Simula

3.9K 212 142
                                    

Simula

"EL, is everything ready for tomorrow?" si Nanay nang makapasok siya sa kuwarto namin.

Nakikipag-video call ako pero agad kong tinapos nung makapasok siya ng kuwarto, walang katok katok!

"Everything's ready Nay!" I smiled, "Why all the worry though? Parang hindi kana nasanay eh no?" natawa ako as I face Nanay at napabangon na rin sa kama.

Bakasyon na namin ngayon at ako heto, mag sisimula na ang istorya ng bakasyon ko na gaganapin kasama si Nana. Wala si Tatay Mario, pinatawag kasi si Tatay sa Germany at ayun, sinamahan siya ni Tatay Mario.

Ang ending? Ako sasama kay Nana habang wala siyang makakasama sa bahay nila. Ewan ko ba kay Nana at gusto niya na lang tumira doon muna sa kanila at may mga aso't pusa daw kasi na maiiwan eh puwede sana siya dito na lang sa bahay. Pero ayun nga, nag-iinarte si Nana at sabi ni Nanay, matanda na si Nana kaya kailangan pagbigyan! Heto, bilang isang butihing anak, ako ang sasama kay Nana dahil nga naman bakasyon. Gustong-gusto rin ni Nanay ang set up dahil sa malayo sa city ang bahay nila Nana ngayon, pahirapan kung gigimik. Para tuloy akong na rehab.

Tss.

Ang sabi naman ni Tatay, mga 2 weeks lang sila doon sa Germany kaya pumayag na rin lang ako para naman hindi na rin malungkot si Nana. Alam niyo na, madrama na rin talaga kapag matanda na. She's in her nearing 70 phase kaya wala akong magawa.

Well, okay lang naman ako na kasama si Nana eh. Actually, close ako sa kanila ni Tatay Mario. Halos sila na rin talaga nagpalaki sa akin lalo na't alam niyo na ang sitwasyon ng NayTay noon. Bata pa sila nung nagkapamilya at talagang masisipag kaya kinailangang gabayan lalo na't magkasunod kami ni Eero at may sakit si Kuya. Basically, growing up, si Nana ang umalalay sa akin samantalang kay Eero naman, si Lola Ney. All these dahil nga may sakit si Kuya, kailangan niya ng atensyon nila NayTay and we understand it naman.

"EL, promise me, na hindi ka magiging sakit ng ulo kay Nana ha? Show me your mature side lalo na at mag cocollege kana. While you're there, gusto ko pag-isipan mong mabuti ang kukunin mo sa college, Okay? Gusto ko, iyong mga pangarap niyo at iyong gusto niyo talaga. NayTay will support whatever it is basta alam namin na hindi niyo ikakapahamak, okay?" anito.

"I'll be fine, Nay! And don't worry, pag-iisipan ko iyon! Pero later na Nay ha? Kakasimula pa lang ng bakasyon! Still have less than 2 months to decide!" ngising sabi ko and Nanay's smiling with her relieved face.

"That's good! Osya sige--"

"Nay wait!" I said at napahinto naman si Nanay na dapat paalis na.

"What is it?" at alam ko, sa kung paano niya pa lang ako tingnan ngayon, may hinala na siya. "Diba nga maaga kayo ni Nana bukas?!"

"Nay, please? It's a party before summer actually begins. Isa pa, reward na dahil sa pagsama ko kay Nana! Promise we'll get home before midnight! Please, Nay!" pagsusumamo ko na tsempo naman ang pag pasok ni Eero sa kuwarto.

"At aba, malakas talaga radar nitong isa oh!" si Nanay and she meant Eero.

Geez. Mediyo malayo sa sibilisasyon ang tirahan nila Nana kaya for sure, ang tanging reason lang ni Nanay kaya ako pinadala kasama si Nana ay para ma-rehab ako kakalakwatsa! Sayang nga eh pero alangan naman suwayin ko utos ni Nanay? Edi masamang anak pa ako niyan!

Ay tangna, nag effort talaga akong magpaliwanag eh!

Ako nga pala si Elliot, EL nalang for short. Pangalawa ako sa mga anak ng NayTay, istorya ko na ito kaya mag move on na kayo sa Kuya ko kasi taken na iyon.

Napaismid ako.

Sabagay, marami naman talagang mas prefer ang Kuya ko as girl's perfect prince charming pero huh, sa fictions na lang sila nag eexist at kung meron pa man na katulad ni Kuya ay syempre, taken na! Ako? Sakto lang. Saktong prince charming ng mga babaeng pang-good time lang ang hanap kasi it's a tie.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon