Episode 51

1.8K 173 329
                                    

Episode 51: Mine

An: Enjoy this long update and spare me some love. hehe! Thank you for being here! Lablab! ❤️ Comment, vote, and share the story of TeamBB 😘

Happy reading!

PS: THIS UPDATE IS UNEDITED. SORRY SA TYPOS. 🙏
---

Pakiramdam ko, nakalutang ako sa ere. Kahit anong pilit ko sa sarili kong matulog na at dapat nga kasi pagod ako buong araw ay hindi ko magawa! Bumabalik sa isipan ko ang eksena kanina— "Bushak!" sambit ko nang sumagi na naman sa isipan ko, na tila ba ramdam ko itong muli at parang nalalasahan ko.

Nakakaloka! Ganoon pala iyon!

Wala namang pandidiri or something pero, hindi talaga ako makapaniwalang nangyari iyon! Tsaka—

Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang mag ring ito. Si Elliot ito at ewan, ang lakas nang kabog ng puso ko.

"Kalma, Mags! H'wag kang oa!" sabi ko sa sarili ko at huminga na muna ako nang malalim bago sagutin ang tawag. "H—Hello?" pagsagot ko.

"Eh? Gising ka pa, B?" aniya at parang nabigla.

Shock. Ala una na pala ng umaga!

"N—Nagising lang!" palusot ko.

"Weh? Hindi ka ba makatulog?" natatawang sabi niya, "Was it because of earlier? Liked it?" aniya at may halong pangaasar. Buang ito ah.

"Lasing ka na ata at puro ka kalokohan diyan! Nakauwi ka na ba?! Naku, EL! Sinasabi ko sa 'yo, hindi ako sasama sa outing kung ganito kang nagpapabaya!" bahagyang singhal ko kasi nga tulog na rin ang mga kasamahan ko. Tsaka, mabuti na lang mabilis kong na shift ang emotions ko at nakakuha agad ako nang tsempo para iwasan ang pangaasar niya.

Sana nga gumana. Naiilang ako sa pangaasar niya!

"Eh? Grabe naman ang baby ko! Of course nakauwi na ako! Nasa terrace na nga ako and I'm thinking about what happened earlier! I feel happy and yet naisip ko, baka nagalit ka sa nangyari! Sorry baby, suddenly, I just felt an urge to kiss you! Parang sobrang bless ko lang ang supportive ng girlfriend ko and that I feel blessed kasi, love mo 'ko!" aniya

Bahagya akong napairap pero napangiti rin naman ako. "Rason pa siya oh!" natatawang sabi ko, "Pero, hindi dahil nakaisa, masasanay na! Sakto lang dapat! Special day lang, ganun." sabi ko. Alangan naman araw-arawin, ano siya, sinuswerte?

Bahagya siyang natawa kaya natawa na rin tuloy. "Special day? Naku! Mukhang malalagot ka diyan! Everday is special pa naman basta kasama kita, gustong gusto ko 'yan, B! Pero, seryoso, I hope it was really okay with you. Baka naiinis ka and that... na offend kita in anyways... tell me, okay? As much as possible, ayaw kong maging insensitive lalo na sa mga bagay na ganoon!" aniya at nag seryoso siya bigla.

Napangiti naman ako. Ewan ko ba, parang na-touch ako sa sinabi niya at talagang naging concern siya sa mararamdaman ko. Kahit na siguro inaasar niya ako tungkol doon ay nag-aalala pa rin talaga siya.

"Pagkatapos ng nangyari sa court kanina, tapos may pa claim ka pa ng reward... okay lang, Love. Thank you dahil iniisip mo ang nararamdaman ko pero h'wag mo na masyadong isipin 'yon, okay? Okay lang sa akin tsaka, boyfriend kita, dapat lang naman siguro iyong mangyari every once in a while, 'di ba?" sabi ko kasi totoo.

Nanibago man ako, nagulat man ako, pero, gusto ko naman ang nangyari! Si EL iyon, boyfriend ko at syempre, mahal ko.

Hindi ko alam pero natahimik siya na ewan ko ba."Hoy! Inaantok ka na ba? Matulog ka na kaya! Matutulog na rin ako, okay? Good night na, Love." sabi ko

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon