Episode 20

2.4K 171 167
                                    

Episode 20: Fall

----
AN: Hello guys, ingat kayo palagi and stay healthy. Remember, health is wealth. Pray always! Love you!

---

The day ended with our team having the highest initial score. Kaso, hindi pa puwedeng makampante dahil na rin sa isang linggo ang itatagal ng festival and to that, marami pang puwede magbago. Well, all of us in the team wants to to win so alam kung wala rin talagang kakampante—maliban kay Bangskie. I mean, stress na stress siya lalo na at 100 points lang ang lamang namin sa pumangalawa sa amin. Hay! Kahit ako naiistress din kaso para kay Bangskie.

Ewan ko ba sa babaeng iyon! Ayaw maperme! Kanina, nalipasan pa siya ng gutom, hayp na 'yan! Kung alam ko lang talaga, hindi ko na siya pinag-leader! Anyways, wala eh! Nangyayari na kaya kailangan ko na lang siguruduhin na hindi ko tuluyang pagsisihan ang pagiging leader niya.

Yup, ganun na lang.

"Kuya, tumawag si Nanay kanina! Sabi niya, tatawag siya dito ng 9pm, dapat daw nasa bahay na lahat!" si Emeril na galing sa itaas dahil sa dito kasi muna ako sa sala tumambay pagkarating ko sa bahay at pagod talaga ako.

"Kuya Eero mo?"

"Wala siya, hindi pa siya umuuwi! Tinawagan ko kaso hindi siya macontact eh, ayaw niya sagutin." paliwanag niya.

Napatingin ako sa orasan at nasa 7pm na! Nasaan na naman kaya ang lokong iyon!

"Sige, ako na tatawag! Kumain na kayo, susunod ako." sabi ko.

Somehow, alam ko sino icocontact ko kapag nawawala ang Elliot na 'yon na hindi ako kasama.

"Tito, Si Eero, nandiyan ba?" I asked. Si Tito Nikko ang tinawagan ko.

"Oo, nandito! Papauwiin mo na ba?"

"Oo! Nanay's calling in an hour kaya dapat nandito na 'yan by then! Kaya please?"

"Nasa bahay ka na?" He asked.

"Opo. Bakit? Nag-inuman ba kayo ni Eero, Tito?! Lasing?" I asked dahil lagot na kapag oo ang sagot nito.

"Sakto lang! Kalma, Nay este EL!" natawa siya. Tito talaga, "Uy, EL! Onga pala, ano ba itong sinasabi sa akin ni Eero? Fake news ata!" dagdag ni Tito.

"Ano na naman iyan? If this is about a girl, stop tito! Hindi ako nagseseryoso! Maggie is a friend, best friend ko! Believe it or not!" direktang pag rason ko kasi nakakairita na ang issue na ito.

"Huh? Nagseseryoso? What?! Aba! Flashnews 'yan ah! Aba... sino? Who's the girl again?"

Natigilan ako sa sinabi ni Tito, mali pala. "H—Ha? W—wala! Wala naman!" sabi ko, "Pauwiin niyo na si Eero at baka tumawag si Nanay, edi nalintikan pa tayo, damay ka! Okay?" Sabi ko. Palusot na rin.

"Hay naku! Elliot, marami tayong pag-uusapan! One  day of this week, mag meet tayo! Okay? Nagyaya rin ng gimik kapatid mo, hindi ka raw puwede! Ano ba naman, ilan na ba anak mo ha?" natawa ito.

"Tito talaga! Alam kong miss mo 'ko pero kapag nakauwi na sila Nanay, promise! Gimik tayo! Sagot mo!" sabi ko na lang habang natatawa.

"Aba syempre naman! Okay sige! Copy! Osya, puntahan ko lang si Eero sa taas nang makauwi na!"
sabi ni Tito Nikko bago niya pinatay ang tawag.

Pagkatapos ng phone call na 'yon ay agad na muna akong pumunta sa kwarto namin para magbihis. Dama kong masakit ang buong katawan ko kakatakbo rito takbo roon! Nakakapagod! Hanep.

"Kuya," Si Meredith at umiiyak itong napayakap sa akin.

"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon