Episode 54

1.9K 174 193
                                    

Episode 54: Together

Don't forget to vote, comment and spread the story! ❤️ Last 6 episodes to go! 🥺

ps: unedited

---
Result day na ngayon at sa totoo lang, kinakabahan ako. Tinawagan ko na si Miss Jenny kung ano ba resulta at kung malala ay hindi na ako papasok na muna kaso ayun, ang sabi niya wala daw akong makukuha sa kanya at isusumbong niya raw ako kay Nanay kapag umabsent ako.

Grabe talaga! Iyong loyalty niya kay Nanay talaga! Nakakaiyak!

"EL, kanina ka pa tahimik, are you nervous?" si Kuya

Nasa hapagkainan kami ngayon. Sabay kaming nag breakfast dahil sabi ni BB, sasabay siya sa pinsan niya't nagtatampo na rin si Nana sa akin dahil hindi raw ako kumakain ng luto niya sa umaga! Alam na, kapag ganitong may edad na, pabebe na rin! Cute, e. Pati si Kuya na madalas mag breakfast sa office ay hindi rin nakaligtas sa pagdadrama ni Nana.

"Okay lang ako! Mediyo kabado pero sana naman may progress!" bahagyang natatawang sabi ko, "Si Ate Mia nga pala, Kuys?" tanong ko dahil hindi ko pansin si Ate Mia sa hapagkainan

"She's officially unemployed today kaya ayun, tulog mantika!" aniya at talagang maypa-irap pa si Kuya.

Pati talaga si Ate Mia, hindi nakakaligtas sa kasupladohan niya! Sabagay, inatake pa si Ate Mia sa kanya dati dahil na rin sa ugali niyang ito! Hindi pa rin nagtatanda talaga!

Hindi na lang ako umimik. I'm just trying to divert the topic and I guess that's fine. Ayaw kong pag-usapan ang result, I'm too stress about it already.

"Bal, ang aga natin ah! Ano, excited na ba mapabilang sa mga on top of the world? Iba, dati sa ibang bagay lang natin ginugustong mag top ah!" Natatawang sabi ni Eero.

Nasa parking area na kami dito sa bahay namin at heto, katapat na namin ang mga sasakyan namin at bahagyang pinupunasan muna namin ito. Nauna na si Kuya dahil siya ang maghahatid sa mga bunso, request na rin ni Meredith. Kuya can't say no to her Well, nobody of us can.

"Cut it out! Can't you sense? Sobrang natetense na ako about it! It's not helping to even ask me about it." I sighed.

Damn, I'm nervous again.

He smirked. "Geez! Everything's going to be okay, bal! Nakita ko naman ang effort mo, malamang naman siguro, nag paid-off iyon!" aniya.

I shrugged. "I hope." sabi ko na lang, "I'll see you in school!" sabi ko na lang sabay pasok sa sasakyan ko, pinaandar ko ito, at lumarga.

Bahala na nga. Whatever the result is, that's it. Basta, alam ko naman talaga sa sarili kong ginawa ko ang lahat para sa ranking exam na 'yon!

Inhale, exhale! Ba't naman kasi kailangan ko pasukin ang bagay na 'to? Syempre, wala nga pala akong choice. If I want to help Tatay in my own pace, then, this is the only way.

"Love!" si BB nang magkita kami sa hallways malapit sa parking lot ng school namin. Malapit lang naman kasi sa dorm nila.

"B!" I responded in surprise too. Hindi ko rin kasi talaga inaasahan na makita siya dito.

I turned off my phone for this morning kasi baka may biglang mag text sa akin about the result! Syempre, ayaw kong ma-spoil. I want to see it for myself and that kahit mula kay BB, natetense rin ako sa magiging reaksyon niya, just in case mauna niyang makita ang result kesa sa akin.

"Akala ko aabsent ka!" she said, "Kanina pa kaya kita tina-try tawagan! Lowbatt ka ba?" she asked.

"Nope! I intentionally turned off my phone! Alam mo na, natetense ako sa result baka ma-bokya agad ako! Gusto ko ako na mismo bumokya sa sarili ko! Well, not unless may alam ka na sa result, h'wag mo na sabihin sa akin, B! Please?" sabi ko at malamay naman natin kasi. Mabuti na iyong maypa-warning.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon