Chapter 17

1K 37 6
                                    

Kill POV

Masaya ako dahil bati bati na kaming apat ulit.
Unang beses lang mag handa si Danger ng ganito kaya naman sobrang nagulat kami ni Poison.

Sa totoo lang nag tatampo ako kay Danger dahil sa mga salitang nabitawan niya. Pero ng makita ko lahat ng effort niya talaga namang nawala ang tampo ko at napalitan ng admire.

Hindi ko alam na ganon pala talaga kagaling si Danger, sobrang sarap niya mag luto.

Kung pwede lang sana na araw araw aawayin namin si Danger para ipag luto kami gagawin ko eh hahahaha

"Attention everyone. Lahat ay mag punta sa Court ngayun na.
Again, lahat ay mag punta sa court thank u"

Nag katinginan kaming apat.

"Bakit naman kaya?" Tanong ko.

"Tangina di pa nga ako tapos kumain." Sabi ni Poison at humigop ng sabaw

"Tara" sabi ni Death at tumayo saka naunang lumabas samin. Agad naman kaming sumunod kay Death.

Habang nag lalakad kami ay nakita ko ang grupo nila Blood na nag lalakad din patungo sa court. Nakita ko pa ang pag tingin ni Gun kay Poison kaya napa tingin ako kay Poison na parang hindi alam ang nangyayare.

Ng makapunta na kami sa court ay pumwesto agad kami sa pinaka harap katabi ng grupo nila Blood. Umupo kami sa upuan namin at napatingin ako sa grupo nila Blood.

Nahuli ko nanaman ang tingin ni Gun kay Poison. Sobrang lungkot ng kanyang mga mata.

"Ano bang meron sa inyo ni Gun?" Tanong ko kay Poison. Napa tingin siya sakin at saka tumingin kay Gun ngumisi siya at umiling.

"Malay ko jan." Sagot niya at pinalobo ang gum na nasa bibig.

"Kanina pa siya tingin ng tingin sayo." Sabi ko.

"Baka nainggit sa ganda ko? Alam mo naman ang gagong ako sobrang dyosa." Sabi niya at tumingin sa harap.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Sabi ni Head admiral.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. " sabi ni head admiral at tumingin sa grupo namin.

"May isang studyante ang nakapag sumbong saamin na may narinig siyang pangalan."

Poison POV

Halos buhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.

"Ang sabi niya nasa gym daw ang dalawa at nag uusap ng bigla nalang daw tawagin ng lalaki ang pangalan ng babae."

Tangina!

Nag umpisa ng mag bulong bulungan

"Sigurado akong papahirapan yan."

"Sino kaya yun?"

"Mapupunta yan sa Hell vain."

"Excited na kong malaman kung sino yun."

Napalunok ako at agad na kinabahan.

"Poison ayus ka lang?"napatingin ako kay Kill na naka tingin sakin. Sa gilid niya ay naka tingin din sakin sila Death at Danger.

" o-oo" sagot ko at muling ibinaling sa harap ang paningin ko.

Tangina, maliban samin.... May iba pang nandoon?

"Tatawagin ko ang dalawang taong nag uusap sa gym at ang taong naka rinig ng pangalan.... Lilitisin natin sila at kapag napa tunayan na totoong pangalan niya ang narinig ay papatayin ang nag mamay ari ng pangalan." Sabi ni Head admin dahilan para mas lalo akong kabahan

Napa tingin ako kay Gun na naka tingin sakin at halatang natatakot.

"Gun" tawag ni Admiral nag simula ng mag bulungan. Lahat ay nabaling ang atensyon kay Gun.

Pati ang mga kagrupo niya ay nagulat.

Nag lakad si Gun papunta sa harap saka tumingin sa akin. Tumingin ako sa mga mata nya na humihingi ng tawad.

"69" napatingin ang lahat sa grupo jila Porn. Naka ngising nag lakad si 69 papunta sa harap habang naka tingin sakin.

"Bakit naka tingin si 69 sayo?" Tanong ni Danger sakin. Hindi ko siya sinagot.

"Poison." Para akong nabingi. Nakita ko kung pano magulat ang tatlo. Tinignan ko lang sila at maluha luhang ngumiti sa kanila. Naka yuko akong nag lakad papunta sa harap.

Ng mapunta na ako sa harap. Nakita ko ang mga samu't saring expression sa mukha ng lahat.

"Ang sabi ni 69, naririnig niya daw kayong nag uusap ni Poison sa Gym at niyakap mo pa daw si Poison....totoo ba yun?"tanong ni admiral

Tumingin sakin si Gun.

" oo"sagot niya. Umiwas ako ng tingin at agad na nag landas ang aking mga luha
Tangina bat ako natatakot?

"Bakit mo siya niyakap?"tanong ni Admiral.
Naka tingin lang sa akin si Gun.

" humingi ako ng tawad sa kanya."sagot ni Gun.

"Tawad? Bakit ano bang nagawa mo para humingi ka ng tawad?"tanong ni admiral

" sinaktan ko siya"sabi niya kaya napa pikit ako. Muli kong binuksan ang aking mga mata kasabay non ang mga bulung bulungan. Tumango tango si Admiral at humarap kay 69

"Anong narinig mo?" Tanong ni Admiral.

Naka ngising tumingin sakin si 69

"Narinig kong tinawag ni Gun ang tunay na pangalan ni Poison"sagot ni 69.

Napa singhap ang lahat.
At tumingin sa akin.

" anong pangalan ang kanyang binanggit?"tanong ni Admiral.

Ngumisi muna si 69 at nag salita

"Tinawag ni Gun si Poison na.... Shasia" sagot ni 69 dahilan para matigilan ako.

Tangina? Hahahahahahahahahaha
Taas nuong tumingin sakin si 69 at ngumisi na para bang nag tagumpay siya.
Narinig ko ang mga bulong bulungan tungkol sa pangalang binanggit ni 69.

Sinenyasan ni admiral ang assistant niya para i confirm kung tama ba ang binigay ni 69 na pangalan.

Natawa ako sa isip ko. Napa tingin pa ako kay Gun na natatawa din pero hindi pinapahalata.

Tangina i salute to this bitch bwahahahaha

Mananalangin na sana ako eh kaso naudlot pa hahahaha

Lumapit ang assistant ni admiral sa kanya at may binulong bahagyang natawa si admiral at tumango.

"Ngayun... Napag desisyon na... Si Poison na tinawag ni Gun bilang SHASIA ay..." Tumigil si Admiral at tumingin sa akin.

" inosente." Dagdag ni admiral dahilan para magulat ang lahat. Maging si 69 ay namutla at napa tingin sa akin. Ngumisi lang ako.

"Hindi Shasia ang pangalan ni Poison.... Bilang kaparusahan sa pag bibintang na ginawa ni 69 kay Poison... Hahatulan si 69 ng kamatayan sa pamamagitan ng pag inom ng lason." Sabi ni Admiral at saka tumalikod.

"SAGLIT LANG! TOTOO ANG SINABI KO! TINAWAG NI GUN SI POISON NA SHASIA!" sigaw ni 69.

Umakyat sa stage ang kasamahan ni 69 at kinausap si admiral lumapit din sa akin ang mga kaibigan ko na natatawa.

"Anong kalokohan ba ang pumasok sa utak niya?" Natatawang tanong ni Kill habang naka tingin kay 69 na nilalagyan ng posas.

"Ewan" sagot ko at napa tingin sa dereksyon ni Gun na naka ngiti habang naka tingin sakin

Inirapan ko lang siya at itinuon ang atensyon ko sa mga kaibigan ko.

"Mag uusap tayo." Sabi ni Death at tumalikod.

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon