3rd Person POV
Nag simula ng magka gulo sa loob ng UGS. Madaming studyante ang natuwa at nagka ruon ng pag asa na makakatakas sila at makakalaya sa lugar na iyon.
Madami din ang nagulat ng makita nila si Death at Blood na ang buong akala nila ay Patay na. Isa na sa mga nagulat ang mga kaibigan ng dalawa.
Hindi sila maka paniwal sa mga nasaksihan.
Sampong helicopter ng mga sundalo ang dumating hindi lang yun dahil kasama nila ang 100 mga pulis. May mga war truck pang dala ang ilang sundalo. Nag tawag na din si Blood ng mga gang kung saan kasali siya. Samantalang si Death naman ay sinama ang presedente ng Pilipinas.
"Manatiling alerto, nakaka sigurado kaming may mga kasama tong si Amethyst" pag raradyo ni Death kay Blood na nakasakay sa war truck.
"Nakikita mo ba si Danger? Paki sabi naman mahal na mahal ko siya." Sabi ni Blood. Tumingin si Death kay Danger na naka tulalang naka tingin sa kanya.
"Mahal ka daw ni Silver." Sabi ni Death saka binaling ang paningin sa harap.
"Itaas mo ang kamay mo." Utos ni Death kay Amethyst.
Dahan dahang itinaas ni Amethyst ang kamay niya agad namang kinuha ni Death ang hawak ni Amethyst na baril.
"Biruin mong takas ka pala sa mental." Sabi ni Death kay Amethyst. Hindi kumibo si Amethyst. Muling nag radyo si Death kila Blood.
"Papuntahin mo ang ilang rescuer dito. Sabihin mong kumpisin ng mga polis ang mga sandata ng lahat ng naririto at palabasin na sila." Wika ni Death.
"Copy."
Agad na nilagyan ng posas ni Death ang Kamay ni Amethyst.
May tatlong sundalo ang lumapit sa kanila saka kinuha si Amethyst.
"Baby..." Napatigil si Death sa kinatatayuan niya ng marinig ang boses ni Knife na nasa likod niya. Dahan dahang lumingon si Death sa likod niya. Mula don nakita niya si Knife na nakangiti ngunit may luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.
"Baby..." Wika ni Death. Akmang lalapit na siya kay Knife para yakapin ng mapatigil sila sa narinig na pag sabog.
*boooghssss
Napalingon sila sa isang mataas na pader ng may mag pasabog don.
"May mga terorista!" Sigaw ng isang sundalo.
"Posisyon!"
"Nakatakas ang suspect!"
"Tangin." Mura ni Death saka tumingin kay Knife.
"Lumabas na kayo... Isama mo sila Poison."sabi ni Death kaya napa iling si Knife.
"No...baby hindi kita iiwan.."
"Please lumabas na kayo babalik din ako--"
"HINDI AYOKO! DI KITA IIWAN!" Sigaw ni Knife huminga ng malalim si Death saka hinatak si Knife at hinalikan sa labi. Ilang minuto pa ang lumipas ng kumalas na si Death.
"Ito ang deal... Ilabas mo sila Poison dito--'
" sa tingin mo papayag kami?" Napa tingin si Death sa nag salita.
Sila Poison. Nasa likod nila ang mga natitirang studyante ng UGS.
" ang laban mo ay laban din namin..... Lalaban kami, tayo para sa kalayaan ng lahat."sabi ni Kill na sinang ayunan ng mga studyante.
"Hindi kami papayag na mag isa ka lang lalaban"
"Tama...ang laban mo ay laban din namin!"
"Hindu ka namin iiwan dito ng mag isang lumalaban!"
BINABASA MO ANG
Badass Demon Gangsters
Action|Complete| Sino sila? Sila ang B4 (Badass 4) Ang B4 ay binubuo ng apat na myembro sila Kill,Death,Poison at Danger Badass 4 kilala sa buong UGS kinatatakutan ng karamihan kinaiinisan ng mga abnormal #180 in Action (october 25 2018 ) Finished: apri...