Episode 7

1.8K 196 57
                                    

Episode 7: Save the night

-
Vote, comment, and share the story ❤️
-

Ready to go na ako. Sobrang aga pa actually, as in, 3AM pa dahil early call time ang gagawin naming training. Okay din pala ang hindi ko pag-gimik dahil kahit papaano, parang saktong tulog naman ako.

"Oh, anak! Sure bang okay kana hanggang dito? Mediyo madilim pa." si Tatay.

Yup. Hinatid ako ni Tatay. Suwerte ko ba? Naman.

"Okay na okay na Tay! Don't worry about me. Tsaka, may mga gising na rin naman sa barkada ko, sasalubungin nila ako!" Paliwanag ko, "Thank you, Tay! Salamat sa paghatid kahit pagod ka sa trabaho, ang aga mo pa gumising para lang dito." sabi ko because I honestly appreciate Tatay's gesture  for this.

Ang totoo, nag suggest akong kumbinsihin ni Tatay si Nanay tungkol sa sasakyan ko kaso hindi na rin pumayag si Tatay dahil nga daw baka kung saan-saan ako pumunta. Grabeh talaga! Mabait naman ako eh. Hay!

Nang makaalis na si Tatay ay agad na rin akong pumasok sa campus namin kung saan naghihintay si Kyle at Russel. Nagpasundo ako sa kanila dahil marami nga naman akong dala. Tsaka, shutay madilim! Baka mamaya totoo iyong mga sabi-sabi na may multo nga dito sa school! Alam niyo na, mabuti na iyong sigurado! Sabi, dating sementeryo daw dito eh.

Natawa ako.

"Asan si Mac?" And I meant Marco.

"Tulog! Ayaw talaga magising dahil sa nalasing! Sana nilapa na iyon ng mga aswang pagbalik natin!" ani Kyle. "Teka boy, hindi ka na ba babalik sa bahay niyo? Pinalayas ka no?Andami mong dalang bagahe ah!" natatawang dugtong niya.

"Sira! Halos tatlong buwan tayo sa training kaya malamang marami akong dala! Tsaka, iyong iba diyan, Nanay ko may pakana!" paliwanag ko. Ang dami din talagang pinadala ni Nanay!

"Naks!Supportive naman ni tita, sana all!" natatawang komento ni Russel.

Napailing na lang ako.

Nang dumating kami sa dorm ay hindi ko alam, nakakaramdam talaga ako nang excitement. Dito sa dorm ay apat kaming magkakasama. Double deck ang mga kama! Sa kuwarto namin sa bahay, apat din kaming magkakasama kaya hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam pero iba pa rin na tropa ang kasama! Sa taas ang puwesto ko at nasa baba ko naman si Marco na tulog na tulog talaga! Well, wishing Ee was here though.

"Shuta, parang walang balak gumising ang Marco na 'to at talagang kahit anong gulo na natin dito, wala siyang pakialam! Tulog na tulog pa rin! Napadami sa inuman eh alam naman niya na may training mamaya," natawa na si Kyle.

"Ang sabihin mo, sadyang napagod lang 'yan sa mga pinaggagawa niya kanina sa Party! Taena, he's with 3 girls, gagong 'to!"

"Takte, seryoso?!" Gulat na tugon ko.

"Oo kaya!" sagot ni Russel, "Taenang party din iyon, halos kompleto cheering squad! Daming chiks pre!" dagdag niya at tila nangiinggit.

Sheyt nga naman.

"Ang daming na hopia kanina sa Party, boy! Hinahanap nila ang the Great EL, pati ang kambal mong si Eero! Akala nila andun kayo eh, ayun, hopia!" Tuwang-tuwa si Kyle eh, palibhasa malamang, tiba-tiba rin 'to.

"Sayang naman!" sabi ko, "'di bale na, babawi na lang ako! Okay? Iaalay ko ang cake ko sa kanila." sabi ko at talagang babawi naman talaga ako.

Humanda.

Nag-aayos na ako ng gamit ko ngayon at tinutulungan ako ng dalawa. Hindi na kami natulog at hihintayin na lang namin ang call time para sa early training mamaya! Halos dalawang oras na lang din naman at kung matutulog pa kami at 'di nagising, edi naloko na! Diba?

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon