang plano ni Death oo ng kapatid ko.
Kinausap niya ko kahapon para sabihing siya ang makakapareha ko. Sinabi nya sakin lahat lahat ng gagawin nya. Nong una ay di ako pumayag pero ng medyo nakakahalata na si Death na puro Danger ang lumalabas sa bibig ko ay pumayag na ako.
6 ang alis ng sasakyan namin. Kalkulado ng kapatid ko lahat at ang sabi niya sakin. Napalitan niya na ang mga susuotin naming kwintas.
Kinuha ko ang bag ko at nilagay don ang isang parachute na ibinigay sakin ni Death at isang maliit na kutsilyo nag lagay din ako ng ilang device na ibinigay sakin ni Death.
Ng maayus ko na ang lahat. Kumuha lang ako ng isang prutas sa ref at yun ang kinain bago lumabas sa hide out namin ay nag iwan na ko ng note para sa mga tropa ko.
Pag kalabas ko ng hide out namin agad mg sumalubong sakin si Death na walang expression. Blangko lamang siya habang suot ang bag at itim na damit.
"Tara na?" Tanong ko.
"Handa na ang lahat. Naka base na satin ang mga plano." Sabi niya at nag simulang mag lakad. Agad akong pumantay sa kanyang linya saka sinabayan siya.
"Wala ka ng nakalimutan?" Tanong ko.
" si Knife nalang ang nakalimutan ko." Sagot niya.
Natamaan na ang lintek.
Ng makarating kami sa area kung saan mag kikita kita ang mga representative agad na kinausap ni Death su Admiral at sinabing siya ang papalit kay Danger dahil may sakit si Danger. Sa una ay hindi kumbinsido si Admiral pero ng ipa check niya sa assistant niya si Danger at sinabing may sakit nga ito ay walang ibang nagawa si Admiral kundi ang pumayag.
"Isuot niyo na ang mga kwintas niyo bago kayo pumasok sa plane."wika ni Admiral.
Agad na nag tungo si Death sa lalagyan ng mga kwintas at hinanap ang pangalan ni Danger. Bago niya isuot ang kwintas ay tinignan nya ko saka tinanguan.
Ng masuot niya na ang kwintas ay walang pasabing sumakay na siya sa plane.
Bale apat na plane ang mag hahatid samin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang laro.
Ang plane ay may kakayahang mag sakay ng 10 tao
Bale 40 kaming lahat kasama na ang dalawang gwardya na mag babantay samin sa plane.Napag usapan na namin ni Death kung saang eksaktong tatakas at kung pano tumakas.
Ng maka pasok na kami sa plane.
Agad na tumunog ang speaker.
"The Data and security is on. We're about to fly so stand by"
Nag katinginan kami ni Death pero walang nag bago sa kanyang expression.
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...