Episode 42

3K 207 404
                                    

Episode 42: Try

--
You know the drill: Comment, Vote, and share the story! Thank you in advance! ❤️

-------

Napadilat ako ng aking mga mata nang mapansin kong ihinawalay na ni EL ang kanyang labi sa aking labi. Natigilan ako ng iilang segundo na tila ba nakalimutan ko nang huminga sa mga sandaling iyon. He just kissed me, again.

"Bushak ka! Good night na!" sabi ko na lang at napahampas pa ako sa kanya ng bitbit kong bag sa may braso niya pagkatapos ay dali dali na akong napatakbo papasok ng dorm building namin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi ako makapaniwalang sa pangalawang pagkakataon ay nag dampi muli ang mga labi namin! Dalawang magkakasunod na gabi na!

"Hoy! Okay ka lang couz?!" si Kathy nang makapasok ako sa loob ng dorm namin. Napalapit pa ito sa akin nang mapaupo ako sa sahig, parang nanlambot kasi ang aking mga tuhod na parang gusto kong humilata sa sahig. "Couz, anong nangyari?" tanong niyang muli at ngayon pansin kong nasa harapan ko na sina Alex, Shielo, at Kathy.

Ilang segundo pa ang itinagal nang sumagi sa isipan ko ang katotohanang nasa dorm na nga pala talaga ako at nasa harapan ko sila. Nakakaloka! Parang nawala ako sa wisyo!

"O—Oo! Okay lang ako!" napatayo ako at talagang muntik pa akong masubsob kasi tila walang lakas ang mga tuhod ko! Nakakainis! Ano na ba nangyayari sa akin?

Ganito ba dapat talaga ang pakiramdam? Siguro naman 'di ba? First kiss—second kiss ko iyon na talagang hindi ko inaasahan! Hindi ko inakalang gagawin ni EL iyon!

"S—Sure ka ba? Bakit parang namumutla ka? May nangyari ba? Nahold-up ka ba, friend? May ninakaw ba sa 'yo?! Ano? Tatawag na ba kami ng pulis?!" si Shielo at talagang natataranta ito.

"Hindi ka ba hinatid pauwi ni Elliot? Aba, magkasama kayo,'di ba?" si Alex.

Bahagya akong natawa. Pinilit ko. "O—Okay lang talaga ako! Ano ba? Onga pala, may mga pasalubong diyan! Masarap ang mga iyan!" sabi ko na lamang at ngumisi akong muli.

Kagabi lang nang maihatid ako ni EL ay nakatulog man ako sa byahe ay nagising rin naman ako noong napahinto na ang sasakyan sa tapat mismo ng dorm namin. Gusto ko na agad idilat ang mga mata ko at gumising pero sobrang nakakapagod sa pakiramdam at ang bigat na ng mga mata ko sa antok lalo na at nakainom rin ako. Narinig kong tinawagan ni EL si Shielo na sunduin ako sa baba kaya naisip kong umidlip na muna kahit ilang minuto dahil na rin sa sobrang antok na talaga ako tsaka, ayaw ko na muna talagang makausap si EL lalo na't nahihiya pa ako sa kanya dahil na rin sa mga nangyari sa bar kaya pinanindigan ko na lamang iyon.

Nang mabuksan ni EL ang pinto habang paunti-unti akong ginigising  ay nagulat na lang ako nang pakiramdam ko'y tila nakaramdam ako ng mahinang paghaplos sa aking  mukha na tila hinahawi nito ang mga buhok kong nakatabon sa aking mukha. Hanggang sa nakaramdam ako ng mainit na hininga malapit sa aking mukha! Gusto kong dumilat sa mga sandaling iyon pero ewan ko, hindi ko na rin nagawa lalo na at agaran akong nakaramdam ng pagdapo sa aking labi na ikinagulantang ng aking buong katinuan! Sobrang bigla pero hindi ko nagawang mapigilan dahil na rin sa tila ang bilis ng pangyayari! Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpanggap akong tulog kahit ang totoo, gustong-gusto ko nang huminga at manapak! Nagwala ang puso't isip ko sa ginawa niya! Nahirapan talaga akong huminga!

Ngunit ngayon, sa pagkakataong ito, iba ang nangyari! Gising at mulat ako! Damang dama ko at saksi ako kung gaano kabilis ng pangyayari! Ang muling pagsakop ng kanyang labi sa aking labi... Totoo ba talaga iyon? Bakit pakiramdam ko, para akong nananaginip? Hindi ako makapaniwalang ang first kiss ko, pati ang second kiss ko, kay Elliot napunta! I mean, oo! Aminado naman ako sa sarili ko at sa haliparot na Elliot na 'yon na, oo na, gusto ko siya! Sino ba namang hindi mahuhulog kung halos araw-araw, simula noong magkita kami ulit ay wala nang ibang ginawa ang Elliot na 'yon kundi guluhin ang buhay ko,'di ba? At ang buong sistema ng buhay ko, nagulo niya na! Napasok niya, hindi lang ang isip ko kundi pati ang puso ko, at sa kahit anong pigil na ginawa ko, pag-iwas, at paulit-ulit na pag-iisip ay hindi ko na ito natakasan pa at ayun nga, inamin ko na rin sa kanya ang totoo.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon