Episode 8

2K 180 71
                                    

Episode 8: Crush
--
Don't forget to drop in some comments, cast in your votes, and promote the story! Thank you! ❤️

---

"Saan punta natin, Bangks?" si EL matapos niyang damputin ang mga pinalabhan namin ni Kathy. Bakit ba minamalas ako't lagi na lamang sumusulpot ang bakulaw na 'to?! Ang laki ng eskuwelahan na ito eh!

"Umalis ka na nga!" pagtaboy ko sa kanya habang heto, maglalakad na sana ako paalis.

"Nasaan ba dorm niyo Bangks? Hatid na kita! Mamaya magpakita sa 'yo ang aswang na sinasabi nila, concern lang ako sa aswang!" aniya tapos natawa siya sa sarili niyang walang kuwentang joke.

Napaismid ako. "Feeling mo, nakakatawa ka?" hinarap ko na siya dahil pansin kong sinusundan niya ako. "At puwede ba? Bakit ka ba sumusunod ha?!" Napapasinghal na ako kasi nakakapikon ang presensya niya.

"Grabeh naman Bangks, kailangan ba talagang sumigaw ka? Kalma naman!" Seryosong tugon ni EL at sa totoo lang, nagulat ako dahil parang sumeryoso nga siya. "Hinahatid ka lang naman eh! Gusto mo, ako na bumuhat ng mga dala mo? O buhatin na lang kaya kita?" sabay ngisi niya.

Hindi rin pala.

Sinamaan ko na siya nang tingin at talagang gusto ko na siyang sunugin na lang! Bushak! Nag walkout na lamang ako pero heto siya, nakakabadtrip! Sumusunod talaga!

"Ano bang ginagawa mo?! Puwede ba umalis kana?!"

Kalma Mags, please?

"Bangks, bakit ba gigil na gigil ka sa akin? Nakailan kana ha? Sa probinsya ka pa ganyan! Masaya pa naman ako't iisang eskuwelahan lang tayo tapos ganyan ka! Hindi ka man lang ba masaya at nakita mo ulit ako, ha?"

Napahinto ako sa paglalakad at hinarap na naman si El, "Seryoso ka ba sa tanong mo?" napaismid ako. "Bakit naman ako sasaya sa pagkikita natin eh sana nga hindi na lang kita nakita eh! Puwede ba El, ang laki ng eskuwelahan oh! H'wag ka ngang sulpot nang sulpot at nasisira araw ko!"

"Ano bang nagawa ko sa 'yo at talagang galit ka sa akin? Wala akong matandaan, Bangks! Hindi naman kita pinaasa noon, diba? Hindi rin naman kita naging girlfriend, at teka? Crush mo ba ako tapos galit ka sa akin kasi hindi kita jinowa?"

Para akong nahilo sa mga pinagsasabi ng bakulaw na ito. Hindi ko kinakaya ang kayabangan niya sa buhay at talagang ibang level ang confidence, hindi ko talagang kayang tapatan. Ang kapal ng mukha!

"Hanep ka rin tumira ng katol no? Pa rehab ka kaya o 'di kaya, magpatokhang ka! Malala ka na! At tigilan mo na kakasunod sa akin ha? Kasi sasapakin na kita! Bwisit ka!"

"Bangks, seryoso na nga kasi! Sorry na kung may nagawa ako sa 'yo! Nangaasar lang ako kasi nga--"

Sinamaan ko na siya nang tingin. "Titigil ka ba o titigil ka?" sabi ko nang mayroong halong pagbabanta. Gigil na gigil na ako na parang maiiyak na ako sa sobrang inis. Ganito ang hatid niya sa akin, presensya niya pa lang, pakiramdam ko hindi ko na agad maipagtatanggol ang sarili ko. Sobrang saklap.

"Alam mo Bangks, kung wala lang akong lakad ngayon, magpapasapak na lang ako kaso hindi puwede eh! Next time, bangks! Okay? Osya, hindi na muna ako mangungulit tonight, next time na lang, Bangskie! Good night, ingat sila sa 'yo!" sabay ngisi niya at talagang pinisil niya na naman ang pisngi ko sabay takbo.

Bushak na lalaki'ng iyon, wala ba siyang balak tantanan ako?! Ano bang nakukuha niya sa pangiinis sa akin? Masaya siya? Aba puwes ako, hindi!

"Hoy! Gutom ka na naman ba at nakasimangot ka?" si Alex habang nakahiga siya sa kama niya't nag cecellphone nang makapasok ako sa dorm namin.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon