Episode 48

1.5K 182 367
                                    

Episode 48: I love you

---
Thank you for patiently waiting. You know the drill! 😉 Happy reading!

---

"Oh anak, aalis ka?" si Nanay.

Bagong ligo at bihis na bihis na kasi ako nang bumababa ako ng hagdan mula sa kwarto namin. Anong oras na, mag aalas onse na! Inumaga na ako nang gising dahil na rin sa masakit na nga ang katawan ko sa pagod kahapon, syempre, maganda rin ang tulog ko dahil okay na sa alright kami ni BB. Steady na, ganun.

"Oo Nay, may pupuntahan lang ako! I'll be back agad." sabi ko.

"Okay, pero wait lang..." aniya at nagmamadali itong napaakyat sa itaas at may kukunin ata?

Ang kyot ng Nanay.

I swear I wanted to tell Nanay na magkikita kami nila  Grandma pero hindi ko na rin ginawa. Iyon din naman ang sinabi ni Grandma, na bukod sa akin ay dapat wala na muna akong pagsasabihan tungkol dito because it's... I guess, confidential?

I sighed.

The whole idea is actually nerve-wracking pero susundin ko pa rin naman. Hindi ko pa naman kumpirmado kung para saan ang pag-uusap namin kaya there is nothing to really worry about. Isa pa, even if I have some clues in me, like I said, I'll hold on to Tatay's words and that's how it is going to be. I am certain with this decision.

Pero, oo naman. Kinakabahan ako. Grandpa and Grandma, in our lives are not like how it is with Nana, Tatay Mario, Lola Ney, and of course, with Lolodok. Masasabi kong hindi kami close sa kanila kasi nga, bukod sa malayo sila, masyado silang seryoso sa buhay! Alam niyo iyon, mararamdamam mo talaga awrahan nila! Sobrang seryoso at strikto! Isa pa, as I remember, hindi close si Tatay sa biological parents niya. I mean, hindi talaga katulad kanila Nana at Tatay Mario na sila na talaga ang kinikilalang parents niya. There are times naman na nakakabonding namin sila Grandma pero super rare lang! Mailap sila sa buong pamilya namin. Well, hanep din naman talaga mang-spoil sila, I can say! Pang-one time big time! Masyado silang galante pagdating sa amin at totoo rin naman iyon. Kaya lang, minsan mas maaappreciate mo talaga iyong bonding dapat kesa sa mga materyal na bagay at nadadaan sa pera. Oo naman.

"EL, can you buy me these pagkauwi mo mamaya? I'll be cooking for tonight's dinner. Nag request ang Lolodok mo, dito daw sila kakain mamaya. Kaunti lang naman ito." ani Nanay sabay abot niya sa akin ng listahan ng mga ipapabili niya sa akin.

"Dinner?" I asked dahil na rin sa may nag pop-out sa isipan ko about it and I guess, na gets agad ni Nanay ang naisip ko.

"Bring Maggie along para naman makapag-bonding din kami! Okay naman na kayo no? Hay naku, EL! Sinasabi ko sa 'yo, being a girlfriend of a former playboy is very very hard! Kaya nga sinasabi ko sa inyo noon na h'wag kayong papadala sa mga tito niyo at pati 'yang tatay niyo, e! Hindi kayo nakikinig kaya ayan, nahihirapan kayo!" Nanay the nagger is here.

"May gyera ba't may armalite akong naririnig?" si Eero and I swear ayaw kong matawa pero benta sa akin ang nasabi niyang iyon, "Joke lang, Nay! I love you," agad bawi niya at may payakap pa ito kay Nanay na agad siyang kinurot dahil sa nasabi. Laptrip! Karma!

"Alis na ako! And sure thing, dadalhin ko si Maggie mamaya para naman may makaing masustansya iyon at baka sa convenience na naman kakain!" sabi ko na lang and smiled a bit.

"Oh, so, may lakad ka na naman, Bal? Na promote ka ba bilang aso ni Boss Maggie? Sunod ka nang sunod sa kanya ah!" pangaasar niya at walang 'yang loko na 'to! Kung makatingin pa sa akin, parang nakakaloko e.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon