Episode 18

1.8K 180 143
                                    

Episode 18: Issue

---
Comment, vote, and share. 🙏❤️

---

"Oy, ginabi ka ata? Akala ko ba mabilis ka lang?" si Alex.

Alas otso na kasi ng gabi nang dumating ako sa dorm namin. Kinakabahan ako sa totoo lang kasi nga, alam kong may pagtatanong na magaganap! Hay!

"Naenjoy ko lang ang pagmumuni-muni." sabi ko at totoo naman, nag enjoy naman talaga ako.

"Sa kaan ka ba pumunta, couz?" si Kathy.

"A--ako? Sa mall lang! Tambay, ganun! Onga pala, may pasalubong ako! Donuts nga lang kasi kapos pa sa budget eh!" sabi ko na lang.

Nag insist si EL na mamahaling donut ang bilhin ko pero mas nag insist ako na h'wag na iyong mahal dahil parehas lang namang donut iyon at kahit hindi niya gets ang naging rason ko, wala na siyang nagawa kundi ang sundin ako. Oo, kay EL galing ang pera na pinambili ko ng donuts na 'yan! Sabi ko naman, uutangin ko na lang muna at wala pa ako sa budget at kahit wala lang sa kanya ay nagpumilit pa rin akong bayaran iyon hanggang sa pumayag naman siya.

Hindi ko kinaya ang galante na ipinapakita sa akin ni EL! Nahihiya na ako kasi pakiramdam ko ay hindi naman na talaga kailangan kaso nag-iinsits siya! Gusto ko ngang awayin na lang siya para hindi na kami bati at iwasan na lang kami eh! Nakakahiya naman kasi talaga. Ako na naaawa sa kung paano nagtatrabaho ang mga magulang niya tapos grabeh pa kung makagastos!

Hay naku!

"Ah, akala ko naman nakikipag date ka na!" Natatawang komento ni Kathy at bahagya akong kinilabutan sa narinig ko.

"Yuck oy! Date ka diyan! Nag mall lang ako para makapag relax man lang at bukas na ang sport's festival. Gusto ko lang makapag refresh bago sumabak sa another stressful week no!" pag rason ko kasi iyon naman talaga..

"Ikaw lang mag-isa?" si Shielo.

Aba?

"T-teka, bakit naman may pa interrogation na nagaganap? Hindi ako nakipag date no! Sino naman ang magde-date sa akin! Namasyal lang talaga ako!"

"Mag-isa?" si Alex.

Napatingin ako sa kanila at pinapakiramdaman ko ang mga inaasta nila. Anong nangyayari? Bakit parang kakaiba ang mga tingin nila sa akin na para bang hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko?

"Teka, may pinupunto ba kayo?" Direchong tanong ko dahil sa nahahalata ko na talaga sila. "Kanina pa kayo ha! Wala nga akong ka date!" Napipikon na ako.

"Okay. Sabi mo eh!" Kibit balikat na tugon ni Shielo habang kumakain ito ng donut.

Parang may mali pa rin. Tahimik lang si Alex at Kathy.

Napabuntong hininga ako. "Okay fine, si EL ang kasama ko buong araw sa mall pero hindi date iyon!" padabog kong sabi at talagang nababanas ako. Naiirita ako na kailangan ko pa sabihin ang bagay na iyon!

What's the big deal?

"So, sa kanya galing ang stuff toy na 'yan?" si Alex at bahagyang napataas ang kilay niya.

Oo nga pala, may bitbit akong maliit na stuff toy.

"Napanalunan ko 'yan sa Archade kanina! Hindi siya ang nagbigay niyan!" Depensa ko dahil totoo naman. Ako naman talaga ang halos nakapanalo ng mga games namin kanina! Tss.

"Archade? Pagkatapos ng Archade?" si Kathy na para bang may halong excitement na ang tonado ng kanyang boses.

"W--Wala, kumain lang kami! Nanood ng sine, kuwentohan! Iyon lang!"

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon