Episode 24

1.7K 198 345
                                    

Episode 24: Type

------
Ang haba nito! Haha enjoy reading! Don't forget to VOTE, COMMENT & SHARE THE STORY

PS. UNEDITED.

---
Happy reading!
--

It's getting pretty dark now at mag-isa lang ako sa byahe. Damn it. Mediyo nakakamiss tuloy bigla ang may kausap habang nagmamaneho. Kahit nakakapagod ang pinaggagawa ko ngayon araw na halos kinain na ang buong araw sa byahe at hanep, traffic na rin. Syempre, okay lang naman at masaya naman ako.

Habang tamang sound trip lang ay nag ring naman ang phone ko at tumatawag si Nanay. Takte! Kinakabahan na naman tuloy ako at baka tungkol sa kung ano na naman 'to sa negosyo! Ayaw ko na muna sanang makibalita kung puwede lang pero syempre, hindi puwede.

Sinagot ko ang tawag. "Nay, bakit?"

"Where are you? Nasa bahay ka na ba?" tanong niya at kalmado naman siya. Mukhang walang bad news.

"Pauwi pa lang, Nay."

"Anong pauwi?! Late na ba natapos ang outing niyo eh sabi sa akin ni Coach Danny, by noon time, nakauwi na kayo! Aba, Elliot ha! H'wag mong sabihin na gumimik ka pa? Pasobra ka, naghahanap ka ng sakit sa katawan pag-uwi ko!" Nanay's at it again. Ang sakit sa tenga.

"Nay, kung iniisip mong gumimik pa ako then, you are wrong, okay? Hinatid ko lang ang kaibigan ko sa kanila and now, I'm off to go home! Promise, I'm telling the truth and nothing but the truth!"

"Friend? Sino? Si Kyle, Marco, or is it Russel? Bakit kailangan mong ihatid? May mga sasakyan naman 'yan mga kaibigan mong 'yan! Driver ka na ba ngayon?! Tumigil ka ha!"

Napahawi na ako ng aking buhok kasi nakakapikon kapag ganito si Nanay. Hay naku! "Nay naman! The key to a beautiful relationship is trust kaya kung ayaw mong magkasira tayo, trust me, okay?" I managed to joke in a very crucial moment. "Joke!" agad bawi ko at baka tuluyan kaming magkasira ni Nanay kapag hindi ko binawi.

"Where the heck are you?! Do you think I'm okay to be joked right now, El?" seryosong tugon niya at gigil na siya.

I sighed. Kailangan ko nang magseryoso dahil totoong seryoso na si Nanay. "Nay, I'm telling the truth. Pauwi na ako. Like, I'm 20 minutes away from our house! And it's true, after lunch natapos ang outing namin at totoo rin na dala ko ang kotse ko, and that hinatid ko ang isang kaibigan sa bahay nila all because her father said so. Nay, totoo talaga! You can call Coach Danny if you want to confirm things. Hindi ako nagsisinungaling! You know me well." sabi ko.

Maloko lang ako pero hindi ko ugaling magsinungaling.

"I will. But, sinong friend ba 'yan? Baka naman sa mga babae mo na naman 'yan! Jusko, hindi ba talaga kayo titigil hanggat hindi kayo nagtanda?! Napagdaanan na ng Tatay mo at mga Tito mo ang mga ganyang bagay, you all know--"

"Nay, please? Nagdidrive ako eh!" sabi ko kasi ang ingay talaga ni Nanay.

"Sinong friend?" she asked calmly and really really serious na parang naiimagine ko ang mukha ngayon ng Nanay ko.

I sighed once again. "Si Margareth." 

"Margareth? So babae nga? Elliot?"

Ang kulit ng Nanay ko, Nanay ko ba talaga 'to?

"Nay, oo! Pero, she's my friend. A very good friend,"

"Siya ba iyong sinusumbong sa akin ni Eero the last time? Friend lang talaga?"

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon