Episode 23

1.6K 187 216
                                    

Episode 23: Enjoy

--
Comment, vote, and share the story.
#TEAMBB
---

Kinabukasan ay nagising kami sa parang wake up call namin dito sa outing, hudyat na ready na rin ang breakfast at tanging kailangan na lang namin gawin ay ang pumunta sa dining hall at kumain.

"Hoy! Omg! Bakit andito si EL?" si Shielo at ibinulong niya ito sa amin ni Alex at talagang gulat na gulat siya.

Bushak. Nakalimutan ko! Nandito nga pala si EL sa kuwarto namin at dito siya natulog dahil na rin sa kagagawan ng mga barkada niya!

"Maggie?!" si Alex na sobrang sama nang tingin sa akin. "Ano 'to?! Bakit mo pinatulog ang isang lalaki sa kuwarto ng mga babae?!" galit na tugon niya. At some point, natakot ako.

I sighed at napahinga na rin ng malalalim. "Please let me explain! Una sa lahat, sorry! Sorry kung nag desisyon ako ng walang pahintulot niyo, sorry kung basta-basta ko na lang pinapasok si EL dito sa kuwarto natin! W—Wala naman siyang ginawang masama, s—sigurado 'yan! Napagtripan kasi siya ng mga barkada niya kagabi at iniwan sa labas dahil nga hindi pinapasok sa cottage nila. Nakainom siya pero nasa mabuting katinuan naman siya! Naawa ako sa kanya at parang hindi ko maatim na iwan siya sa labas na nag-iisa at nilalamig, k—kaibigan ko naman iyong tao." sabi ko kasi iyon naman ang totoo.

"Oh eh, kasabay ka namin natulog kagabi ah? Lumabas ka pa gurl?" si Shielo at talagang mapanghusga ang kanyang mga tingin sa akin. Nangaasar na ewan.

"Nagising ako kagabi para mag c.r. pagkatapo ay napasilip ako sa labas para tingnan kung tulog na ba ang lahat at ayun nga, nakita ko si EL na nasa labas at nakaupo sa buhangin! Sorry na! Alam kong mali ang ginawa ko, sorry din kung nag atubili akong gisingin kayo para sana magpaalam. Hindi na mauulit!" sabi ko at talagang  alam kong guilty na guilty ako sa ginawa ko.

"Andiyan na 'yan! Sige na, gisingin mo na si EL! Mauuna na kami ni Shielo, sumunod kayo agad and please lang, kung puwede sana ay h'wag kayong masyadong magpahalata sa nangyari! Alam niyo naman, kahit alam natin ang totoo ay oa pa rin ang chismiss! Okay? Kita na lang tayo sa dining hall, Mags." si Alex at agad itong lumabas ng cottage kasama si Shielo.

Napabuntong hininga ako. Naiwan kami ni EL ngayon sa kuwarto at tulog na tulog pa ang loko.

"Hoy! Gumising ka na!" sabi ko kay EL, nakatayo ako ngayon sa gilid ng kama niya. "Hoy! Gising na sabi eh! Kakain na!" bahagyang pasigaw ko at baka hindi niya kasi narinig dahil sa wala man lang kareareaksyon nagaganap.

"Hoy! Gising na sabi!" Bahagya ulit akong napasigaw na may halong pangaalog na sa kanya gamit ang paa ko, "Elliot! Buwisit ka! Pasarap ka ah! Hoy kamahalan, gumising ka na kung ayaw mong tadyakan kita sa mukha!" At talagang bahagya na akong lumapit sa kanya kasi pansin kong napapagalaw na ang kanyang mga mata.

Alam niyo iyon na parang nanatitrip na lang siya na kunyari tulog siya? Nagtutulog tulogan ang hinayupak!

"EL, isa! Ilolock kita dito sa kuwarto, bahala ka nga diyan!" Sabi ko at talagang may pahapyaw pa akong hampas sa balikat niya bago umalis ang kaso may biglang humila sa akin kaya napasubsob ako sa kama, bahagyang nakadagan kay EL, may pagyakap! "Hoy buwisit kang manyak ka!" sabi ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong sabunutan siya kasi haliparot eh.

"Aray, B! Ang sakit naman  nun! Binubogbog mo na ako eh!" rinig kong reklamo niya, "Ang sakit ah!" at talang namilipit siya sa sakit, buti nga sa kanya.

"Ikaw, manyak ka! Bahala ka diyan! Ikaw na nga ginigising diyan, pabebe ka pa! Edi matulog ka, papatayin kita pag gumising ka pa!" pasigaw na sabi ko at hinampas ko pa siya ng unan na nahulog sa sahig. Bwisit!

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon