Chapter 46

901 26 5
                                    

Kill  POV

Dalawa.... Dalawang buwan na ang nakalipas nang mabalitaan naming patay na sila Death at Blood.

Dalawang buwan na din ang lumipas ng kumalas sa grupo namin si Danger.
Minsan minsan ay nakaka salubong namin si Danger.

Nag iba na siya.

Mula sa itim at mahaba niyang buhay ay naging kulay gray ito at umiksi. May piercing na din siya at sobrang cold ng awra.

Wala naman siyang kasamang ibang tao. Loner siya pero kinakatakutan parin siya ng ilan.

Usap usapan parin ang pag kalas ni Danger samin dahil nga sa napapansin ng lahat na hindi ito sumasabay samin.

Dalawang buwan na ang lumipas at si Knife nanatiling tulala at laging nag kukulong sa kwarto ni Death.
Lalabas lang siya pag kakain siya o kung trip niya.

Dalawang buwan na ang lumipas at lumalaki na ang tyan ni Poison. Hindi dapat malaman ng iba na buntis si Poison dahil baka isumbong nila kay Admiral at baka ipapatay si Poison.

Sa loob ng dalawang buwan ang daming nag bago simula ng mawala si Death at Blood.

Sa loob ng dalawang buwan nanahimik ang highest supreme maging si Admiral. Wala silang pinapalaro samin o pinapagawa. Nag labas pa nga sila mg pansamantalang patakaran na sa loob ng isang buwan ay walang magaganap na patayan.
Tapos na ang buwan na ibinigay nila pero tahimik parin sila.

Sa loob ng dalawang buwan binubwisit din kami nila Bold at Porn. Kung ano anong mapang husga at mapang lait na salita ang kanilang mga sinasabi samin. Kung hindi lang pinalabas ang isang buwang di pag patay ay baka wala na ang dalawa.

Gusto ko silang patayin dahil sa pinapaalala nila samin si Death at Blood. Nakaka inis dahil hanggang salita lang muna kami sa ngayun. Nag iingat kaming hindi nila malaman ang tungkol sa sitwasyon ni Poison.

Sa loob ng dalawang buwan sinusubukan naming bumuo ng plano. Plano kung pano kami makakalabas sa lugar na ito. Plano kung pano ako makakapag higanti sa pumaslang sa kapatid ko.

At sasabihin ko.... Unti unti ng nawawala ang pag asa para samin. Lalo na kay Poison.

Natatakot kaming baka dumating ang araw at malaman ni admiral ang tungkol sa kalagayan ni Poison.

"Kill." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Bone.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Nandito kasi ako sa ilalim ng narra.

"Nag papahangin at nag mumuni muni." Sagot ko.

"Pwedeng tumabi?" Tanong niya. Tinignan ko lang siya saka tumango.

"Kumusta na kaya siya." Banggit ko kay Danger habang naka tingin sa malayo.

"Sa palagay ko..... Ayus lang naman siya. Nag iba na siya." Sagot niya. Napa buntong hininga ako.

"Na guguilty ako." Wika ko.

"Kung hindi ko siguro sinabi yung mga yun siguro... Nasa amin pa si Danger ngayun... Siguro kasama pa namin si Danger ngayun." Dagdag ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo.. Siya ang nag desisyon kaya siya ang may gusto wala kang kasalanan." Sabi ni Bone. Tinitigan ko sya

"Alam mo.... Nanaginip ako." Kwento ko  saka humiga sa damuhan

"Sa panaginip ko... Nakikita ko kung pano ikasal si Poison at Gun... Sobrang saya nilang tignan at panuorin lalo na't naisilang na ni Poison ang unang anak nila ni Gun. Sa panaginip ko... Kumpleto kami... Kompleto ang B4." Sabi ko at saka tumulo ang luha ko.

"Sa panaginip ko... Alam na natin ang pangalan ng isa't isa... Hindi na tayo nag tatago sa mga codename natin at... Malaya na tayong lahat." Sabi ko. Naramdaman ko ang pag higa nya sa tabi ko.

"Kaso wala na eh.... Nalagas na ang isa samin tinalikuran na din kami ni Danger."

"May mga bagay na sadyang di talaga nakatadhanang mangyare." Wika niya kaya napatingin ako sa kanya

"Ikaw ba Bone.... Ni minsan ba sa buhay mo  hindi ka nasaktan?" Tanong ko. Natawa siya sa tanong ko.

"Syempre nasaktan na ko no nong araw na nag patuli ako." Sabi niya dahilan para matawa ako.

Buset. Napaka galing bumasag ng dramatic atmosphere nitong si Bone.

"Anong pangarap mo?" Tanong niya bigla kaya napa tingin ako sa kanya.

"Pangarap ko? Hmm... Simple lang... Maging isang sikat na Model." Sagot ko saka tumingin sa kanya.

"Ikaw?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"Maging akin ka."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Maging akin ka."

"Maging akin ka."

"Maging akin ka."

"Joke lang nag prapractice lang para kung sakaling makaharap ko na yung babaeng para sakin meron akong masabi hahaha." Sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Maging matandang binata ka sana." Bulong ko

"Hoi narinig ko yun." Sabi niya.

"Oh ano ngayun?" Tanong ko

"Alam ko namang iiyak ka pag naging matandang binata ako." Proud na proud nyang sabi.

"Napaka kapal naman ng mukha mo. Sa panget mong yan iiyakan kita? Bakit sino ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Future husband mo." Sagot niya kaya natigilan ako.

Tangina isa pa Bone sasakalin na talaga kita.

"Oh bat ka natahimik?" Tanong niya.

"Abnormal." Bulong ko nalang at natawa.

"Haha ayan napatawa na kita." Sabi niya saka bumangon. "Sa susunod wag kang mag dradrama ha bagay sayo maging kontra bida Hindi maging bida bida."sabi niya saka pinisil ang pisngi ko.

Shocks ano ba kasi Bone pag ako nadulas at naaming crush kita baka mahimatay ka
Charot lang di ko yun crush. Abnormal yan -,-

Porn POV

" gotcha..." Bulong ko ng malaman ko kung ano ang real name ni Admiral.

Tumingin ako kay Bold na naka ngisi din.

"Success." Sabay naming sabi saka nag apir. Agad naming pinatay ang assistant ni Admiral at iniwan itong duguan sa likod ng building kung saan walang masyadong nag tutungong studyante.

"Tara bumalik na tayo sa Hideout" wika ng kasama ko. Tumango ako at nag simulang mag lakad

Unting tiis nalang.... Makakalaya na kaming lahat.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Badass Demon GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon