Episode 46

2.1K 207 308
                                    

Episode 46: Best in me

--
I missed you all! Hoping we'll have a good day today and everyday! I'll try to update more often now. ❤️👍

--
Comment, Vote, and Spread the story.

---—-

"O—Okay ka lang? Tumahimik ka ata?" pagtanong ko kay EL.

Nasa byahe na kami ngayon ni EL. Actually, malapit na kami sa amin at ang kaninang madaldal at malokong EL, natatahimik na.

Napabuntong hininga siya. "B, paano nga ba kung hindi ako magustuhan ng Mama at Papa mo para maging boyfriend mo? Will you really break up with me kapag umayaw sila? Iyong seryoso ha." tanong niya at mukhang nag seryoso na siya bigla na tila kinakabahan? Hindi ako sigurado pero parang.

Hindi ko alam kung ba't ganito naisip niyang itanong sa akin bigla. Aba! Kagabi't kani-kanina lang, ang yabang nito kesyo positive daw siyang magugustuhan siya nila Papa kasi nga tropa niya na ito lalo na sa inuman tapos ganito? Nawala na nga dapat ang kaba ko dahil sa confidence niyang kinakapitan ko, pero, ano? Fake news pala! Napanghihinaan na ata siya ngayon kaya ako, heto, kinabahan na tuloy ulit ako.

Paano nga ba?

"B—Ba't ka nagtatanong? H—hindi ka na ba sigurado?" pagtanong ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako.

Napabuntong hininga siyang muli. "Sigurado ako sa 'yo, baliw 'to! Just that, I couldn't help but think about what ifs and whatever! Worst case scenario, B! Paano nga ba? A—Ayaw kong mag break tayo!" direktang tugon niya. Wala man lang preno.

"Ayaw mo? Susuwayin ko ang mga magulang ko para sa 'yo?" pagtanong ko sa kanya. Gusto ko lang din malaman ang magiging sagot niya.

Bigla siyang napa-break ng sasakyan, itinabi na muna ito at hinarap niya ako.

"M—Makikipag-break ka sa akin kung s—sakali? B—BB naman, ayaw kong mag break tayo! Grabe naman! B—baka magawan naman natin nang paraan, just in case..."

Naloloka ako kay EL. Tila sineryoso niya masyado ang naging katanungan ko at tila naiiyak siya ngayon. Iyong mukha niyang sobrang nag-aalala na hindi ko mapaliwanag.

Buang talaga!

"A—Akala ko ba confident ka naman patungkol kanila Papa? Bakit may mga ganitong naiisip ka?" natatawang tugon ko. "Tara na kaya?" pagyayaya ko dahil natahimik na rin siya.

Totoo. Sobrang tahimik niya ngayon.

"Hoy EL, kung ano man ang iniisip mo diyan, h'wag mo na masyadong dibdibin! Tara na kaya?Mas gagabihin tayo sa daan niyan, e. Sabi pa naman ni Mama, doon na tayo maghapunan!" pagsita ko sa kanya dahil pakiramdam ko, ang lalim nang iniisip niya.

"A—Are you really going to break up with me kung sakali, B?" pagtanong niyang muli. "Ayaw kong mag break tayo! Whatever happens, ayaw ko..." at talagang malungkot ang tonado ng kanyang boses.

Napabuntong hininga ako. "We'll see when we get there, okay? Pero, don't worry! The feeling is mutual naman," sabi ko at napangiti sa kanya.

Nakakaloka ang Elliot at ang mga pinag-iisip niya! Kahit papaano, napatango naman siya sa naging pahayag ko kahit na alam kong hindi pa rin siya one hundred percent convinced. Pero, totoo naman ang sinabi ko, hindi pa namin alam parehas ang magiging takbo nang desisyon nila Papa! Maaaring mabait lang sila Papa kay EL kasi nga, magkaibigan lang kami! Paano kung, hindi sila open sa pag-boboyfriend ko? Iyon bang nalaman nila na sinagot ko na agad si EL? Hindi na lang panliligaw stage kundi, boyfriend ko na talaga siya? Syempre, ibang usapan na 'yon.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon