Episode 50

1.7K 183 273
                                    

Episode 50: Freedom

--
Ps. Unedited.

(Comment, Vote and spread the story! ❤️)

--

"Uy friend, sure ka ba na susunod kayo ni Alex sa final game ng basketball bukas? Sure ka, okay lang na sumama ako kay Kathy manood ng game?" si Shielo.

Kakalabas ko lang ng banyo. Katatapos ko lang mag half-bath.

"Okay lang naman sa akin! Practice match lang naman iyong amin ni Alex, e! Susunod kami kung makakahabol pa! Sayang talaga pero, wala e!" sabi ko at totoo, may nararamdaman akong panghihinayang na maaaring hindi ako makanood ng final game nila EL.

Hindi naman ako mahilig dati manood ng basketball! Tulad nga nang sinabi ko noon, nakakanood lang ako dati kapag niyayaya ako ni Kathy! Pero ngayon, sa halos maraming beses na nanonood ako ng mga games ni EL, nasanay na rin talaga ako at gusto ko na ito. Masayang mag-cheer kasama ang buong campus at lalo na kung may paboritong player kang naglalaro sa court. Syempre, bukod kay EL, nandoon rin ang mga Kuya ko sa team.

"Sayang talaga! Paano na si EL, Couz? Okay lang ba sa kanya na maaaring hindi ka makakanood?" si Kathy.

Akma na sana akong aakyat papunta sa kama ko pero natigilan ako sa naging tanong niya. "A—Ano pa nga ba, edi nag inarte! Kala mo talaga ako dahilan kaya sila nananalo, e! Inaasahan niyang susunod ako at itatry ko naman, syempre!" sabi ko kasi totoo naman, itatry ko talagang manood.

"Try mo talaga! Admit it, iba talaga energy ng Elliot kapag nandiyan ka! And consistent siyang isa sa mga best player ng team ah! Hindi pa ba sapat iyon na akuhin mo ang katotohanan na isa ka talaga sa dahilan kaya nananalo ang team?" Si Kathy at natatawa ito na para bang nanunukso sa akin.

"Korak, friend! Ibang level ang Papa EL kapag naglalaro! Buwis buhay na akala mo may pinapa-impressan! Kailan mo naman kasi sasagutin? Go na friend oy! Sa dinami dami ba naman ng babaeng karibal mo sa mundong ibabaw, jusko, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat!" si Shielo at ganitong mga hirit niya talaga.

Napangisi si Kathy, "Sabi nga ni EL, hindi pa nga raw! My gad couz, ang laki na nang pinagbago ni EL ha! Parang uwak na naging kalapati! Anu na!" natatawang sabi ni Kathy.

Sabi ni EL?

"Hindi naman p'wede na pilitin niyo si Maggie na gawin ang sa tingin niyo ang dapat. Siya ang makikisama kay EL at hindi kayo! May dahilan naman siguro si Maggie kaya hindi niya pa sinasagot si EL, 'di ba, Mags? Take your time. Kung mahal ka niyang tunay, makakahintay siya." si Alex. Nakisali na rin siya sa usapan at hindi na bago sa akin ang naging pahayag niya at may punto rin naman siya.


Napabuntong hininga na lamang ako at pagkatapos ay pabirong napairap sa kanila.

"Ah basta! Hindi ako mag pa-promise pero itatry kong manood sa game bukas! Basta ba, if ever hindi ko magawa, alam niyo na, ivideo niyo at galingan niyo sa pag cheer!" pagsabi ko, "S—Syempre, para sa school din natin 'yan!" agad dagdag ko.

"Change topic naman agad! Basta talaga pagdating kay EL, ayaw mag share! Halos buong vacant time niyo naman magkasama kayo ah, sure ba, friend? Wala talaga?" si Shielo at totoo. Change topic na naman pero hindi pa rin nila ako tinatantanan at mahirap ito.

Walang araw na nagdadaanan na hindi ako tinutuligsa ng mga kaibigan kong ito tungkol sa amin ni EL, tungkol na rin sa status namin at wala pa rin akong balak kumpirmahin ang lahat. Wala lang, gusto ko lang na wala masyado may alam tungkol sa amin lalo na dito sa school! Parang ayaw ko lang masyadong najujudge bilang tao. Madalas kasi akong nakakabasa ng mga negative comments tungkol sa amin ni EL, lalo na tungkol sa akin sa online school community namin. Hindi mapagkakailang sikat si EL sa mga babae at karamihan, syempre, ibang level ang gusto sa kanya at dahil doon, hindi naiiwasang makatanggap ako ng kung anu-anong masasamang salita mula sa kanila. Lakas maka-artista ang Elliot kasi pero ganun talaga.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon