Episode 36

1.9K 211 579
                                    

Episode 36: Hug
--
Comment, Vote, and Share ❤️
--

"Yes, donuts!" sigaw na tugon ng kapatid kong si Meredith nang makapasok ako sa bahay namin. Tinawagan niya kasi ako na magpapabili siya nito kaya bumili na rin ako bago ako umuwi. Syempre, kung gusto ko ng World peace, dapat sumunod ako sa gusto niya. Naman.

"Oh, EL! Napaaga ka ata? I thought tatambay ka na muna with tito Mokya?" si Nanay nang sumilip ito saglit mula sa kusina.

"Hindi na ako nagtagal, Nay! Mediyo pagod rin ako sa practice eh! Saktong dalawang bote lang! Maaga pa ako bukas eh!" sabi ko at totoo rin naman.

"Mabuti naman kung ganun! Pauwi na nga pala ang Kuya JM at Ate Mia mo at nasa Dubai na sila. By tomorrow afternoon ang dating nila sa bahay! H'wag kayong masyadong magtagal sa pag-uwi, ha? Gusto ko sabay tayong mag dinner tomorrow night!" aniya.

"Got it, Nay! Don't worry! Miss ko na rin si Kuya at Ate Mia!I'm glad they're okay!" sabi ko na lang, naman! Lalo na si Ate Mia dahil sobrang cool nun!

After nang saglit na pag-uusap namin ni Nanay ay agad na akong dumiretso sa kuwarto namin para magbihis at magpahinga. Nadatnan ko si Eero na naglalaro ng cellphone niya habang nakahiga sa kama niya, tig-iisa kasi kami ng kama at malaki naman ang kuwarto naming apat. Nandito rin pala si Emeril na natutulog na.

"Hi, bal!" pagsambit ko at napahiga ako sa tabi niya, "Maaga ka ba umuwi kanina?" I asked

"Uminom ka raw? Why? Was it because of that girl again?" he asked. Ultimo sambitin ang pangalan niya, hindi na magawa. Loko talaga 'to.

I sighed. "Pati ba pangalan niya, ayaw mong sambitin? Hater ka, bal!" natatawang sabi ko, "Tsaka, I just needed some alcohol, okay? Namiss ko lang tumambay saglit at kasama ko basketball team," kuwento ko.

"Bakit hindi ka aattend ng competition niya sa sabado? Change of heart? Did you realized that she's not worth your time, bal?" he asked.

Ano na ba nangyayari sa kapatid ko?

"Okay na kami! Okay? We had some misunderstandings pero okay na kami, Bal. We talked things already kaya agad na rin namin naayos ang lahat, thanks for the concern!" I said sarcastically and yet he smirked. "Can you loosen up a bit? Margareth and I are good friends at totoong kuntento ako sa kung ano man ang meron kami. I just really want us to be okay as friends, can you at least give that favor to me na lang? Please?" sabi ko at pinipilit ko na lang kumalma. Loko talaga!

"Kahit magka-boyfriend siya? Is that okay for you? Paano kung maging sila nung ex niya? Is it okay? Kakayanin mo ba to stay where you are with her right now?" he asked.

Bahagya akong natawa at napayakap ako sa kanya. Nilalambing ko ang kapatid kong halatang halata na sa mga tonado niya. I get everything now.

"Bal, I just hope you don't experience what I am into now because I'm sure, I'll give you a hard time as well!" I said as I chuckled. "Chill, Bal. You know you'll have me whenever you need me! I'm still here with you! Hindi pa naman ako mag-aasawa and if ever I will, magtatabi pa rin tayo matulog, okay?" I said laughing. Hindi ko na napigilan.

Napaismid siya. "You're making it sound like I'm acting like a possesive brother to you! Kapal nito! I'm just being protective, okay? I'm not jealous with the attention you're giving her! I have my own life too! I just really want to keep an eye on you dahil sa ayaw kong masaktan ka over a girl, over love." Anito at putek, parang nagsitayuan lang ang mga balahibo ko.

Bahagya akong natawa. Nagpipigil ako dahil baka maiyak na 'to. "Do you think, I am? Look, Bal, hindi ko pa nakikita ang sarili kong kagaya ni Kuya JM at Ate Mia. Theirs are in a whole different level and very close to marrying na. Not yet to that kind of point, okay? I just, I just really want to enjoy most of the moments with them, with her. Sinabi ko na sa 'yo kung ano si Margareth sa buhay ko, I am contented with that for now and if ever na dumating sa point na tuluyang bumalik ang tipaklong na 'yon sa buhay niya, then, let's see. All I know is that, she needs to win her contest—na kahit pinagbawalan niya akong manood ay she promised me a date on the sunday naman kaya okay na rin! Not bad, right?" ngising sabi ko and I am excited and really looking forward to that to happen, actually. Matagal na rin iyong huling date namin.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon