Episode 19

1.8K 182 160
                                    

Episode 19: Princess

AN: Labyu guyths! Sinusubok man tayo sa mga panahon ngayon (tayo, ikaw at ako.), palagi nating piliin ang MayWard sa kahit ano man. MayWard above all else. ❤️

----
Enjoy the story, kapatids!

---

Nandito kami ni Bangskie sa likod ng isang building. Walang tao dahil na rin sa busy ang lahat, kami lang dalawa ang nandito.


"Are we doing it here?" I jokingly asked.

"Ano?!" tanong niya pero padabog na agad. Langya.

"I said, are we doing it here?" Tanong ko while looking at her playfully. Trip ko lang. "B, I never thought you'd be this adventurous pero sige..." Napapalapit pa ako sa kanya para mas lalo siyang asarin kaso parang hindi niya gets.


"Anong pinagsasabi mo diyan, bwisit ka!" aniya sabay hampas niya sa akin sa may dibdib ko kaya napaaray ako. Masakit iyon ah pero tiniis ko na lang kasi okay lang naman basta siya. "Ikaw, ikaw! Dito tayo mag-uusap dahil naiinis ako sa mga taong malisyosa't malisyoso!" aniya at talagang gigil na gigil.


Naaamaze ako sa kung paano siya nagdadabog sa harapan ko ngayon and I find it really cute. Sarap kurutin eh.


"Anong tinitingin-tingin mo diyan?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Sabi ko, mag-usap tayo!" Aniya at may paghampas na sa braso ko kaya napaisip ako sa narinig mula sa kanya.


"W---Wait, mag-uusap lang tayo? Wala tayong gagawin?" Pagbibiro ko ulit pero napa-zipper na lang ako ng aking bibig nang mas masama na ang naging tingin sa akin ni Bangskie, mukhang mananapak na rin talaga, mga ala-pacman, mga ganun.



"Iyong kapatid mo, tinatanong niya sa akin kung totoo ba ang chismiss, na kung girlfriend mo ba raw ako, at nagtanong kung nanliligaw ka ba at may balak daw ba akong sagutin ka! May sira din ata sa ulo ang kapatid mong 'yon, parehas kayo, EL!" Aniya.


She talks too fast na parang gusto ko na lang makinig sa kanya. Parang si Eminem eh.


Bahagya akong natawa.



"Hayaan mo na 'yon, B! Kalma ka lang diyan!" sabi ko lang kasi ano ba naman magagawa ko?

"Anong hayaan?! Naiissue tayo, EL! Anong hayaan?! Hindi puwede, mali ang mga issue nila! Hindi ako kumportable, nakakahiya!" at talagang seeing her now, aligaga nga siya.


"Nakakahiya? Bakit naman?"

Nanlilisik na naman ang mga mata ni Bangskie sa naging tanong ko, baliw na ata. "Naiisip mo ba ang sinabi ko?! Basta, sinasabi ko sa 'yo, Elliot! Sabihin mo sa kapatid mo na walang katuturan ang mga sinasabi niya! Hindi totoo, walang totoo!" aniya at gigil na naman siya. Nakakatawa na gusto ko sanang tumawa kaso para iiyak siya sa galit kapag ginawa ko iyon kaya h'wag na lang.


"Oa naman, B! Akala ko kung ano na pag-uusapan natin eh! Tsaka, tungkol sa issue na 'yan, puwede ba hayaan na lang natin sila? They can think whatever they want! Sila lang naman nag-iisip nun, B! Tsaka, we both know the truth! Unless..." I playfully grin, "Unless... gusto mong totohanin natin? Ikaw B, ha!" pagbibiro ko kaso nasapok ako ulit sa may dibdib ko at talagang nakalimutan kong huminga sa mga sandaling iyon.



"Ewan ko sa 'yo oy! Nakakabwiset ka lagi! Tara na nga!" sabi niya, "At ikaw ha, sabi ko sa 'yo kahapon h'wag male-late, tapos ano?! Jusko, Elliot! Keep up tayo ha! Keep up!" aniya.


Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon