Episode 56

1.6K 155 192
                                    

Episode 56: Good news

An: Thank you for patiently waiting. Comment, vote, and share the story. Love you!! Happy reading! 💖

Ps. This update is unedited 🙏

----

"Tinawagan mo na ba si Tita?" tanong ko kay EL.

Katatapos lang namin kumain ng breakfast at heto, nag-aayos kami ng gamit namin kasi mamamasyal daw kami ngayon pamilya, syempre, kasama si EL. Nagyaya kasi si Tito Gary sa farm nito. Tsaka, mag-fifishing daw kami ngayon kaya heto, excited si EL.

"Done. Don't worry about it, okay?" aniya.

Napaismid ako. "Paanong hindi magwoworry e tinawagan ako nila Tita?! Malamang may ginawa ka na naman siguro! Tsaka, sure ka bang okay lang kay Kuya JM na dito ka muna? Hindi ba, pinapauwi ka na niya?"pagtanong ko muli.

Nag-aalala talaga ako.

"B, about that, hayaan mo na iyon, okay? Sanay na akong nag-aalburoto si Kuya, ganoon talaga siya! Nasa dugo niya na ang kasamaan kaya tanggap ko na iyon, okay? Nag text na ako sa kanya na dito na muna ako at mag-uusap na lang kami pag-uwi ko at nag reply naman siya ng 'okay' kaya good vibes na ulit iyon! Sorry for the trouble, B. Hindi na mauulit!" sabi niya at may payakap pa siya.

Nasa kwarto kami ngayon.

"Ano ba kasi ang nangyari? Hindi ko ba talaga puwedeng malaman? Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin? Sobrang clueless ko kaya hindi ko na rin talaga naiiwasang magtanong. Gusto ko rin naman maging aware, gusto kitang damayan sa abot nang makakaya ko." sabi ko sa kanya at sana maintindihan niya.

Napabuntong hininga siya at napakawala sa pagkakayakap sa akin. "Tumakas ako kahapon sa event. Hindi ko na nameet ang iilan sa mga kaibigan ng grandpa ko kasi dinner time pa raw darating, e. If that happens, our plan will be ruined. I tried na magpaalam pero hindi ako pinayagan and so, I had to do what I had to do. " napaiwas tingin siya, "I know, mali iyon. Pero, what can I do, B? Mas nauna tayong nakapagplano at excited ako sa bonding namin ng Papa mo and that I get to meet some of your titos, how cool is that? Ayaw kong paasahin sila , sayang." ani EL.

Naloka ako sa nalaman ko! So, totoo ngang tumakas ang buang na 'to! No wonder, nag-alala talaga sila Tita! Sarap awayin pero h'wag na. I know, naririndi na 'to sa mga talak! Tsaka, ayaw kong masayang ang araw na ito, magsasaya na lang kami sa family bonding namin na kasama si EL! Minsan lang ito kaya kalma, Mags.

"Grabe ka talaga! So paano 'yan, malamang, galit ang grandpa mo?" tanong ko sa kanya.

Nag-aalala ako pero kinakalma ko na lang ang sarili ko.

"I received a text from my grandma! Sabi, pumunta ako sa kanila when I get back. They basically know about us already so you might as well ready yourself to meet them! Ipapakilala kita sa kanila!" ngising tugon niya.

"H—huh? Sa tingin mo ba, magandang ideya 'yan sa ngayon? Baka mamaya, mapagalitan lang tayo at talagang tumakas ka sa event dahil sa akin? Mamaya, bad influence ang tingin nila sa akin para sa 'yo, naku! Nakakatakot ha." Sabi ko.


Hindi ko alam, pero napasok sa isipan ko na baka ganoon ang maging tingin nila sa akin, lalo na at sa nangyari kahapon, parang ang labas ay mas inuna pa ako ni EL kesa sa business event nila. Oo na, nega na ako.

Bahagyang napataas ang kilay ni EL sa nasabi ko at alam kong mediyo hindi niya iyon nagustuhan. "Nonsense, B! Minus last day, alam kong mas masaya pa sila Nanay because of you! Sila grandpa, siguro, they'll be judging you from yesterday but don't worry, once they'll get to meet you and all these changes to me, they'll be thankful to you! Isa pa, kasalanan ko naman iyong kahapon, e. None of it is your mistake!" ngising sabi niya

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon