Episode 22

1.8K 204 425
                                    

Episode 22: Good night

---
Mag comment kayo ha? Haha gusto ko magbasa ng comment niyo lalo na sa update na ito dahil almost 6k words 'to, ang sakit sa kamay! HAHA. Chos! Don't forget to vote and Happy reading!

PS. This is not edited, great errors are expected. later na ako mag edit. 😁❤️

------

"A-anong ginagawa niyo dito? Bakit nandito kayo?" sabi ko.

Sobrang nabigla ako, hindi ko inakalang nandito sila! Iyong kaba ko lalo na nang makita ko si EL! Jusko!

"Mag impake ka na, hintayin ka namin!" ani EL at talagang wala man lang pag-aalangan sa mga sinasabi niya.

"Mags, sorry! Aalis na dapat kami, kaso nung naghanap si EL, sinabi na namin sa kanya ang totoo-at sabi niya, pumunta daw kami dito kaya sumama na kami!" si Shielo at bahagyang payuko pa niya itong sinabi sa akin at nang mapatingin ako kay EL, ngumiti pa ang buang.

"Pero, nag-usap na tayo kagabi..."

"Sila lang, wala kang sinabi sa akin." si EL

"Alam namin iyon, Mags. Pero, gusto rin namin talaga na kasama ka sa trip! Hindi kumpleto ang saya kung wala si Boss Maggie!" si Alex at talaga naman!

"P-pero sinabi ko na nga sa inyo na hindi ako pinayagan! Kung magpumilit ako baka iyong paglangoy ko madamay pa diyan eh! Okay lang talaga! Sige, umalis na kayo! For sure, hinahanap na rin kayo ng mga kasamahan natin! Nagpaalam na ako kay Coach Amy at kay Coach Danny kaya don't worry na." sabay ngiti ko sa kanila.

Pero si EL, ikinagulat ko na naglakad siya papasok sa bahay namin-este sa Karenderya namin!

"H-Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bwisit ka?!" pasinghal kong tugon sa kanya habang hawak ko ang kanyang braso. "Saan ka pupunta?!" tanong ko.

"Ipagpapaalam kita sa mga magulang mo kaya sige na, mag impake ka na!" aniya at talagang napanganga ako sa kakapalan na sinabi ng kumag na ito. "Ako na bahala, B! Okay?" Sabay kindat niya at naglakad ulit papasok ng Karenderya namin at talagang nababaliw na ang lalaking 'to.

"Buang ka ba?! Umalis ka na, okay na! Pumunta na kayo at magsaya! Okay lang naman, jusko! Hindi naman mawawala ang dagat kung hindi ako nakapunta no!" mariing tugon ko at natatawa pa ako sa sinasabi ko kahit na peke lang.

"Bahala ka nga diyan, mamaya ka na mag impake!" si EL at talagang desidido siya. Ayaw niyang magpaawat. "Tao po, tao po?" sigaw niya at nasa entrance na kami ng Karenderya.

Sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko na para bang gusto niya na lang tumalon palabas ng dibdib ko! Nasa bahay si Papa, kapag nalaman niya ang tungkol dito, panigurado—magagalit lang iyon.

"Oh, sino sila?" Si Mama, si Mama ang unang lumabas mula sa kusina namin. "Anong kailangan niyo?" tanong niya.

"Magandang umaga po, Mam!" si EL. Ang kapal ng mukha, nagmano pa talaga siya kay Mama. Nakakaloka! "Ako nga pala si Elliot, EL na lang para mas madali! Magkaibigan po kami ni Ba—Margareth sa School!" sabi niya at talagang... wala atang ni katiting na kahihiyan sa sarili niya. Bushak.

"Sino ang mga 'to-—"

Si Papa, nandito na si Papa.

"Pa!" agad na pagtawag ko kay Papa nang tuluyan na siyang makapasok sa Karenderya. Nakapagbihis na siya ng kanyang damit pang-opisina.

"Anong meron dito at nagtitipon kayo? Sino—Sino 'to?" si Papa at ang ibig niyang sabihin si EL. Kilala niya na sina Alex at Shielo kaya alam kong si EL ang tinutukoy niya.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon