Episode 33

1.8K 192 328
                                    

Episode 33: Change

--
Comment, vote, and share the story! ❤️
#LWEp33 #TeamBB
--

"Oh EL, kain lang nang kain! Wala tayong ibang kalaban, tayo-tayo lang dito!" si Papa at talagang alagang-alaga niya si EL.

Hindi ko talaga mawari kung bakit ganito sila Papa sa kanya! I mean, dalawang beses pa lang nila nakikita si EL tapos oa na agad ang reaksyon nila sa isa't-isa?! I don't understand. Ano bang nakita nila sa Elliot na 'to? Hindi ba nila alam na basagulero at mabisyo ang taong 'to?

Nakakainit ng ulo.

Hindi ko pa rin makalalimutan ang ginawa niya noong isang araw. Naiinis ako sa kanya at sa kung bakit kinailangan niyang gawin ang bagay na 'yon kay Denver. Kailangan niya ba talagang ipahamak ang sarili niya para lang don? Mabuti na nga lang hindi na siya sinumbong ni Dean sa Nanay niya eh! Nakakagigil isipin! Parang hindi nag-iisip!

I mean, kailangan niya ba talagang maging bayolente? Hindi ba puwedeng kausapin niya ako, o 'di kaya si Denver? Tsaka, paano kung na-injured niya nang malala si Denver? Anong mangyayari sa kanya?

Napabuntong hininga ako. Naiinis talaga sa tuwing naiisip ko mga nangyari.

"Maggie, may problema ka ba? Bakit ang tahimik mo diyan? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Nakakagigil talaga at talagang bakit kailangan niyang pumunta dito? Hindi ba puwedeng humindi siya sa imbitasyon ni Papa?! Hindi pa ako handa para makita siya sa malapitan no!

"Hoy, Ate! Kinakausap ka ni Mama!" at talagang nakaramdam ako ng pag siko.

"H—Ha? Ma, ano po 'yon?" tanong ko.

Napansin kong napatingin sila sa akin, maging si EL, pero agad rin niyang iniwas ang tingin niya nang magtama ang aming mga mata. Tss.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik! Tsaka, nandito si EL oh! Asikasuhin mo ang kaibigan mo! At sabi mo pa kanina, hindi puwede si EL dahil busy! Ikaw bata ka!" si Mama.

Kailangan ba talagang sabihin iyon?

"Nagsisimula na kasi kami sa practice namin sa basketball, tita! Kaya siguro nasabi ni Margareth na busy ako." Si EL, epal din. Nag comment pa talaga.

"Okay na at nandito na ang bisita ko! EL, kain lang nang kain ha? Mabait kang bata kaya always welcome ka dito! Tsaka, ikaw lang ang puwede dito sa bahay dahil nakita ko talaga ang pagiging mabait at maaalahanin mo! Mabuti na lang naging kaibigan ka ng anak ko! May paninindigan at handang humarap sa magulang! Hindi iyong katulad ng mga kabataan ngayon, patago-tago pa!" si Papa.

Sumasakit lang ang ulo ko. May tama naman sa mga sinabi ni Papa pero, masyado pa rin pa-impress nang sinabi niya at talagang kailangan niyang mag parinig sa akin?

Tumahimik na lamang ako. Ayaw ko nang marinig ang mga usapan nila na kahit saan-saan na lang napupunta. Ewan!

"Ate, kunin na natin ang cake na surprise natin kay Papa!" bulong sa akin ni Agatha.

Tapos na kasi kaming kumain at saktong panghimagas na lang ang kinakain namin. Fruit salad.

"Pa, may surprise kami ni Ate Maggie sa 'yo!" Si Agatha,

"Happy Birthday, Pa!" sabi ko sabay bitbit ko nang cake na binili namin ni Agatha gamit ang mga ipon namin. Customized cake 'to kaya mediyo butas bulsa kaming dalawa.

"Aba! Nag-abala pa kayong dalawa, salamat naman!" ani Papa at agad niya hinipan ang kandila matapos mag wish. "Salamat sa inyo mga anak ko!" anito.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon