Episode 34

1.8K 203 540
                                    

Episode 34: Jealous
---
Happy NayTay day and Happy 24th sa parents natin! ❤️ Just want to take this opportunity to thank everyone who journeyed with me being a flyer "author" since December 2016 up until this very day. Know from my heart that I will always write for them and for you and that just to be clear, writing has always been part of me for as long as I can remember. I was here in wattpad even before MW happened. I may have loved writing even before but I learned to love writing more thinking and writing of them in my mind and you, who not just loved the portrayers but the story it self. Thank you very much. Rest assured, it's going to be always with them.

-May 🌹

---
Happy reading! ❤️

---

"EL, nilagay ko na iyong mga binalot ni Mama para sa 'yo ha? Nasa likod ng sasakyan mo." si BB.

Kakarating lang namin dito sa Dorm niya. Hinatid ko na mismo kasi ang dami niya rin kasing bitbit na akala mo, buong bahay pinadala sa kanya ni Tita. Laptrip. Parang si Nanay lang din kaso, buong mundo nga lang trip nun ipadala sa 'yo, ipapapasan sa 'yo, ganun.

"Ako na bahala, B! Nag text ka na ba nang tutulong sa 'yo magbuhat ng mga ito? O ako na kusa maghahatid sa unit niyo?" ngising sabi ko.

"Bawal nga 'di ba?! Tsaka, pababa na raw si Kathy! P'wede ka na umalis, salamat sa paghatid!" anito at grabe talaga, wala man lang ka-sweetan! Diretso palayas eh!

"Uy, hello lovebirds!" si Kathy.

Hindi ko maiwasang hindi mapaismid sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga, bitbitin mo 'yang iba diyan, may pinadala si Mama na mga foods," si BB at talagang seryoso siya.

"Hello, EL! Hindi naman ako nasabihan na magkasama kayo, may pasundo sa bus station? Ayee!" si Kathy and she's obviously pissing BB off. Nakabusangot na ang Pinsan niya oh, salubong ang kilay. Hanep.

"Ayee ka pa diyan, hindi tayo bati! Langya 'to!" sabi ko kay Kathy at inirapan ko na para madama niya.

Bahagyang nagulat si Kathy. "H—Hakdog? What did I do?" ngising tugon niya.

"Mag-uusap pa ba kayo? Mauuna na ako sa loob, couz! Inaantok pa ako!" Si BB at agad akong napatingin sa kanya, "EL, thank you ulit! Iyong mga pinadala sa 'yo, ideretso mo na sa bahay niyo at baka masira! Salamat ulit, bye." aniya as she went inside their Dorm Building. Akala ko, didiresto na siya na walang sasabihin sa akin eh. Buti, hindi.

Nang maiwan kami ni Kathy sa labas ay napansin kong natatawa siya."Ano ba meron? Bakit mag kasama kayo? Sinundo mo siya sa bus station? Grabe namang friend 'yan! Nakakakilig!" Panunukso niya. She always does this—nanunukso.

"Inimbita ako ni Tito na dumalo sa birthday niya kaya pumunta ako at doon na rin ako natulog sa bahay nila." kuwento ko.

Bahagyang namilog ang mata ni Kathy. "Luh? Seryoso? Si Tito mismo ang nag imbita sa 'yo?! Wow naman! Himala ah! Sobrang strikto pa naman niyan! Actually, silang dalawa ni Tita! Iyong nagka-jowa nga ako, mas nagalit pa sila kesa sa sa sarili kong mga magulang eh! Tsaka, napaka-protective niyan kay Maggie! Muntik na nga mapatigil sa paglalangoy iyon nung nalaman na may pumoporma sa kanya sa school at sa swimming team, si Denver." natatawang kuwento niya.

Agad akong napaismid. "Pakialam ko don? Tsaka, why didn't you bother telling me about them? Okay na pala sila! Ngising ngisi ka pa while talking to him!" Napairap ako. Nakakapikon pa rin isipin kahit na okay na kami ni BB about it.

"Luh? Grabe naman! Malay ko bang hindi mo alam! Nagulat na lang ako nang malaman kong hindi mo pala alam na okay na sila no! Nakakaloka, selos ka ba?" natatawang tugon niya, "Bushak! Kinikilig ako! Ibang level ka pa naman noong time na iyon! Galit na galit, nanakit! Pero ayun, nasampal ka rin!" natawa si Kathy

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon