Episode 57

1.4K 158 229
                                    

Episode 57: Guilty

Comment, vote, and share the story! 🤗

---

Agad akong nagmadaling lumabas matapos naming mag-usap ni Coach Amy. Sa lunes, pag-uusap namin ang tungkol sa sponsorship nang mabuti kasama si Dean at sabi niya, ienjoy ko raw muna ang weekend kasama ang pamilya ko at sa tingin ko, mas maeenjoy ko nga ito lalo na at ganitong may good news akong dala! Ang saya ko!

Sponsor from Australia?! Dream come true iyon! Pa swertehan lang ang sino mang mabigyan ng oportunidad na ganoon at masaya akong nagkaroon ako ng pagkakataon! Ito ang goal namin bilang isang athlete sa school namin! Ang mabigyan ng pagkakataon mahasa pa ang aming kaalaman sa paglangoy! Mas maraming oportunidad din ang magbubukas para sa mga international competitions and who knows? Olympics, SEA games at iba't-ibang swimming event! Grabe!

Ang saya ko! Sobrang saya ko!

"Ayan na si Boss Maggie!"

Rinig ko ang pagtawag sa akin ng mga school mates ko. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala na tila pinipilit na lamang nilang ngumisi para sa akin. Alam ko, maaaring malungkot sila para sa akin dahil second placer lang ako pero malamang, kapag nalaman nila ang natanggap kong balita ay tiyak, sasaya rin sila! Second placer man, goal achieved pa rin!

"Pa, Ma, Agatha!" pagtawag ko sa kanila Papa nang mapalapit ako sa kanila. Hindi ko matanaw si EL dito sa lobby kaya malamang, nasa labas siya ng gym, literal.

Agad akong niyakap ng pamilya ko. "Anak, hayaan mo na ang ranking ha? Okay lang iyon! Sobrang galing mo pa rin at talagang proud na proud kami sa 'yo! Worth it na worth it ang byahe namin dito!" si Papa

"Marami pa namang pagkakataon, Maggie! Kung hindi ngayon, maraming oportunidad pa na tiyak magbubukas para sa 'yo! Tama si Papa mo, proud na proud pa rin kami sa 'yo!" Si Mama

"Ate! Grabe! Totoo, nakakaproud ka! Sobrang galing mo!" si Agatha

Damang dama ko ang suporta ng pamilya ko. Malayong malayo na ang pag-unawang naibibigay sa akin nila Papa at masaya ako kasi hinahayaan na nila akong kusang matuto.

Napangiti ako. "Okay lang po ako! Oo, sayang nga naman na second placer lang ako! Totoong malungkot ako kanina pero—look!" ngising tugon ko habang inangat ko ang bitbit kong envelope. Pansin kong nakatingin na rin sa akin sila Eero, nag-aabang sa kung ano ang magiging laman nito.

"Ano 'yan, anak?" si Papa at tuluyan na niyang kinuha ang envelope na bitbit ko at agad binuksan. "S—sponsor? Sa Australia? Nakuha mo anak?" si Papa at gulat pa ito sa nabasa.

"A—aba! Totoo nga! Sponsorship nga ito para sa swimming school sa Australia! Jusko!" si Mama

Naiiyak ako sa galak. Ang kaninang hindi mapakaling mukha ng mga kasama ko ngayon bukod sa aking pamilya ay halatang sumaya sa nalaman! As in, damang dama ko!

"Naks! Ginalingan!" si Eero, "Si Kuys EL, nasa labas nga pala! Ayaw na papasukin! Congrats, sis!" aniya at talagang nag-high five pa kami. Level up na rin talaga ang relasyon namin ni Eero! BFF level na!

Minus the pagiging playboy, masasabi kong mabait naman talaga ang Eero! Madalas nakakapikon pa rin siya mangasar pero ramdam ko talaga ang pagiging genuine niya pagdating sa suporta niya sa akin para sa Kuya niya. Kakampi ko na siyang maituturing kumbaga! Tsaka, hindi mahirap pakisamahan si Eero! Mababait naman lahat ng kapatid ni EL! Well, nakakailang nga lang kay Kuya JM pero naiibsan naman ni Ate Mia iyon! Sobrang bait niya kasi sa akin.

Sabay sabay na kaming lumabas ng venue at ngayon ay papunta na sa parking lot kung saan naghihintay ang Elliot. Excited ako na makita siya! Naeexcite akong sabihin sa kanya ang good news na meron ako! Syempre, sinabihan ko ang mga nakakaalam na h'wag sabihin kay EL ang tungkol sa sponsorship dahil ako dapat ang magsasabi tungkol dito sa kanya. Dapat lang.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon