Episode 65

1.8K 171 483
                                    

Episode 65: Marriage

---
This is the last episode of TeamBB story! Thank you for reaching this far! Sobrang solid ng suporta niyo sa TeamBB and I will be forever grateful! 😭❤️

Upnext: WAKAS

----
Don't forget to drop your comments, hit the vote star button, and share the story! ❤️

Ps. Unedited ulit. hihi
-----

Sobrang haba ng byahe pero okay lang dahil alam kong magiging worth it din ito! Magkikita na kami ni EL mamaya at sa tuwing naiisip ko ito, namimiss ko lang siya nang husto. Nakakaexcite!

I feel blessed. Pangalawang out of the country ko na ito at natutuwa ako kasi hindi basta-basta ang opportunity na ito! I mean, hello? Germany? Yes! This is Germany! Nakakaexcite! Kailanman, hindi ko bukod akalain na makakatungtong ako sa bansang ito at nangyari pa rin! Ang saya lang.

"Excited? Mahaba haba pa ang byahe natin!" si Tita Monique.

Nasa isang sasakyan na kami ngayon. May sumundo kasi sa amin sa airport kanina at grabe lang! Lakas makabuhay prinsesa ang mga ganap dito!

"Okay lang, Tita! Sobrang naeexcite ako at hindi makapaniwala na nandito na tayo! Bukod sa makikita ko si EL, syempre, excited din talaga ako sa mga sceneries dito! Ang ganda! Salamat po tita! Sobrang bongga nito!" sabi ko.

"You are welcome, Maggie! You deserve this naman! Isa pa, EL's is doing a good job! He deserves this surprise as well! For sure, matutuwa iyon! Stress na stress na iyon, with his Kuya and Tatay? Naku po!" natatawang tugon ni Tita.

5 months na kaming hindi nagkikita physically ni EL. Ang huling kita namin, nasa Australia pa ako at halos tatlong araw lang iyon, bago siya pumunta ng Germany. Halos kalahating taon? Grabe 'di ba? And yes, ito ang pinakamatagal na hindi namin pagkikita.

Nakakamiss man pero aminado akong kinakabahan ako. Ewan ko ba? Naalala ko kasi iyong mga pangaasar ko sa kanya, e! Wala lang, pinagtitripan ko siya! Sabi nga naman, hindi masamang may kaunting landian sa relasyon, 'di ba? Sabi rin sa akin ni Kathy iyon and malaking tulong daw iyon sa relasyon nila ni Joaquin! Ewan ko ba don, alam ko naman na may level up na nangyayari sa kanila! My gad! Hindi ko naman kaya iyon! Saktong landi lang naman at asaran!

At some point, naramdaman ko rin naman kasi na sobrang higpit ko sa sarili ko! Wala naman masama don, I know, pero syempre dapat saktohan ko na lang kasi nga, si EL naman iyon, sa tagal ng relasyon namin ay mas naging malalim nga naman ang tiwala ko sa kanya bilang boyfriend ko! Palagi man nagbibiro iyon, alam kong nangingibabaw pa rin sa kanya ang respeto niya para sa akin at alam kong naiintindihan niya ang mga paninindigan ko sa sarili ko. Oo naman, importante iyon!

Hindi porket tapos na ako sa pag-aaral ay tila nakawalang ibon na agad ako sa kulungan no! For sure, masaskal pa rin ako ni Papa kahit si EL pa 'yan! Hello! 22 years old pa lang ako!

"Okay ka lang, Maggie? Malalim ata ang iniisip mo?" si tita at natatawa ito habang nakamasid sa akin, "Are you nervous?" tanong niya

Napangiti ako sa kanya at napatango. "O—opo, mediyo." bahagyang nauutal kong sagot. "Siguro, namimiss ko lang talaga si EL at sobrang tagal namin hindi nagkita! Kinakabahan ako!" natatawang dagdag ko

"That's normal! Relax!" aniya at tila nangaasar pa si Tita. Nakakaloka!

Well, tama nga ang sinabi ni Tita! Mula sa airport ay bumyahe pa kami ng halos dalawang oras para abutin ang sabi nga sa sign board na Austin's residence at grabe! Nakakalula ng mga nakikita ko ngayon!

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon